THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE CHAPTER 5


THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE❤️(Troy Baltazar and Kate Story)
❤️CHAPTER 5❤️
💙TROY’S POV💙
Hindi ko inaasahan na yun ang itatanong niya. Masyado akong nabigla. Ngayon ko lang nalaman na masyado pala siyang straight to the point.
Well siya si Kate ang isa sa mga pinakamatalinong estudyante sa University and maybe that’s one of the reason kaya mas lalong ko siyang nagugustuhan.
“What if I said YES? Na OO gusto nga kita.”
Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Di makapaniwala sa sinabi ko.
Hindi niya ba talaga nahahalata? Isa na lang, iisipin ko ng manhid siya.
“Troy, pinagtitripan mo ba ko? Kung nagjojoke ka, hindi nakakatawa”pagtataray niya.
May sasabihin pa sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko.
What the f*ck. Someone ruin my moment with Kate. At si Patrick lang pala. Ano kayang kailangan ng gag*ng to.
Umalis muna si Kate dahil tinawag siya ng kapwa niya waitress. Hindi lang din naman ako ang customer sa restaurant. Mabuti na lang talaga malakas ako kay ate Fatima.
I answered the f*cking call. Siguraduhin niya lang na may maganda siyang sasabihin. Malakas mantrip ang isang toh!
“What up Bro? Tumawag ako sa mansyon niyo wala ka daw doon sabi ni Tita. Asan ka?”sabi ni Patrick sa kabilang linya.
“Bakit kailangan mo pang malaman kung nasaan ako? And what the hell bakit ang ingay diyan?”pagsagot ko sa mga sinabi niya. Kung di ko lang talaga siya kaibigan kanina ko pa siya binabaan at pinatay ang tawag.
“Were having a party, madaming chicks punta ka, naandito kami sa bahay nila Mark”
Siguradong may inuman doon. Pass muna ako sa alak. Ayokong mapagalitan ni mom at ni dad dahil tiyak na mababawasan na naman ang allowance ko.
“I have no plans to go. Kayo kayo na lang. Magiging masaya naman siguro kayo ng walang ako.”
I heard a loud laugh from him.May nakakatawa ba sa sinabi ko? Kung kaharap ko lang siya, nasapak ko na ang mukha niya.
“Sige it’s fine with us. Pero hulaan ko kung nasan ka. Nandiyan ka na naman sa restaurant ng asawa ng kuya mo at nagpapasikat kay Kate.”Pagkatapos ay malakas pa siyang tumawa.
Kung hindi siya tumawag edi magkausap pa rin sana kami ni Kate! Panira na. Galing pangmang-inis. Kaibigan ko nga to!
Baka kung ano ano pa ang sabihin niya kaya pinatay ko na ang tawag. Siguro ako kinabukasan kukulitin ako non.
I finish my food.Siyempre si Kate ang nagserve. Ayokong masayang ang effort niya.
Lumilinga linga ako sa paligid. Nakita ko siyang nakikipagtawanan sa isa niyang katrabaho. Buti nalang babae. Sana mapangiti o mapatawa ko siya ng ganon.
Tumambay muna ako sa loob ng resto. Gusto ko siyang ihatid pauwi.Siyempre pagoodshot na rin sa mga magulang niya. Kahit na alam kong magugustuhan rin nila ako para sa Kate.
” May iniintay ka no?” nang-aasar na tanong ni ate Fatima sa akin at may ngiting sumipil sa kanyang mga labi.
“Ate alam mo na kung sino” sagot ko na lang.
Mukhang gusto niyang bumawi sa lahat ng pang-aasar na ginawa ko sa kanila ni Kuya Tyler dati.
“Pinapansin ka naman ba?” nang-uuyam pa niyang tanong. Lakas niyang mang-asar. Kahit si Kuya ay di manalo nalo...


