STRANGERS TO LOVERS CHAPTER FOUR

STRANGERS TO LOVERS
CHAPTER FOUR
Farm
Drake
Ilang linggo nang nakatira sa bahay ko si Anna. Halos walang pinagbago, palagi pa rin siyang nagrereklamo. Medyo nag improve naman ang paglilinis niya ng bahay. Hindi na din siya nakakabasag ng mga baso kapag naghuhugas. Pero, ayon nga, hindi mawala-wala ang pagiging reklamador niya.
Pinagpapasensyahan ko na lang, tutal may pakinabang naman siya dito sa bahay kahit papaano. Nabawasan ang gawain ko.
Kahit ilang beses kong ungkatin sa kanya ang pag-alis dito sa bahay ko, hindi ko pa rin siya mapaalis sa bahay ko. Mas matapang pa kasi siya sa akin. Kung ano ang sinabi niya, pinanindigan niya talaga na kaya niyang gawin ang mga inuutos kw21o sa kanya. Kahit na nakikita kong nahihirapan na ito sa mga gawaing bahay, hindi pa rin siya sumusuko.
Kahit yata pahirapan ko pa siya, walang epekto sa kanya. Sa tingin ko nga ay dahil na ito sa pride niya. Napakataas ng pride kaya mas gustong maghirap.
Hindi ko alam kung anong kwento ng buhay niya. Kung bakit siya napadpad sa lugar na ito. Sa tingin ko naglayas siya, pero hindi ko pa rin alam kung bakit siya naglayas.
Hindi naman siya nagsasalita. Hindi siya nagkukwento ng tungkol sa kanya. Ano nga ba aasahan ko? Eh, palagi nga kami nag-aaway tapos magkukwento pa siya sa akin.
Nakasunod lang ang tingin ko kay Anna habang nagwawalis siya sa labas ng bahay ko at ako naman ay naka upo sa may pintuan ng bahay. Nakasimangot na naman siya. Mukha ngang hirap na hirap na siya sa ginagawa niya.
Hindi ko sana siya pagwawalisin sa labas kasi gawain ko iyon at saka malawak ang lilinisan na lupa. Pero dahil sa ginawa niya kanina kaya pinarurusahan ko siya. Dahil lang kasi sa nainis siya, itinapon niya ang pagkain na kinakain niya. Ayoko ng ganun. Kung maiinis ka, mainis ka, pero huwag mong itatapon ang pagkain.
Mahirap magtanim at anihin ang mga kinakain natin, kaya ayokong may nasasayang na pagkain. Kahit ilang pirasong bigas ang natapon, nanghihinayang ako. Importante sa akin ang bawat butil ng pagkain.
Tumigil siya sa pagwawalis. Nakita kong tuwid siyang tumayo. Tumingala pa siya. Magpapahinga siguro.
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya, pero nakikita kong pawisan na siya. Ang dali niyang pagpawisan. Iyon ang napansin ko sa kanya. Siguro hindi sanay sa mainit at walang aircon kaya madali siyang pagpawisan. Tapos namumula na kaagad ang balat niya kahit kakalabas niya pa lang.
Ilang sandali pa ay napakunot ang noo ko. Naka ilang minuto na kasi siyang nakatayo lang doon. Kapagkuwan ay napansin kong yumuyogyog ang balikat niya. Umiiyak ba siya?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa kanya. Nang malapit na ako sa kanya ay narinig kong suminghot siya. Umiiyak nga.
“Bakit nakatayo ka lang dyan?” Sabi ko sa kanya.
Nilingon niya ako. Natigilan ako. Namumula na ang ilong niya. ‘Yong luha niya humalo na sa pawis niya. Mukha na siyang nanlilimahid na bata.
“Bakit ka umiiyak?” Tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa akin ng tuluyan. Napatingin ako sa mga kamay niyang nakakuyom.
