THE BOAT IS SINKING


THE BOAT IS SINKING
I am Adriel, a 7 year old boy. My parents abandoned me and I only live with my uncle since I was born. Today, our school will celebrate the yearly family day celebration. And as I expected, no one would come with me to join the gathering.
“Okay class, so let’s start the game?” sabi ng guro namin na nasa gitna ng silid-aralan. Agad naman sumagot ang buong klase at pagkatapos nito ay sinabi na ng aming guro ang mga alituntunin ng laro.
“The boat is sinking, group yourselves into four!” sigaw ng aming guro na siyang hudyat na simula na ang laro.
Nakita ko ang aking mga kaklase kung paano sila lumapit at yakapin ng kanilang mga magulang kasama ang kanilang kapatid. Nakatayo lang ako at biglang napunta sa kahihiyan nang tignan ako at pagtawanan ng iba kong kaklase sapagkat wala akong kasama.
“Halika na, kulang pa kami ng isa,” nakangiting sambit ng aking kaklase na si Trisha. Nakaramdam ako ng saya sa aking puso at aagad na sumunod sa kaniya. Pagkarating ko sa puwesto nila mahigpit at maayos akong niyakap ng kaniyang magulang na siyang kumumpleto sa araw ko.
Simula noong araw na iyon, hinangaan ko na siya ng lubusan. Naging magkaklase kami hanggang kolehiyo at naging malapit na magkaibigan. Nakilala ang isa‘t isa hanggang sa nagkaaminan kami at naging magkasinatahan.
Mahigit ilang taon na ang nakalipas at wala pa ring nagbabago, siya pa rin ang Trisha na nakilala ko at sigurado na akong siya na at tanging siya lang ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Kasabay ng ikaw pitong anibersayo namin bilang magkasintahan napagpasiyahan kong ayain na siyang magpakasal.
Napagplanuhan kong gawing espesyal at hindi malilimutan ang kaganapang iyon. Inaya ko siyang lumabas at dinala sa may pampang, pareho kaming sumakay ng bangka at pumalaot upang doon ko idaos ang aking gagawin.
“Mahal na mahal kita, Trisha,” bulong ko sa kaniya habang yakap ko siya sa likuran, sumagot naman ito pabalik at hinawi ang aking buhok.
Noong nakaabot na kami sa gitna ng dagat agad akong lumipat sa harapan niya. “Mahal ko, ilang taon na tayong nagmamahalan at alam kong ikaw na ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa pagtanda, kaya ngayon sa araw na ‘to. Bibigyan mo ba ako ng pagkakataon upang iharap ka sa altar? Tatawaging asawa ko at papayag na maging ina ng...


mga anak natin sa hinaharap?”
Nakita ko ang pagtulo ng kaniyang luha at sa pagkakataong iyon ay may mga butil ng tubig na rin na nalalaglag mula sa aking mga mata. “Oo, mahal ko. Pumapayagag ako.”
Mga salitang sinabi niya na naging hudyat upang isuot ko sa kaniya ang singsing na aking hawak simula pa kanina.
Patuloy ang aming pagyayakapan ng biglang lumakas ang hangin at nandilim bigla ang paligid, agad akong pumwesto sa likod upang paandarin ang bangka pabalik sa gilid ng dagat nang biglang naputol ang kahoy na siyang gumagabay sa telang kumokontrol sa hangin, tumaob ang bangka dahil sa lakad ng alon mula sa dagat.
Wala na akong naisip noong oras na ‘yon kung hindi iligtas ang babaeng mahal ko. Nakita ko si Trisha na palunod na sa harapan ko at agad akong lumangoy upang iligtas ito. Dahil sa lakas ng hangin at hampas ng mga alon, nawala na siya sa aking paningin at ang tanging pag-iyak at pagsisisi ang nadama ko.
Pag gising ko ay nasa loob na ako ng isang puting silid at agad na bumalik sa aking mga alaala ang naganap sa dagat. Hinanap ko si Trisha sa loob ng ospital ngunit wala akong nakitang mga bakas niya.
Nagising sa aking tabi ang aking tiyuhin na siyang nagbantay sa‘kin. “Tito nasaan si Trisha, nakita niyo ba siya?” naluluha kong tanong sa kaniya. Ngunit tanging kalungkutan sa kaniyang mukha ang nakuha kong sagot.
Agad akong tumakbo at tumakas sa ospital. Pumunta ako sa kanila at nakita ko ang napakaraming tao sa labas ng kanilang bahay. Bumuhos na ang aking luha nang makita ko ang kaniyang letrato sa tabi ng kabaong na tanaw sa labas ng kanilang bahay.
Hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa bahay nila at nakita ko ang mapapangasawa kong nakahiga na sa isang puting kabaong habang nasa kamay pa rin niya ang singsing na binigay ko noong huling araw na magkasama kami na dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Pagsisisi at labis na kalungkutan ang naramdaman ko sa pagkakataong iyon. Dahil saakin hindi na matutuloy nag mga plano naming dalawa na magpatayo ng sarili naming bahay, bumuo ng pamilya at doon manirahan ng magkakasama.
Niligtas niya ako sa isang laro at binago ang buhay ko ilang tao na ang nakalilipas ngunit hindi ko man lang siya nailigtas mula sa trahedyang naganap ilang araw lang ang nakalipas.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top