PUSONG SINUNGALING PART 2

-Sa panulat ni Rocel P Cheche…
KABANATA 4- ( Ang paghaharap nila Rolly at Rea).πŸ‘¨πŸ‘©
Ang nakaraan…πŸ•§
” Nariyan na ba ang wife ni Mr. Edward?.”
– – – – – – – – – – – – – – – –
Lumabas si Rolly sa kanyang office ng biglang…πŸ’πŸ™
” Rea!…”
isang salitang nabigkas niya at lumabas sa kanyang bibig ng makita niya ito na kausap ng isa sa mga matagal na nilang empleyado sa Kompanya nila.πŸŒ†
Napalingon si Rea kay Rolly sa pagtawag nito sa kanyang Pangalan at nagpaliwanag siya rito kung bakit siya naroroon.πŸ‘©
” Sorry, Rolly, hindi ko inasahan na dito pala ako dadalhin ng mga paa ko, napag- utusan lang kasi ako ng husband ko na makipag-usap daw sa taong kakatagpuin niya ngayon, di ko naman akalain na ikaw pala yun sinasabi niya, itinuro lang kasi niya yun direksiyon nung malapit na ko sa lugar na ito.”πŸš—πŸ‘ 
Titig na titig si Rolly kay Rea habang nagsasalita ito, hindi maitatangging inlove na inlove parin siya rito.πŸ’‘
” Halika doon tayo mag-usap sa office ko.” yaya ni Rolly kay Rea.πŸŒƒ
Pumunta sila sa office ni Rolly at doon nag-usap… isinara ni Rolly ang pinto.πŸšͺ
Habang nag-uusap sila tungkol sa negosyo ay titig na titig parin si Rolly sa kanya, kahit saan man niya ibaling ang kanyang paningin ay sinusundan siya ng mapang-akit na mga mata ni Rolly.πŸ‘πŸ‘
” Rea, bakit di ka makatingin ng diretso sa akin? may problema ba? Di ba sabi mo nga andito ka para mag-usap tayo tungkol sa negosyo, dapat tumingin ka sa akin mata sa mata para malaman ko kung totoo bang mahal mo pa ko? este kung seryoso ka ba sa pag-iinvest sa Company namin?.” Pang-aasar ni Rolly na di parin umaalis ang titig nito kay Rea.πŸ‘€
” Wala parin palang kakupas-kupas ang kayabangan mo?.” Mahinang wika ni Rea na narinig parin naman ni Rolly.πŸ’ͺ
” Ano sabi mo Rea?.” wika ng nang-iinis parin na si Rolly.😁
” Este, hindi parin pala nagbago ang itsura ng office mo, ganun parin ito simula ng umalis ako dito.” wika ng naiinis ng si Rea.😬
” Oo, parang ako, hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo, buong buo parin ito.” wika ng sabik na sabik na si Rolly.πŸ’˜
Hindi na nakatiis si Rolly sa sobrang pananabik niya kay Rea, sinunggaban niya ito ng matitindi at matatamis na mga halik, halos di makahinga at malunod itong si Rea sa mga masasarap na mga halik na iyon.πŸ’
Na-miss ni Rea ang mga halik na iyon para siyang lumulutang sa hangin at dinadala pataas sa alapaap pero pinigilan niya ang kanyang sarili, gusto niyang kumalas sa mga halik ni Rolly, pilit niyang tinutulak si Rolly papalayo sa kanya hanggang sa makakalas na siya.✊
“Pak…, pak…, pak…” tatlong sunod sunod na sampal ang natanggap ni Rolly mula kay Rea.πŸ–‘πŸ–‘πŸ–‘
Bumuhos ang mga emosyon…πŸ˜₯πŸ˜₯πŸ˜₯
” Rolly, ano itong ginagawa mo? tumigil ka, mali ito, hindi tama ito, hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko noong mga...