Inabot ko ang kamay niya. Nagpupumiglas siya pero pilit kong ibinuka ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga kamay niya na puro paltos. Namumula ba ang kamay niya at may mga parteng nasugatan na.
“M-may s-sugat na ang k-kamay ko,” umiiyak niyang sabi habang nakatingin sa mga kamay niya. Nakita ko pang tumulo ang sipon niya pero mukhang wala siyang pakealam.
Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanya.
Hindi ko sana pinalinis sa kanya itong labas. Alam ko namang mahirap magwalis dito lalo na at maraming dahon na nalalaglag sa puno. Kapag naipon, mahirap ng galawin.
Ang t*nga ko. Alam ko naman na mayaman siya at wala siyang alam na gawing bahay, pero pinagawa ko pa ito sa kanya. Gusto ko lang naman sanang magtanda siya dahil sa ginawa niya pero mukhang sa akin bumalik ang ginawa ko. Ako pa ngayon ang nagsisisi.
Tumingin siya sa akin. “Punasan mo nga yung sipon ko,” utos niya sa akin.
Natigilan ako sa narinig ko. Tiningnan ko ang mukha niyang puno ng pawis at luha, isama pa ang sipon niya.
Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Napapalatak na lang ako.
“Punasan mo na ang sipon ko. Papasok na sa bibig ko ang sipon ko.”
Inutusan pa talaga akong magpunas ng sipon niya. Lumapit ako sa kanya at itinaas ang laylayan ng tshirt ko. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya saka pinunasan ang basa niyang mukha, pagkatapos ay ang sipon naman niya. Natatawa ako sa ginagawa ko. Para akong nag-aalaga ng isang bata.
“Malinis ba iyang damit mo?” Tanong niya saka siya suminga sa damit ko.
Napangiwi ako ng maramdaman ko sa kamay ko ang sipon niya.
“Kakapalit ko lang ng damit,” sagot ko sa kanya.
Pagkatapos ko siyang punasan ay tiningnan ko ulit ang mga kamay niya. Nag-igting ang panga ko.
Kinuha ko sa kanya ang walis tingting saka ko iyon hinagis sa kung saan. Hinawakan ko siya sa braso niya saka siya hinatak papasok sa loob ng bahay. Pinaupo ko siya sa sofa. Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ako ng maliit na towel, betadine, at bulak.
Pagkabalik ko sa sala nakita kong tinitingnan pa rin niya ang mga kamay niya. Para siyang awang-awa sa mga kamay niya. Ibinaba ko ang mga dala ko sa center table.
“Halika,” hinawakan ko ulit siya sa braso at itinayo. Dinala ko siya sa kusina. Iniwan ko siya sa tapat ng lababo at kumuha ako ng sabon. Pagkabalik ko ay itinapat ko naman ang mga kamay niya sa gripo. Binasa ko iyon at sinabon.
Napangiwi naman siya. “Masakit,” reklamo niya.
“Tiisin mo,” pagkatapos kong hugasan ang kamay niya ay bumalik kami sa sala. Marahan kong pinunasan ng towel ang mga kamay niya saka ko ginamot iyon gamit ang betadine.
Wala naman siyang tigil sa pagngiwi at reklamo.
“Kasalanan mo ito. Nasugat tuloy ang mga kamay ko. Kailangan kong magpa-handspa,” naiiyak na naman niyang sabi sa akin.
Napailing ako. “Kasalanan mo din. Kung hindi mo tinapon yung pagkain, hindi naman kita paparusahan.”
“Naiinis kasi ako sayo kaya ko ginawa iyon,” asik niya sa akin.
Magkasalubong ang mga kilay na tiningnan ko siya. “Hindi porket naiinis ka sa akin itatapon mo na ang pagkain. Mahirap magtanim at mag-ani. Lahat ng kinakain mo, pinaghihirapan ng mga taong nagbibilad sa araw. Hindi mo dapat aksayahin ang mga pinaghihirapan ng ibang tao. Oo, may kasalanan din ako pero huwag mong ibunton sa pagkain ang inis mo sa akin.”
