TARANTADO KONG GIRLFRIEND


Warning ⚠️ Story contain a vulgar words.
Napahawak ako sa sintido sa nakita ko.
Sino ba hindi mapapahawak sa sintido? kung yung siraulo mong Girlfriend nasa harap mo habang sineseduce ka gamit ang ice cream.
“Want some?” Tanong niya, habang dinidilaan ang ice cream na kanina ko pa gusto ihampas sa pagmumukha niya.
Napalunok ako ng isagad niya iyon sa lalamunan niya.
Gusto ko sabihin na hindi ko Girlfriend ang babaeng ito.
Nakakahiya kanina pa siya pinagtitinginan ng mga tao dito sa 7 eleven.

Hawak ang mga binili ko kanina sa palengke ay isang babae ang lumapit sa akin.
“Tay?”
Tang– halos wala akong makaharap sa mga taong nasasalubong namin ni Lyka.
Tarantado talaga ‘to pati dito sa palengke ang lakas ng amats.
“Tay! Si inay wala na.” Humahagulgol na saad niya.
Pilit akong ngumiti para itago ang kahihiyan na nararamdaman ko.
“Tay, umuwi kana sa amin! Wala na po si Inay.” Ngumisi siya.
Halos maihi ako sa salawal sa mga sumunod niyang ginawa.
Isang babae ang nilapitan niya. Patay.
“Ito ba? Ito ba yung kabit mo?! Ito ba tay?” Sabay turo sa babaeng halos magulat sa ginawa ni Lyka.
Anak ng– bakit ba ako pumatol sa babaeng ito?
Takas mental.

Pagod na ako sa kaniya. Pero paano ko aaminin? Alam ko na malaki ang galit niya sa...


bakla.
Kaya iyon ang gagamitin kong rason para hiwalayan niya ako.
“Sis bagay sayo yang shade ng lipstick.” Napakamewang kong saad.
Lumaki ang mata ni Lyka sa gulat.
Lumapit ito sa akin saka pinitik ang noo ko.
Isa nalang talaga sasakalin na kita.
“Nakalog ba ng alak yang utak mo kagabi?” Tinitigan niya ako.
Masakit pa nga ang ulo ko. Birthday kasi ni Tita nun kaya napatagay ako.
“May aaminin ako sis.” I flipped my hair.
Napatabingi ang ulo niya saka tinago ang kung anong bagay mula sa likod niya.
“Ako rin,” saad niya.
“Sabay na tayo beh?’ aya ko.
Agad naman siyang pumayag sa sinabi ko.
“Isa…”
“Dalawa….”
“Tatlo…”
“Bakla ako!”
“Buntis ako!”
“Huh?!” Gulat kong saad.
Nagulat din siya sa sinabi ko.
Gag* paano yun? Ni wala pang nangyari sa amin?
“Aksidente ang nangyari.”
Pero imbis na magaliy ako ay natuwa ako. Dahil alam ko na hindi ako ang ama ng bata na dinadala niya.
“Okay sis.” Lumapit ako sa kaniya saka siya hinalikan sa pisngi ko.
Akmang tatalikod ako ng magsalita siya.
“Alam ko na bakla ka… Pero kailangan mo ako panagutan.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.
“P-pero hindi kita g-ginalaw.” Utal kong saad.
Ngumisi siya. “Pero ginalaw kita.”
ANAK NG ALIPUNGA.
By: Molly Penrose
Picctto
Follow me for more stories!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top