JILLIANE POV
WALA sa sariling tinahak ko ang dinaanan nung gwapong hambog. Mas binilisan ko ang paglalakad kasi madilim na. Sa ngayon ay wala akong balak na bumalik sa mansion namin. Galit ako sa lahat at gusto ko munang lumayo sa kanila.
Patakbo na ako kung lumakad kahit nananakit na ang panit sa paa ko dahil sa heels na suot ko. Hanggang sa matanaw ko ang isang bulto ng katawan. Alam kong ‘yun yung gwapong hambog. Malakas ang radar ko pagdating sa gwapo. Tumigil ako sa paglalakad at nanatiling nakatingin sa kanya kahit nakatalikod siya sa gawi ko. May kausap yata sa phone.
Maya-maya pa ay mabilis siyang naglakad palapit sa isang magandang kotse. Waaaa! Aalis na siya? Kailangan ko ng matutuluyan! Kahit mamasukan akong katulong ayos lang basta dun sa gwapong hambog saka gabi na. Kailangan ko ng mapaglilipasan ng gabi. Siya lang ang anditong pagala-gala kaya no choice, sa kanya ako hihingi ng tulong. Kakapalan ko na ang mukha ko.
“Gwapong hambog, wait!” sigaw ko with matching pag-tili.
Napatigil siya nang akma na niyang bubuksan ang pinto ng kotse niya saka tumingin sa’ken. Seryoso pa rin ang mukha niya. Tumakbo ako palapit sa kotse niya. Hinihingal pa ako.
“A-Ano..pwede bang, ano..”
“NO.”
Grabe! Wala pa nga akong sinasabi, no agad? Ang sungit nito. At ang rude talaga nito to the highest level. “Teka naman, wala pa akong sina-”
“I said, no.” Sabi niya. Saka tuluyan nang binuksan ang pinto ng kotse niya. Hanla! Kailangang ko talaga ng matutuluyan ngayong gabi! Kahit magbayad ako, kahit magkatulong ako..ah basta!
Hala, hala. Pina-andar na niya ang sasakyan nya. ‘Di maaari!
“AHHHHHH! Aw-www..” sabi ko saka humawak sa tiyan ko. Magagamit ko ngayon ang acting skills ko.
Maya maya lang ay nasa harap ko na ang gwapong hambog. “What happened?”
“Aw-ww, ang sakit…aww..” Acting pa more!
“F**k.” He hissed then carry me to his car. Hindi na ako pumalag. Eto na nga oh, isasakay na ako. Makakausap ko na siya about sa pakikiusap ko na baka pwedeng makitulog sa kanila.
Sa totoo lang, pwede namang sa mga kaibigan ko ako humingin ng tulong pero alam kong mahahanap agad ako ng pamilya ko kung doon ako hihingi ng tulong. Alam kong susuyurin nila lahat ng kakilala ko. Kaya mas mabuti ng humingi ng tulong sa hindi ko kakilala. Mukha naman siyang mabait kahit hambog eh.
“I’ll bring you to hospital.” Sabi niya saka mabilis na nakasakay sa driver’s seat.
Nanlaki ang mga mata ko. Naku, no! Nag-a-acting lang ako eh saka ayoko nga sa hospital. Waaaa! Umayos ako ng upo dito sa likuran ng kotse saka tumikhim.
“You, okay?” nagtatakang tanong niya.
Napangiwi ako. “A-Ano, sorry. Pero acting lang ‘yon.” Sabi ko saka mabilis na nag-sign of the cross.
Muntik na akong mapangudngod nang bigla siyang mag-preno. What did you say?!” sigaw niya.
Basag eardrums ko. Lagot na. Waaaaa! “S-Sorry na. Kasi kailangan ko ng tulong mo. As in! Kaya please, please, tulungan mo ako!”
“I don’t even know you!”
“I’m Jilliane. Oh ayan, kilala mo na ako. Please tulungan mo na ako.”
He sighed. “You ruined my night. F**k.”
“I know. Sorry talaga. Please, tulungan mo na ako..”
