Stolen Heart Chapter 1


This is my first story sana suportahan niyo ko
Stolen Heart
Chapter 1
Xavier POV
“Goodmorning ser”bati sa akin ng isa sa mga guard dito sa coffee shop
I own this coffee shop and I came her just to check my employees
Lahat ng taong nasa coffee shop ay napatingin sa akin at nginitian ko lang sila saka dumiretso papunta sa counter kung nasaan si Suri. Si Suri ang isa sa mga employee na pinagkakatiwalaan ko dito siya ang humahawak sa mga pera na kinikita dito sa coffee shop.
Suri is my childhood friend so my trust to her is really big
“Goodmorning!”bati niya sa akin
“How’s the coffee shop?”I ask
“Uhm good, maraming customer ang nagdadatingan ngayon. Halata naman ‘ata”tumingin siya sa mga customer na nakaupo ngayon sa kanya-kanya nilang lamesa
Puno ng tao ang coffee shop ngayon kaya siguro good mood si Suri. Madalas kasi walang tao ito’ng coffee shop kaya madalas din stress si Suri sa kakaisip kung paano makakaattract ng mga customer
“You look happy?”nakangiting sabi ko at ngumiti naman siya ng bahagya
“Happy siya kasi may nakilala siyang poging lalaki”sabat ni Tyler at tinignan naman siya ng masama ni Suri
Lalaki? Wow first time hearing na masaya si Suri dahil may nakilala siya
“Tumahimik ka”inis na sabi ni Suri sa kanya at ibinalik ang tingin sa akin “Wag ka’ng maniwala sa s*raulo na yan. Kanina pa ko inaasar niyan dun sa lalaking m*yabang na kala mo siya may ari ng coffee shop”saad ni Suri sa akin at tumango naman ako
“Nanggulo ba dito yung lalaki’ng sinasabi niyo?”tanong ko
Umiling siya “Hindi naman. Nainis lang talaga ako kasi papalit-palit ng order, mocha daw tapos tinawag ako black coffee na lang daw tapos nung sasabihin ko na sana kay Iñaki na black coffee ang order niya tinawag niya ulit ako caramel na lang daw”halata sa muka ni Suri ang inis habang inaalala yung nangyari kanina
“Dapat di mo na binigay yung order hahahah”biro ko at narinig ko namang tumawa si Tyler
Chismoso talaga
“Hindi niya nga maiwan kasi type niya”pasigaw na sabi ni Tyler at agad naman na lumapit si Suri sa kanya at binatukan siya ng malakas
“Magtrabaho ka na lang dyan”sigaw ni Suri sa kanya at tinignan ko naman yung mga customer na nakatingin na sa amin ngayon
“Oh tama na yan nakatingin na lahat ng tao dito sa inyo baka matakot at umalis pa”pabirong sabi ko at bumalik naman agad si Tyler sa ginagawa niya
Hinila ko yung isa sa mga bakanteng upuan at doon naupo. Nagcross-arm ako at pinanood si Suri at Tyler sa ginagawa nila
Si Tyler ang nagdadala ng order sa mga customer at si Suri naman ang nagtatanong at naglilista ng mga umo-order. Si Iñaki ang nasa loob at gumagawa ng kape. Si Dixie naman ang nagbebake ng tinapay dito sa coffee shop.
Thankful din talaga ako sa kanila dahil sa pagtulong nila dito sa coffee shop ko. Mayayaman naman ang mga yan at hindi na kailangan magtrabaho pero dahil nga gusto nila akong tulungan ay sila na ang nag-volunteer na magtrabaho sa coffee shop.
Nagsisimula pa lang to’ng coffee shop kaya hindi pa ko nakakahananap ng ibang tao na pwedeng magtrabaho dito
My dad is a CEO of one of the famous company in the world. Someday ako na ang maglelead ng company niya at hindi ko pa gusto dumating ang araw na yun. Ineenjoy ko pa yung buhay ko ngayon. Ayokong maging busy kagaya ni dad. Wala siyang time para sa amin ni mom dahil masyado siyang tutok sa trabaho niya, minsan nga napapaisip na lang ako kung ano ang mas importante sa kanya yung company niya ba o kami ni mommy.