Hindi naman siya naka imik.
“Naiintindihan mo ba ako?”
Nanulis ang nguso niya. “Oo na, pero ipahandspa mo pa rin ako.”
Napapailing na binitawan ko na ang mga kamay niya saka inayos ang mga ginamit ko. Tumingin ako sa kanya. Tinititigan niya pa rin ang mga kamay niya.
Huminga ako ng malalim saka ko siya iniwan doon. Pumasok ako ng kwarto ko at nahiga sa kama ko. Ano bang klaseng pagpapalaki ang ginawa sa kanya ng mga magulang niya?
Mapagtitiisan ko pa ang pagkamaldita niya pero pagdating talaga sa pagkain, ayaw ko ng ganun. Kung pwede nga lang na sermunan ko siya araw-araw, ginawa ko na para lang mabago ang ugali niya. Kaso, nakakapagod naman ang ganun.
Napabuntong-hininga ako. Ano ba namang buhay ito? Ang tahimik kong buhay, nasira. Para akong may inaalagaan na bata at araw-araw ay nakokonsemisyon.
~~~~~~
Ang sarap ng tulog ko. Gusto ko pa ngang matulog. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at niyakap ko iyon. Matutulog na lang muna ulit ako, tutal naman mamaya pa ako magluluto ng hapunan.
Huminga ako ng malalim. Natigilan ako at saka ilang beses akong suminghot. Amoy sunog. Bakit amoy sunog na pagkain? Hindi pa naman ako nagluluto.
Napabalikwas ako nang bangon ng maamoy kong muli yong nasusunog. Mabilis akong bumaba ng higaan ko at tumakbo palabas ng kwarto ko. Nagmamadali akong pumunta sa kusina. Sumalubong kaagad sa akin ang umaapoy na kawali.
Nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita kong apoy sa kawali. Bakit nasusunog ang kawali? Naiwan ko ba ito kanina na nakasalang? Pero dapat kanina pa ito nasunog kung ako ang nakaiwan nito.
“Drake! Help!” Matinis na sigaw ni Anna habang hindi magkamayaw kung ano ang gagawin sa apoy.
Mabilis akong lumapit sa kanya at hinatak siya palayo sa lutuan. P*natay ko ang apoy ng kalan at kinuha ko ang kawali at inilagay iyon sa may lababo.
Naiinis na hinarap ko siya pagkatapos kong maapula ang apoy sa kawali.
“Anong ginawa mo? Gusto mo bang sunugin ang bahay ko?” Singhal ko sa kanya.
“Hindi ko naman sinasadya.”
“Hindi sinasadya? Nakita…”
“Gusto lang naman kitang ipagluto,” putol niya sa sasabihin ko.
Natigilan naman ako. Napatitig ako sa kanya ng matagal. Gusto niya akong ipagluto? Pero, hindi naman siya marunong magluto.
Napatingin ako sa mga braso niya. “Sh*t,” mahina kong usal. May mga namumula sa balat niya. Ang dami niyang talsik ng mantika sa braso niya.
Napabuntong-hininga ako. Lumapit ako sa kanya at hinatak siya papunta sa banyo. Hindi pa nga magaling ang sugat niya sa kamay meron na naman siya sa braso niya.
“Hugasan mo yang mga talsik ng mantika,” utos ko sa kanya. Kumuha ako ng ointment sa medicine cabinet. Kumuha na din ako ng towel at ibinigay sa kanya.
Kinuha ko ang isa niyang kamay at hinatak iyon papalapit sa akin. Nilagyan ko ng ointment ang mga paso niya sa balat. Sa puti ba naman niya kitang-kita tuloy...


sa balat niya ang mga paso.
Napapailing ako habang nilalagyan ng gamot ang mga paso niya.
