The Bodyguard’s Obsession (PROLOGUE)


Nang masilayan ko na ang kabuuan ng mukha nito ay gusto kong manghina sa nakita. Ang maputi nitong mukha na mukhang hindi nagka-tigyawat, ang matangos na ilong nito, ang makapal na kilay , mahabang pilik mata at ang labi nitong ang Pula.

Napalunok ako ng wala sa oras at tumingin sa mga mata nito. Napanganga ako sa nabungaran ang asul ng mata nito at seryoso ako nitong tinitigan.

“Huwag kang lalapit sa mga lalaki.” Nabalik ako sa ulirat ng bigla syang magsalita.

“W-what?.” Nauutal na sambit ko. Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan nito ang aking dalawang kamay.

“I hate repeating myself.” Napairap ako sa kawalan at hinilot ang namumula kong kamay. Napadako ang tingin nya dito at bigla nalang umamo ang seryosong mukha nya. Nilapitan nya ako at kinuha ang kamay ko.

“Fúck! I’m sorry baby, I didn’t mean to hurt you.” Napanganga ako ng wala sa oras dahil sa pinapakita ng stranger na ito.

“I-It’s okay.” Tinitigan mo na nya ako at bumuntong-hininga. Halos maihi ako sa ginawa nya. Hinalikan nya ang kamay...


ko at dahan-dahang binitawan.

“I’m sorry.” He sincerely said. Hinubad nya ang kanyang hoodie at isinuot ito akin. Niyakap nya ako ng mahigpit na nagpatuod sa akin. Why he’s acting like this? And by the way, who is he?

Napapikit ako ng halikan nya ang noo ko. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at ginawaran nya ako ng isang matamis na ngiti na nagpakurap sa akin ng ilang beses. Ang kanyang pantay-pantay na ngipin at ang puti nito.

“I’m your bodyguard. Kahit saan ka magpunta ay nakasunod ako. Kaya huwag kang gagawa ng masama na ikinagagalit ko.” Hindi pa ako nakapagsalita ng magdilim ang aking paningin. Nawalan ako ng malay. Naramdaman kong may bumuhat sa akin at paghalik sa labi ko. My first kiss.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Isang malambot na upuan ang naupuan ko at ang paglagay ng malambot na tela sa aking katawan.

“I love you Max and I always do. You’re mine max, only mine.” Tuluyan na akong nawalan ng malay.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top