Hinahayaan ko na lang talaga si dad hindi na ko nagsasalita o nagrereklamo sa kanya alam ko rin naman na ginagawa niya yun para sa amin
Napatingin ako sa gawi ni Tyler ng may marinig ako na bumagsak. Natapon sa sahig yung coffee na hawak ni Tyler pati na rin yung tinapay. Nakatingin si Tyler sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan niya at nakatingin din. Halata sa muka ni Tyler ang pagkainis kaya bago pa siya makapagsalita ay tumayo na ako at lumapit sa kanila.
Hinila ko si Tyler papunta sa likod ko nung umasta siyang hahawakan yung babae. Nakataas yung kanang kilay nung babae at nakacross-arm habang nakatingin ng mapang-asar kay Tyler
“Clean it!”utos nung babae kay Tyler at nagpumiglas naman si Tyler sa pagkakahawak ko sa kanya
“Wag mo ng patulan”bulong ko kay Tyler at umiling naman siya ng ilang beses
“Hindi pwede. May kasalanan pa sa akin ya’ng babaeng yan kahapon tapos ngayon nandito na naman siya at tinapon pa yung order ng ibang customer”may gigil na sabi niya at mukang narinig naman siya nung babae
“You’re the one who started it”nang-aasar na sabi nung babae at tinignan ko naman siya
“Can you please leave my coffee shop now?”nakikiusap na sabi ko at nilipat niya naman sa akin ang tingin niya
“So your the owner of this coffee shop?”maarteng sabi niya at hindi naman ako sumagot “Can you teach good manners to your employees?”maarteng sabi niya pa
“Sumusobra ka na”sigaw ni Tyler at naramdaman ko naman ang paglapit sa amin ni Suri
“Anong nangyayari dito?”tanong ni Suri at ibinaling ang tingin kay Tyler “Gumawa ka na naman ba nanggulo?”inis na sabi ni Suri kay Tyler
“Bakit hindi ang babaeng yan ang tanungin mo?”inis din na sabi sa kanya ni Tyler at inilipat naman ni Suri ang tingin niya sa babae
“Ikaw na naman? Pinagbawalan na kitang pumunta dito hindi ba? Makakaalis ka na hindi namin kailangan ng customer na kagaya mo”masungit na sabi sa kanya ni Suri at hinawakan sa braso yung babae
Hinila ni Suri palabas ng coffee shop yung babae habang kami ni Tyler nakasunod lang sa kanila at...


sinenyasan ko naman si Iñaki na nakatingin ngayon sa amin na asikasuhin muna yung ibang customer.
Pabatong binitawan ni Suri yung babae. Muntik pang matumba yung babae pero nasalo siya ni Ian
Anong ginagawa ni Ian dito? Nakangiti si Ian habang nakatingin dun sa babae at tinulungan niya muna na makaayos sa pagtayo yung babae bago lumapit sa akin
“What’s happening here?”tanong niya sa akin at nagkibit-balikat naman ako
Sa totoo lang hindi ko rin alam ang nangyayari dito, narinig ko lang na may nalaglag tapos ayun na nag-aaway na si Tyler pati yung babaeng customer na ‘to
“Ma’am tumawag na sa akin ang dad niyo pinapauwi na kayo may mahalaga daw kayong bisita sa bahay niyo”may lumabas na lalaking nakasuot ng black na polo at pantalon sa sasakyan. Siya yung lalaking nagsalita at sigurado ako na siya ang driver nitong babae
“Let’s go!”mabilis na sabi nung babae at nagmadaling pumasok sa loob ng itim na sasakyan
Yun na yun? Wala ba’ng suntukan o sabunutan man lang?
“Oh glad she leave now”saad ni Suri at naglakad papasok sa coffee shop
Nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ko at sumama na rin sa akin si Ian. Sumakay na ako sa sasakyan ko at ganun din si Ian sa sasakyan niya.
Pinaandar ko na yung sasakyan at maya-maya ay nakarating na ko sa building ng IX company. Ipinarada ko yung sasakyan sa parking lot at sumakay na din ako ng elevator para mapabilis ang pag-akyat ko.
