THE CHUBBY NERD REVENGE – CHAPTER 1


Malakas na hiyawan at sigawan ang naririning sa buong canteen habang nakatingin saamin ang buong atensyon sa ginta. Habang nayuko lamang ang ulo ko. At dinadama ang panlalait na natatangap ko.
“Ang tababoy rito na katulad mo ay hindi nababagay dahil nababagay kasa kulungan ng mga baboy!” sigaw ng nasa harapan ko. Siya ang Queen Bee rito sa probinsya namin.
E mukha ngang siyang bubuyog! bwisit.
Napaangat ako ng ulo ng marahas niyang inangat ang baba ko. “Pangit mo talaga!” Sigaw pa ni Samantha. At saka ako sinabutan.
Gusto kong manlaban, ipagtanggol ang sarili ko, ngunit anong magagawa ng isang katulad ko? isang mahinang matabang nerdy lang naman.
“Ta-tama na, Samantha.” mahinang pagmamakawa ko sakanya ngunit, parang wala itong narining itulak nito ang katawan ko na pagtumba ko sa sahig.
Malakas na hiyawan naman ang nag-yari sa loob ng canteen namin. Lahat ng mga kaklase at mga istudyante ay nakatingin saakin at saka ako pinagbubulungan.
“Balyena!”
“Baboy!”
“Nerdy!”
“Patay-gutom!”
“Elepante!”
“Refrigenator!”
“Mukhang siopao!”
Ilan-ilang mga naririning kong panlalait saakin. Bumubulong na nga lang naririning ko pa.
Pinilit ko namang tumayo sa pag-kadapa ngunit, bumabalik lang ako sa ganung posisyon kaya mas lalong lumakas ang mga tawanan.
“Sa sobrang taba mo, hindi na nakayanan ng katawan mo ang sobrang kabigatan mo.” paglalait na turan ni Samantha.
Umupo ito kaya nagkapantay ang tingin naming dalawa. “Bakit kasama mo si Nicolas kahapon?” nakataas na kilay na bigkas nito.
Si Nicolas ay isang famous sa probinsya namin. Dahil sa taglay na kirisma nito kaya maraming nagkakagusto sakanya. Hindi nila alam Nicolas siya pag-umaga at sa pag-gabi naman ay Nicole. Nakakatawa lang dahil maraming nag-hahabol sakanya. Ang hindi nila alam beki siya!
Tinignan ko lang si Samantha na lalong pag-kainis niya. “Hindi ka sasagot?!” malakas nitong sigaw.
Akmang sasampalin muli sana nito ako ng may sumigaw na ikinatigil nito sakanyang binabalak na sampalin ako.
“Nicolas!” malanding sigaw nito na nawala ang atensyon saakin. Kundi sa bagong dating.
Andito na si Nicole! hanep talaga daming nag-kakandarapa sa beking toh. Kasi ang hanap niya lalake. Hindi babae. May gusto kasi si Nicolas kay Kuya Choco.
“Anong ginagawa ninyo kay Tea?” pilit na pinapalalim ang boses na sigaw nito saka ako pinuntahan.
Tinulangan naman nito akong iniangat ngunit, nahirapan pa ito dahil nga chubby ako. CHUBBY.
“Ikaw Samantha, tigil-tigilan mo na ang bullying mo.” iritadong sambit ni Nicolas kay Samantha at bahagyang pinaypay pa nito ang palad niya sakanyang mukha.
Umirap din si Samatha. “Do you note the liar is my peyk!” sigaw ni Samantha at pagkatapos ay nag-martsya itong lumakad papaalis kasama ang mga alipores nito.
Ano daw?
Bumaling ang tingin ko kay Nicolas ng magsalita ito. “Okay ka lang, Tea?” tanong nito.
Tawag saakin ni Nicolas ay Tea. Kasi yun nickname ko malamang. Althea: Tea; milktea lang ang pegs. Habang si Nicolas: Nicole. At panghuli ay si kuya Choco: Chocolate. Oh di’ba ang ganda ng mga nickname namin. Panis.
Hindi naman siguro obvious na matakaw din Nanay namin ni kuya Choco noh?
“Hindi, obvious naman....