sa kanya.
“Ate Fatima uuwi na po ako. Hinihintay na po ako nila Nanay sa bahay. Salamat po.”
Sumulpot si Kate sa harapan namin ni Ate. Nakaiwas siya ng tingin sa akin.
“Salamat din sa iyo at pumayag kang maging tutor ni Faith. Sigurado ako na matutuwa ang anak ko kapag nalaman niya.”
“Siya ang magiging tutor ni Faith ate?” tanong ko pa. Binigyan niya na naman ako ng nakakalokong ngiti.
“Oo, bakit ayaw mo ba?”
Sino bang may sabing ayaw ko?! I’m so happy right now!Yun lang pala ang bubuo sa araw ko.
Dadalasan ko pa ang pagpunta sa bahay nila. Gusto ko rin namang nakakalaro ang mga pamangkin ko.
“Ihahatid ka ni Troy sa inyo. Delikado sa panahon ngayon baka mapano ka pa.”
Aangal pa sana si Kate pero pagkay ate Fatima talo ka talaga at wala ka ng magagawa kung hindi ang pumayag.
Kahit pala inaasar niya ako at tinutulungan niya rin ako kay Kate. Ang swerte ko talaga na may sister in law ako na katulad ni ate Fatima. Ang swerte ni Kuya Tyler sa asawa niya!
Habang nasa biyahe. Tahimik lamang siya at nakatingin sa labas. Binuksan ko kasi ang bintana ng kotse. Suot niya na ulit ang salamin niya.
“Hindi na ba kayo ginugulo ni Sam?”Pagsira ko sa katahimikang nanaig sa aming dalawa.
“Hindi na, baka nagsawa na rin siya. Pagod na rin kasi kami ni Cindy na patulan siya kaya mabuti na rin yon.”Pagkatapos ay di na siya muling umimik.
Pagkarating namin sa harap ng bahay nila. Agad siyang bumaba ng kotse ko. Gentleman naman ako ah. Bat di niya hinayaan na pagbuksan ko siya.
Mukhang di ko talaga siya mapaniwala sa na may gusto ako sa kanya. Kung sa ibang babae ko yun sinabi sigurado akong kilig ba kilig na ang mga yon. But she’s Kate kaya naiiba siya sa kanila.
“Anak naandiyan ka na pala. Hinatid ka pa ni Sir Troy. ”
Nakita ko ang tingin ni Kate sa nanay niya parang sinasabi niya dito na wag na itong magtanong pa.
“Anak, Di ka pa magpapasalamat kay Sir, Troy mabuti at nagmagandang loob siya na ihatid ka.” sabi pa nito.
“Nay, hinatid niya lang ako dahil yun ang sabi ng boss namin.”
Pagdadahilan ni Kate. I will never lie to my parents like that.Dahil ako mismo ayoko sa sinungaling.
“Sige po uuwi na rin po ako.” pagpapaalam ko pa.
Nasa harapan kami ng bahay nila. Gabi na rin kaya wala ng masyadong tao sa labas.
“Sandali Troy” pagtawag niya sa pangalan ko. Bakit sobrang sarap pakinggan ng pangalan kapag siya ang nagsabi.
“Bakit?” sabi ko at humarap sa kanya. Mukhang siyang nahihiya dahil nasa harap kami ng nanay niya.
“S-salamat”
“Your welcome. Basta para sayo.I want you too be safe all the time.And tungkol dun sa sagot ko sa tanong mo kanina.Its true I like you.”
Mabilis akong pumasok sa kotse. Mukhang pag-uusapan pa sila ng nanay niya. Habang nasa biyahe di mawala sa isip ko ang aking narinig na sinabi ng nanay ni Kate.
” Anak ang swerte mo kay sir Troy at sa lahat ng babae ay ikaw ang nagustuhan niya. Bakit di mo baguhin ang sarili mo para sa kanya. Wag mo ng itago ang ganda mo dahil karadapat dapat yang makita ng mga tao.”






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. chapter 1

Leave a Reply


top