Maraming empleyado ang bumati sa akin at nginitian ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa office ko. Umupo ako sa swivel chair at napatingin naman ako sa glass door ng may kumatok.
Si Zyra ang team leader ng Research and design devision. Sinenyasan ko siya na pumasok at pagkapasok niya ay nilapag niya agad yung brown envelop na hawak niya sa lamesa ko
“Mr. Brown asked me to tell to you that the company had a special event tomorrow, all board member we’re invited, he want you to prepare for your speech tomorrow, and he also said that tomorrow is the day that he will announce you as the next CEO of this company”casual na sabi niya
What the-
Agad-agad? Hindi manlang ako sinabihan? Dapat sinabi niya na agad para nakapaghanda ako, hindi ko kaya maghanda ng speech ng ganun kabilis, kailangan ko mag mukang mataas sa harap ng mga board members dito sa company
“I’m leaving now Xavier”paalam niya at tumango lang ako
Dad is always surprising me. I know that his challenging me that’s why he’s doing it
Napatingin ulit ako sa pinto ng may kumatok at naghihintay sa labas yung assistant ko. Sinenyasan ko din siya na pumasok at nagmadali naman siya
Si Ayelle Guttierez naman ang assistant ko siya ang laging nagsasabi sa akin ng mga kailangan ko’ng gawin katulad ng meetings at iba pa
“Mr. Xavier the CEO say that you need to talk to Ms. Calynn Villanueva. He wants you to convince Ms. Calynn to signed a contract with us, Ms. Calynn is what Mr. Brown want to be the new model of our product. He wants you to do it tomorrow and if not you will be transferred to the other department”mahabang sabi niya at kumunot naman ang noo ko
“Really?”sigaw ko at napatalon naman si Ayelle sa gulat “I’m sorry”saad ko sa kanya at tumango lang siya
“And you are also the one he wants to attend later in the meeting, another shareholder will come later, many things will be discussed and Mr. Brown want you to do it”dagdag niya pa at napahawak naman ako sa sintido ko
“You can leave now”casual na sabi ko at agad naman siyang lumabas ng opisina ko
Maraming trabaho ang nakaassigned sa akin ngayon kaya sigurado ako na wala na naman akong pahinga
Another person is knocking on my door now. Nakayuko at tinaas ko na lang yung kamay ko para pumasok siya. Naramdaman ko ang paglakad niya at sumenyas naman agad ako na magsalita siya
“Reasearch and design team will have a presentation later and Mr. Brown want you to check it. He want you to give your opinion about their presentation, and he also want you to make a new design for our new product”saad niya at agad ko namang iniangat ang ulo
“I’m not product designer so why he’s asking me to do that”inis na sabi ko
“You need to do it Mr. Xavier, he will transferred you from the other department if you didn’t do that”seriously? He’s really scaring me by saying that he will transfer me from other department?
“OK, OK JUST TELL TO HIM TO WAIT”pasigaw na sabi ko at nag-bowed naman siya bago lumabas ng office ko
Paano ako makakaattend ng meeting kung kailangan ko’ng tignan ang presentation ng research and design team? Hindi ko kaya gawin ‘to ng sabay-sabay
I rest my chin in my palm and close my eyes. Maaga pa ngayon kaya may oras pa ko para isipin kung paano ako makakaattend ng meeting at paano ko machecheck ang presentation ng design team
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at denial ang number ng assistant ko. I should ask her kung kailan magsisimula ang meeting at presentation
[Yes, Mr. Xavier?]
“Anong oras magsisimula ang meeting at presentation?”
[The meeting will start in 12 noon lunch time and the presentation will start in 2:00 pm]
“Ok good”I end the call and smiled
Buti na lang hindi nagsabay. Wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw kaya pwede pa ko magrelax. Kung ngayon pwede bukas hindi na. And I also don’t know how dad plan the event that will happened tomorrow
Kailangan ko’ng malaman kung saan o kailan maagkakaroon ng shooting si Calynn. Kailangan kong makipagkita sa kanya para mapapirma siya ng kontrata






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top