skyview with you PART ONE


skyview with you
Author: rhiana
Genre: romance
PART ONE,
Mavis pov,
2 days na ako dito sa school bilang transferee,,pero ni isa wala pa akong naging close o kaibigan manlang,,,ang hirap makipag kaibigan sa ganitong school,,ang taas ng tingin nila sa sarili porket mayaman. Pero hindi ko naman kailangan ng kaibigan sanay na akong mapag isa.
Pansamantala akong naglalakad papunta sa room ko when i heard screaming on the restroom hindi lang sumisigaw,,,tumatawa pa lalagpasan ko na sana ng nakarinig ako ng babaeng umiiyak.
Anobayun? Baliw? Tatawa tapos iiyak?
Tumingin ako sa selpon ko kung anong oras na,,, aga pa naman para magsimula ang klase kaya pumunta ako sa cr para tingnan kung anong meron.
May nakita akong dalawang babae na nakaharap sa cubicle at tumatawa habang hawak ang isang balde na walang laman,,,pumasok ako para tingnan kung sino yung na sa cubicle.
Si jeana. Isa sa mga nerd sa room namin.
At yung dalawa naman si aleyah at si maureen,,,kilalang number 1 bully dito SHSU,,,,kilala ko yang mga yan dahil classmate ko rin yan.
“Ano may napala ba kayo?” Agaw pansin ko sa kanila habang naka sandal sa lababo. Katapat ako ng cubicle kung nasaan sila. Tumingin sa akin si aleyah na para bang naghahamon ng away.
inaano ko ba to?
“Eh ano namang ginagawa mo dito?” Sigaw ni aleyah sa akin.
“Oo nga anong ginawa mo dito?” Sigaw rin...


sa akin ni maureen.
Tss Gaya-gaya!
Hindi ko sila pinansin at diritso lang akong lumapit kai jeana at inalalayan ko siyang pumunta ng lababo para ayusan.
“Hoy anobang ginagawa mo? Madadamay ka sa ginagawa mo alam mo bayun?” Bulong naman sa akin ni jeana habang inaayos yung salamin niya sa mata at ang buhok niyang basa.
“Oo alam ko. Pero di naman siguro ako tanga para pabayaan ka.” Sagot habang nakatingin sa kanya.
“Ahhhwww ang loser nag hahanap ng kaibigan kasi nga naman wala kang close sa room noh? Hayyyssttt bagay kayong dalawa,,parehas walang kaibigan,, parehas loser.” Pang-aasar sa amin ni aleyah.
“Tapos kana ba? Tara pasok na tayo sa room.” Pag aaya ko kay jeana.
“Oo tapos na.” Sagot naman niya.
Akmang aalis na kami ng hawakan ako sa braso ni aleyah ng mahigpit.
“Kapag nag sasalita ako hindi ka dapat umaalis.” Pabulong na sabi ni aleyah.
“Oo nga dapat hindi ka umaalis.” Pang gagaya nanamn ni maureen. Tumingin ako kay aleyah at tinitigan siya.
“Pwes wag kang magsasalita kung alam mong aalis ako.” Sabay alis ng braso ko sa kamay niya.
“Tara na.” Hinawakan ko sa braso si jeana para mabilis kaming makapasok sa room.
Para kasing pagong eh! Bagal.
“Arghhhhh hindi pa tayo tapos loser.” Rinig kong sigaw ni aleyah sa cr.
“Oo hindi pa tayo tapos.” Gaya nanaman ni maureen. Mukang tanga lang! Sunud sunuran kai aleyah.





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top