“Hindi ka naman kasi marunong magluto, bakit ka pa nagluto?” Mahinahon kong kastigo sa kanya.
“Gusto ko lang naman bumawi.”
Mabilis ko siyang tiningnan saka muling bumalik sa ginagawa ko. Kinuha ko ang isa naman niyang kamay at iyon ang nilagyan ng gamot.
“Gusto mong bumawi pero iyan ang nangyari. Kung hindi pa ako nagising, nasunog mo na itong bahay.”
“Sorry.” Mahina niyang sabi na ikinatigil talaga ng mundo ko. Tama ba ang narinig ko? Nagsosorry siya?
Tumikhim ako. “Naiintindihan mo na ba ang kasalanan mo kanina? Alam mo na ba kung bakit kita pinarusahan?”
Tumango naman siya bilang sagot sa sinabi ko.
Napailing ako. “Kalimutan mo na iyon. Huwag ka na ulit magluluto. ”
Nanulis naman ang labi niya. “Pero gusto ko ngang bumawi. May mali ako kanina, tapos hindi ko pa natapos yung pinagawa mo.”
Napahinga ako ng malalim. Kinokonsensya ba ako ng babaeng ito? Kasi kung oo, tinatablan ako. May mali siya at may mali din ako. Pero grabe siya mangonsensya sa akin.
“Hindi ka naman marunong magluto, di ba? ‘Yong pagluluto, hayaan mo na iyon sa akin. Kung gusto mo bumawi, huwag mo ng ulitin ang ginawa mo kanina at huwag ka na din makialam sa lutuan,” tiningnan ko siya. Tahimik lang siyang nakatingin sa kamay ko. “Ayoko pang mawalan ng tirahan kaya huwag mo ng pakielamanan ulit ang lutuan.”
“Sorry,” ulit niya.
Binitawan ko ang kamay niya saka tumikhim. Humalukipkip ako.
“Tama na ang kaka-sorry mo,” sabi ko. “Gusto mo ba talaga makabawi?”
Mabilis siyang tumingin sa akin saka tumango.
“Sige, next week may pupuntahan tayo. Huwag kang magrereklamo sa gagawin natin. Lahat ng sasabihin ko, gagawin mo”
Nakita kong napasimangot siya. Gusto ko sanang mapangiti pero pinigilan ko. Baka mamaya kapag inatake na naman siya ng pagkamaldita niya, ako na naman ang babagsakan.
“O, ano? Deal?” Tanong ko sa kanya.
“Deal,” walang-gana niyang sabi saka siya nagdadabog na lumabas ng kusina.
Napapailing na lang ako. Hindi talaga mawawala ang pagkamaldita niya. Napapa-isip tuloy ako kung tama ba ang sinabi ko? Baka kasi pagsisihan ko na naman itong ipapagawa ko sa kanya.
“Where are we going ba? Ang init naman dito,” reklamo ulit ni Anna.
Napasimangot ako. Kanina pa siya reklamo ng reklamo. Naglalakad pa lang kami papunta dito sa farm ko, puro na siya reklamo.
“Ay!” Tili niya na ikinalingon ko sa kanya. Nadala lang pala ng hangin ang payong niya.
“I told you, mahihirapan kang maglakad dito kung may dala kang payong,” nakasimangot kong wika.
Matalim ang mga matang tumingin siya sa akin. “Bakit hindi mo na lang kaya ako tulungan dito kesa puro ka dyan salita,” asik niya sa akin.
Walang-ganang tiningnan ko siya. Ako pa talaga ang napasama. Sinabihan ko na huwag magrereklamo sa pupuntahan namin, tapos, heto, puro reklamo ang naririnig ko. Sumasakit lang tuloy ang ulo ko sa kanya.
Hindi ko siya nilapitan. Pinanood ko lang siya kung paano siya makipaglaban sa hangin. Para siyang sira-ulo. Inaaway niya talaga ang hangin at mukhang gigil na gigil na siya.
