Stairs


Oneshot
“Stairs”
Ako si Jane isang Guro sa isang public school. 7:12 am.Papunta ako sa 2nd floor sa bagong building para kunin ang mga modules. Doon ako dumaan sa hagdan na malapit sa may puno ng mangga. Habang naglalakad sa Hagdan patungong 2nd floor napansin ko na ba’t ang raming pusa dito? Ipinagsawalang-bahala ko na lang yo’n. Pagkarating sa classroom ay tinanong ko ang kapwa kong guro. “Maam Liezel ba’t ang daming pusa do’n sa may hagdan?” Tanong ko. “Ay oo minsan nga binibigyan ko yan ng pagkain eh kasi naaawa ako sa kanila.” Saad niya na ikinatango ko.
~~~~~~~~~~~~
‘UWIAN’
5:12 pm
PABABA na ako ng hagdan ng mapansin na nandoon pa rin yung mga pusa. Nakasalubong ko pa si Ate Guard na nagkwekwentuhan kasami ang si Mang Toryo yung janitor.
“Una na po ako...


Ate Guard, Mang Toryo!” Paalam ko.
“Sge Ma’am Ingat!” Saad ni Ate guard habang si Mang Toryo ay tumango lang habang nakangiti.
~~~~~~~~
Kinabukasan
7:45 am
Papunta na ako sa classroom ng nakasalubong ko si Ma’am Liezel na mukhang takot. “Ma’am Jane nabalitaan mo na ba yung storya tungkol sa mga pusa sa hagdan?” Tanong niya. “Hindi. Bakit? Anong meron?” Pabalik kong tanong.
“Eto kasing si Ate Guard pipicturan sana yung mga pusa sa hagdan yung patungo sa second floor para ireport. Pero pagtingin niya sa picture walang pusa na makikita.” Kwento niya.
Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko. Kaya pala na ang bigat sa pakiramdam tuwing dumadaan ako sa hagdang yo’n.
Kaya simula noon hindi na ako doon dumadaan patungo sa classroom ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Try lang! Don’t expect too much from this post! 🤡






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top