Tagal mo!” paninisi ko rito at saka ito inirapan. “Hindi kita tutulungan na makalapit kay kuya Choco nyan e.” dagdag ko pa na ikinabalisa nito.
Dalawa kaming magkakapatid. Panganay si kuya Choco senior high school. Samantalang ako ay 3rd year high school.
Kaya napatawa ako ng mahina at mahinang inayos ang eye glass ko. “Dahil ang tagal mong dumating, ililibre mo ako ng maraming pagkain!” ngiting malapad na sambit ko.
“Pagkain talaga, katapat mo, Tea.” tugon nito at mahinang umirap.
Aba, nagreklamo pa ang beki!
“Bilis na malapit na mag-umpisa yung klase! First of day pa naman ngayon tapos nabully pa ako. Kainis.” nakasimangot na turan ko.
Sumulyap si Nicolas saakin at napangiwi. “Beh, hindi mo bagay para kang pato.” tugon nito na mas lalong ikina-sinimangot ko.
Best friend ko ba toh? punyawa naman oh.

Nakalibre na naman ako sa beki kong kaibagan. Kaya hindi ko pa nagagastos ang sampung pisong abon ko. Okay na yun para makaipon ako. Hahaha.
Nasa classroom na kami ngayon. Habang nakaupo ako sa pag-hulian. Tanging ako lang ang andon. Tatabi sana sa’kin si Nicolas kaso tinangihan ko na baka mas lalong magalit saakin ang bubuyong na si Samantha.
Tumahimik lang ang silid ng dumating ang panot naming teacher na si Ma’am Vam.
Tumayo naman kami. “Good morning Ma’am Vam.” pagong na pagbati namin dahil sa sobrang bagal.
“Ayusin nga ninyo ang boses ninyo!” unang panenermon nito at ituro pa nito ang hintuturo saaming lahat.
Ediwow.
“Okay, upo na kayo. Dahil mayroong bagong transfer rito. Behave.” sambit nito. Nagsi-ingayan naman ang nasa buong silid sa sinabi ni Ma’am Vam. Behave raw pero umingay naman.
“Pogi sana.”
“Babae ba? may chicks!”
“Lalake dapat! para may bagong akong Crush!”
Mga bulungan ng kaklase ko. Hindi ko naman sila tinuunan ng pansin. Bagkus, ay nasa bintana ang tingin ko.
Narining ko naman na mas lalong umingay ang mga tilian ng kaklase ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa harapan.
“Fafa!”
“Akin siya!”
“Gaga! ako nauna akin siya!”
Inaayos ko naman ang eye glass ko at napa-kunot noo dahil sa bulungan ng mga kaklase kong babaeng mga haliparot.
Tumingin naman ako sa harapan. Natigilan pa ako dahil malabo ang nakikita ko. Kalaunan, nagmaka-adjust ay napatingin ako sa lalakeng nasa harapan.
Magulo ang buhok na parang kagigising lang, ang mga mata nitong blangko at nakasimangot nitong labi. Habang bangot na bangot na nakatingin saaming lahat.
Ang masasabi ko lang. Cool. Yun lang.
Inaalis ko ang tingin sakanya at tumingin muli sa bintana. Hindi building ang school namin. Kaya tanging damo at ibang room lang ang nakikita ko saka mga nag-tataasang puno.
“My name is Zyruz Ferrer.” sambit ng nasa harapan. At muling nag tilian ang mga hindot.
Zyruz Ferrer? ang ganda ng name. Samantalang ako Althea Suman.
Suman… kagutom ang salitang yun. Nakakainis nagugutom na naman ako!

END OF CHAPTER 1.
Write by: Binibining Natalia.
: Plagiarism is a Crime.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top