“D*mn you!” Nanggigigil na sigaw niya. “Ayoko na sa hangin!”
Pinigilan ko ang sarili ko na matawa sa sinabi niya. Lumapit na ako sa kanya. Baka kasi tuluyan na siyang mabaliw sa pakikipag-away sa hangin. Kinuha ko sa kanya ang payong at isinara iyon saka muling ibinigay sa kanya.
“Hindi ka ba marunong magpayong?” Kunot ang noong sabi ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng isang kilay. “Hindi ko kailangan payungan ang sarili ko. Gawain iyan ng P.A ko.”
Napangisi ako. “Wow, P.A. Ano ka artista?” Sarkasmong sabi ko, saka ko siya tinalikuran.
Mga mayayaman nga naman talaga. Kung anu-ano ang pinagsasasabi. Ayaw maghirap kaya may pa p.a-p.a pang nalalaman. Hindi nila alam kung ano ang tunay na paghihirap kasi inaasa nila sa iba ang mga mabigat na gawain. Kulang na nga lang pati pagsubo nila ng pagkain, iba pa ang gagawa. Wala ding pinagkaiba si Anna sa kanila. Isang spoiled brat na anak mayaman.
“Hey, wait,” malakas na sabi ni Anna.
Nilingon ko ulit siya. Napabuntong-hininga ako ng makita kong nakapayong na naman siya. Hinintay kong makalapit siya sa akin.
“Nagpayong ka na naman. Gusto mo ba talagang liparin ng hangin?”
“Mainit,” reklamo niya.
Lalo ko siyang sinimangutan. Napatitig ako sa kanya. Namumula na ang mga braso niya, pati leeg niya ay namumula na.
Napahinga ako ng malalim. Bakit ba nakalimutan ko siyang sabihan na magsuot ng mahaba? Iyan tuloy, namumula na ang katawan niya dahil nakasuot lang siya ng shorts at tshirt.
Kasalanan ko ito kaya pagtitiisan ko na lang ang mga reklamo niya.
Kinuha ko sa kanya ang payong at pinayungan siya. Natigilan naman siya, kapagkuwan ay naglakad din siya. Wala kaming kibuan habang naglalakad.
Tiningnan ko siya. Mukha pa rin siyang hindi komportable sa paglalakad namin. Gusto ko ng mapailing sa itsura niya. Laking mayaman talaga siya.
Huminto kami sa isang kubo. Hindi kalakihan ito pero may kusina ito sa ibaba. May isang kwarto sa itaas, kaya pwede ditong matulog. May sala din dito. Pero yung hapag kainan ay nasa labas.
Pinasadya ko talaga na mukhang tirahan ang kubo. Minsan kasi dito ako natutulog lalo na kapag anihan ng palay.
Inilapag ko sa lamesang gawa sa kawayan ang dala kong basket.
“Anong gagawin natin dito?” Kunot ang noong tanong ni Anna sa akin.
Humarap ako sa kanya. Nakaharap naman siya sa palayan. Nandoon na ang mga trabahador. Kakatapos lang mag-anihan kaya magtatanim naman kami ng panibagong palay.
Humarap si Anna sa akin saka siya nameywang. “What are we going to do here? Magtatanim ka ba ng rice?”
“Magtatanim tayo ng palay,” pinagdiinan ko pa talaga ang salitang “tayo” para maintindihan niya.
Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Anna at mapanganga siya. Natatawa ako sa itsura niya. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Ineexpect ko na magrereact siya sa gagawin namin ngayon. Pero nakakatawa pa ring makita ang reaction niya.
“Seryoso ka?!” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumikhim ako saka tumango. “Seryoso ako. Di ba sinabihan na kita na may gagawin tayo? Kung gusto mo makabawi, gagawin mo ang sasabihin ko sayo. Nag agree ka, kaya nandito na tayo…”
“But not this!” Sabi niya na para bang gulat na gulat siya sa mga sinasabi ko. “I’m not going there sa putikan.”