“How can I help you?”
“E-eh, ano, patulog naman sa bahay mo. Pleaseeee?”
“WHAT THE F**K?”
Double kill ang eardrums ko. Aray naman, makasigaw nito ‘kala mo ang layo ng kausap eh. Kaharap lang naman ako. “Patulog na, please? Wala kasi akong matutu-.”
“NO.”
“Pleaseeee?”
“Get out of my car.” utos niya.
Hindi ako magpapasindak sa kanya. Kailangan ko talaga ng tulong. Sorry siya kase siya ang nakita ko. At swerte ako dahil gwapo siya..hambog nga lang. Hmp. “No. Sige na po, maawa ka sa’ken. Ulila na ako at wala na akong matutuluyan.”
“Seriously? Walang matutuluyan pero naka-heels ng mamahalin same as your clothes. You looked rich.”
Naman eh. “A-Ano, maganda lang talaga ako saka mukhang elegante kaya mukha akong mayaman. Pero hindi talaga. Sakai tong mga suot ko? Immitations lang ‘to from divisoria. Please na, patulog lang eh.”
“No. Get out.”
“Hindi ako bababa dito kahit kaladkarin mo ako pababa. No way. Basta, sige na. Tulungan mo na ako. Kahit paglinisin mo ako ng bahya mo, ayos lang. Basta patulugin mo ako.”
He sighed. Bibigay na siya! Konting push pa.
“Please na.”
“Kahit linisin mo ang buong bahay ko?”
Namilog ang mata ko. So papayag na siya? “Oo! Oong-oo!”
“Alright.”
Pinaandar na niya ulit ang kitse. Pumayag siya! Nadala sa please ko at charm ko! Success. “Thank youuuuu! I owe you, gwapong hambog.”
“What did you just call me?” tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa daan.
“A-Ah, hehe. Sabi ko gwapong gwapo. Thank you talaga! Magsisipag talaga ako sa paglilinis ng buong bahay mo pagdating natin! Promise!”
Hindi siya sumagot pero nakita ko ang pag-ngisi niya. Hindi naman siguro manyak ang hambog na’to, ano? Saka..hm, kinapa ko ang bulsa ng suot kong shorts. Oh! May nailcutter ako dito! Defense mechanism din ‘to. Buti nalang meron ako nito sa bulsa. Nagku-kuko kasi ako kanina nung marinig ko yung bagay na nagging dahilan para lumayas ako sa mansion namin. Nai-bulsa ko pala.
“How old are you?” Tanong niya out of nowhere.
Ngumiti ako ng matamis. “I’m twenty one years, five months and eleven days.”
“Weird. Tch.” Komento niya.
Bakit ba kasi ang sungit niya, ano po? Laki ng galit yata sa mundo eh. Pasalamat ka kailangan kita ngayon. Kelangan kong magpakabait.
Natahimik ako. Makakasurvive kaya ako without the help of my family? Gaano ako katagal makakatago nang hindi nila nahahanap o nakikita? Parang ang hirap isipin. May pera naman ako dahil lagging nasa bulsa ko ang mini wallet at phone ko kahit nasa mansion lang ako. Pero hanggang saan aabot ang pera ko? Mabubuhay kaya ako ng isang buwan? Isang taon? Isang dekada? Whatever! Bahala na. Ang mahalaga, may matutulugan ako ngayong gabi. Sana lang ay hindi siya nagiging Hulk kapag bilog ang buwan. Nakakatakot kasi ang gwapong hambog na’to.
XKING POV
F**k. I really don’t know kung paano ako napapayag ng babaeng isip bata na weird na’to. Tch. Wala akong ideya kung bakit naroon siya sa madilim na parte ng park na madalas na tinatambayan ko kapag may iniisip akong malalim.
Akala ko pagkatapos niya akong matamaan ng killer heels niya, tatahimik na mundo ko. She’s f**king noisy! Damn. But...
Have you ever wondered who posts some of this stuff that you come across? Recently it seems to have become an epidemic, although it seems to be changing for the better. Do you agree?