panahong niloko mo ko..” naluluhang wika ni Rea.πŸ˜₯
” Hindi mo rin alam kung anong pinagdaanan ko Rea, noong panahong iniwan mo ko.” Ganting wika ni Rolly.😣
” Parang dinudurog ang puso ko ng mawala ka sa buhay ko, lungkot na lungkot ako noon, nagmatigas ako kahit alam ko ikaw ang sinisigaw ng puso ko. Nagpakatatag ako, nagsikap para makaahon sa hirap, sinubukan kitang kalimutan, hanggang makilala ko si Edward, si Edward ang taong nagpadama ng bagong pagmamahal sa akin, pinunan niya ng saya ang lungkot na naramdaman ko sayo.”mahabang paliwanag ni Rea kay Rolly.πŸ‘΄πŸ˜…
” Bakit di ka man lang sumilip ng mga oras na iyon? Sana man lang sinulyapan mo ako para naipaliwanag ko sayo ang totoo, basang basa ako sa ulan Rea, hindi ako umaalis doon kasi umaasa ko na lalabasin mo ko pero hindi ko nakita kahit anino mo, hindi sana nangyari ito, hindi sana Rea.” Balik tanaw na banggit ni Rolly na unti unting naluluha na hanggang sa pumatak na ang mga luha nito.πŸ˜₯
Saglit silang tumigil sa mga diskasyunan nila, kapwa sila luhaan, mga ilan sandali pa ay hinawakan at hinaplos haplos ni Rea ang mukha ni Rolly, tinitigan niya ito, unti unti niyang inilapit ang kanyang mga labi sa labi ni Rolly, hinalikan niya ng marahan, dahan dahan si Rolly.πŸ’
” Mahal na mahal kita Rolly.” wika ni Rea habang hinahalikan si Rolly.πŸ’
Sinuklian naman ito ng walang patid na halik ni Rolly… Sa kasagsagan ng kanilang paghahalikan ay biglang narinig nila ang boses ni Rosana mula sa labas ng opisina.πŸŒ†
” Nariyan ba ang Sir. Rolly nyo?.” tanong ni Rosana sa isa sa mga baguhang babaeng empleyado.πŸ‘Έ
” Madam, si Sir. Rolly po ay nasa opisina niya.” wika nito kay Rosana.πŸ‘§
” Papasok na ko.” wika ni Rosana na dali daling lumakad papunta sa opisina.πŸ‘Έ
” Madam, wag po kayo agad pumasok, may bisita po si Sir. Rolly.” awat nito kay Rosana.πŸ‘§
” Bisita! sinong bisita niya?…eh ano naman kung pumasok ako… bawal bang pumasok.?.” Tanong ng nagtatakang si Rosana.πŸ‘Έ
Batid ng mga empleyado ang mga kaganapan sa loob ng opisina, naririnig nila ang mga pinag- usapan nila Rea at Rolly, kaya ayaw nilang papasukin si Rosana sa opisinang iyon.πŸ‘¦πŸ‘§πŸ‘΄πŸ‘΅πŸ™πŸ™…πŸ™†πŸ™‹πŸ‘±…πŸ‘©πŸ‘¨πŸ‘Έ
Dali daling binuksan ni Rea ang pinto at hinila niya si Rolly at hinawakan niyang muli ang mukha ni Rolly ng malaman niyang papasok at papalapit na si Rosana sa pintuan ay hinalikang muli ni Rea si Rolly, mas matindi, mas kagigil-gigil, mas masarap ang mga halik na tila sinadya niyang gawin para inggitin si Rosana ng sa ganoon ay makaganti siya rito sa mga ginawa nito sa kanya. πŸ‘ΈπŸšͺπŸ’
“Rea?..Rolly?.” laking gulat ni Rosana ng makita niyang kapwa uhaw at sabik sa isa’t isa ang dalawa.πŸ’‘
πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•
Ano kaya ang gagawin ni Rosana ngayong nakita niya sa tagpong ito sina Rolly at Rea???
ABANGAN…
-Thank you so much po sa mga nakabasa po at sumusubaybay sa kuwento nila Rolly at Rea.
Thank you po Admin…Godbless po…πŸ’–




Share On Whatsapp

Leave a Reply




top