POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART Chapter 41


πŸ“TJ POVπŸ“
One night,may event sa training center namin and syempre isasama ko si Rhian.She is excited.She look pretty that night.Ang sexy ng sout niya na nababagay naman sa kanya.
“You look pretty by at bagay na bagay sa iyo..'”
“Hmmp,kidding aside?bolero ka pa naman..”
”Totoo,maganda naman talaga at sexy ang baby ko..”
“Thanks by,” nakangiti niyang sagot.
πŸ“Rhian POVπŸ“
Labanan ng Past vs. Present ang gabi na iyon,kaya kailangan comfortable at attracted ako sa mata ni TJ.Kasama din ang asawa ng mga Pulis na nandun sa event na iyon,ako lang yata ang girlfriend pa lang.Ewan ba sa TJ niya,bakit hindi pa siya papakasalan nito?
Enjoy akong nakipag-usap sa partner ng ibang naroon.Busy pa kasi si TJ sa kabila.After awhile,nakita ko si Shamcey,bagay din sa kanya ang sout niya at ang tangkad din niya.
Lumabas ako saglit dahil tumawag si Drew,my boy-bestfriend mukhang brokenhearted kaya inaadvice-an ko na lang siya.Sabi nga nila,ang galing mong mag-advice sa iba pero sa sarili mo hindi mo maapply.After niyang tumawag,papasok na sana ako nang makita ko si Shamcey,nakaupo siya sa gilid tila may iniisip.Walang alinlangan na nilapitan ko siya.
“Hi Shamcey,can we talk?I hope hindi ka maoffend sa itatanong...


ko..mahal mo pa ba si TJ?alam kong ex mo siya,” kalmado kong tanong sa kanya,hindi agad siya sumagot at ngumiti ng mapakla.
“Humahanga ako sa pagiging kalmado mo Rhian,hindi ka natatakot..at hindi mo ako inaaway..”
“Ang totoo Rhian,mahal ko pa ang boyfriend mo..mahal ko pa siya,pero alam mo ang masakit?hindi na ako ang mahal niya,hindi na..kung alam ko lang na ang pag-alis ko sa training center ang makapaghiwalay sa amin,sana hindi na lang ako tumuloy..naghintay ako sa kanya ng ilang taon,hindi niya ako sinundan,hindi niya ako hinabol..pero ikaw,nung nalaman kong may iba na siyang mahal at ikaw iyon,parang mababaliw siya sa kahahanap sa iyo at napagtanto ko kung gaano ka niya kamahal..he deserve to love him back kaya ingatan at mahalin mo siya Rhian,alam kong kayo talaga ang para sa isa’t-isa..”
Hindi ako nakaimik sa mahaba niyang litanya doon ko narealize na ang swerte ko nga kay TJ.
“Thank you Shamcey..”
“It’s Ok,alam kong masakit pero kailangan kong tanggapin ang lahat..kaya mahalin mo siya tulad ng pagmamahal ko sa kanya..”
Kahit may inis ako noon kay Shamcey pero napatunayan kong hindi masama ang pakikitungo niya sa akin.Sana makahanap na siya ng lakaking deserve din niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top