“You are going with me there sa putikan,” nakasimangot kong sabi sa kanya. “Unless wala kang isang salita. Hindi kita pipilitin.”
Napahumindig siya. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ako. “Of course, may isa akong salita,” tumingin siya ulit sa palayan, na para bang hindi siya makapaniwala na ilang sandali lang ay nakasulong na siya doon.
Ngumiti ako. “Kung ganun, halika ka na at ng maaga tayo matapos,” sabi ko nang matapos akong magsuot ng bota. Nauna na akong maglakad sa kanya. Sumunod din naman siya sa akin kahit na may naririnig akong mga reklamo.
Nang makalapit kami sa mga trabahador, pinakilala ko kaagad sa kanila si Anna. Nakakatawa nga ang mga reaksyon nila para silang naestatwa. Siguro nagandahan lang sila kay Anna.
Maganda naman talaga ito at saka nakakasilaw ang kaputian nito. Kung hindi lang sana ito maldita baka pinatulan ko ito, kaso turn off talaga ako sa mga maldita.
“What if magkasakit ako kapag bumaba ako dyan?” Sabi niya habang nakatingin sa lupa. “Oh my gosh! Why bumubula yung water? And mukhang super marumi.”
Sinimangutan ko siya. “Bumaba ka na dito. Tigilan mo na iyang kakareklamo mo. Kapag hindi ka nakatapos ng kalahati dito, hindi ka aalis,” pananakot ko sa kanya.
“You’re not serious, right?” Pinaningkitan niya ako ng mga mata pero bumaba din siya sa putikan.
Inalalayan ko pa siya habang bumababa siya. Natatawa talaga ako sa kanya kasi napapangiwi siya habang lumulubog ang mga paa niya sa lupa. Nakakatawa siya pero kailangan kong magpigil. Kailangan seryoso lang ako baka mamaya magmaldita pa siya.
Nanlaki ang mga mata niya. “Oh my gosh! Lumulubog ako. Hindi ba ako kakainin nitong lupa?” Exsaherado niyang sabi.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. “Don’t be st*pid. Hindi kumakain ng tao ang lupa dito.”
Tiningnan niya ako ng masama. “I’m not st*pid, ha. Im just….urgh,” humarap ang mukha niya sa gilid at tumirik talaga ang mata niya. “Nakakadiri talaga ito. Kung alam ko lang na dadalhin mo ako dito, hindi na sana ako sumama sayo.”
Nginisian ko siya. “Remember gusto mo bumawi.”
“Oh sh*t up,” asik niya sa akin.
Hinatak niya ang kamay niya na hawak ko. Pero dahil sa ginawa niya ay muntikan pa siyang mapaupo sa putik. Mabuti na lang at naging mabilis ang kilos ko. Inabot ko kaagad ang isa niyang kamay at hinatak siya. Dahil yata sa lakas ng paghatak ko ay nasobrahan ang paglapit niya sa akin. Muntikan pa nga siyang mauntog sa dibdib ko.
Nalalaki ang mga mata niya nang tumingala siya sa akin. Napatingin din ako sa kanya. Natigilan ako. Sobrang lapit namin sa isat-isa, halos magkadikit na nga kami at ang weird lang sa pakiramdam. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Malakas na naman niya akong itinulak. Pero mabilis kong ipinalibot sa baywang niya ang isa kong kamay. Ang kulit lang. Gusto yata talaga na umupo sa putikan.
“Huwag kang malikot,” asik ko sa kanya.
Yumuko siya. “B-bitawan mo ako.”
Natigilan naman ako pero kaagad ko din siyang binitawan. Lumayo ako sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya.
“Umpisahan na natin magtanim,” sabi ko na lang saka ko siya tinalikuran. Hindi ko na muli pang tinignan siya.




Share On Whatsapp

Leave a Reply




top