The One That Got Away – CHAPTER FIVE


Two days after the party at after nang may mangyari sa kanila ni Adrian. Her usual morning routine bago pumasok ng opisina. “Morning Eth! HAPPY BIRTHDAY!” bati niya sa kaibigan nang dumaan siya sa shop sabay abot sa regalo niya. Seryoso ang mukha ng binata nang tinanngap ang binigay ni Hanna. “Open it!” Excited na Sabi niyo.
“I’ll open it when you’re done explaining what happened at the party,” inis na sabi nito sa kaniya.
“Ahmm…” nagiisip ng pwedeng idahilan.
“Ms. Hanna Dewey siguraduhin mo maganda ang sasabihin mo. Dahil naghintay ako ng text mo even the day after the party wala kang text. I was worried and I’ve been trying to call you pero naka off ang phone mo. You have a lot of things to explain.” Hindi talaga siya matawagan nang gabing iyon dahil nga kinuha ni Adrian ang cellphone niya at pinatay.
“Hindi na kasi ako nakapag text kasi na lowbat ako and medyo na lasing din kaya mabilis ako nakatulog.” Alibi niya. Sasabihin naman niya talaga lahat lahat kay Ethan except the sensual part ngunit hindi pa sa ngayon dahil ayaw naman niyang magemote sa birthday nito. “I’ll make it up, ano ba plano mo later,” pagiiba ng topic. Mukhang na convinced naman niya ito sa ginawang pagpapaliwanag at hindi na nagtanong pa.
“Next time mag text ka kung nasaan ka ha! Kung may number ako ng mga ka officemate mo tinawagan ko na isa isa yung mga yan!” Medyo inis pa rin na sabi ng binata.
“Sorry talaga… it won’t happen again, promise!” Sabi niya na pilit inaamo ang kaibigan. “So anong plano mo later?”
“Wala naman, if you want dinner na lang tayo. I’ll pick you up at maaga ko isasara itong shop.”
“Okay, maaga na lang din ako mag out.”

After idaan sa kaibigan ang regalo nagderetso na siya ng opisina. Nasa tapat siya ng elevator at hinihintay na magbukas ito. Maraming tao kaya Maraming empleyado ang sumasakay ng elevator. Kinakailangan pa niyang makipag gitgitan para makasakay. Nagulat na lamang siya nang may humila sa kamay niya papasok sa executive elevator. Nasa loob na siya nang mapansin niya si Adrian seryoso ang mukha. Plano pa naman niya sana itong iwasan the whole day. “Mr. Carson?”
“Of course it’s me, are you expecting someone?” Galit na sagot nito sa kaniya. Teka anong problema mo at ang init ng ulo mo ang aga aga. Sa isip isip nito at minabuting manahimik na lang ayaw niya kasing maungkat pa ang nangyari sa kanila night after the party. Si Adrian naman wala ring balak magsalita mukhang inaantay siyang nitong maunang magsalita. Wala ka bang sasabihin Hanna? Wala ka bang dapat i-explain? Tanong nito sa sarili. Ang dalaga diretso lang ang tingin sa pinto ng elevator at hinihintay magbukas. Nagbukas nga ito dahil may sasakay nagulat sila ng makita nila si Matt nakatingin lang sa kanila.
“Ow… hi Hanna,” gulat na bati niya. “And hi Adrian.” Silang tatlo ang laman ng executive elevator at ramdam ni Matt ang tension sa dalawang katabi niya. “Ehem… uhm so Hanna?”
“Huh?!” Gulat sa kung anong itatanong ni Matt.
“I assume wala ka naman nagiging problema kay Adrian?” Nagulat si Hanna sa hindi inaasahan at hindi malinaw na tanong nito.
“Uhm… a-e-…w-w-wala naman Mr Collins.” utal na sagot nito dito.
“At ano namang klaseng tanong yan?” Sabat ni Adrian habang nakapukaw ang attention sa dalaga.
“Uhm… mauna na ako sa inyo, bye!” Nagpaalam si Hanna pagkabukas na pagkabukas ng elevator at nagmamadaling naglakad palabas. “Ahhh wala pala problema eh ano yun?” Ang tinutukoy ay yung naging reaction ni Hanna. Napailing lang si Adrian at nag deretso sa kaniyang opisina.

Magkaibigan lang ba talaga sila nung Ethan na yun? Nasa loob na siya ng office at iniisip kung ano talaga ang totoong relasyon ni Hanna kay Ethan. Maaga kasing dumating ng office si Adrian kaya naisipan muna nitong dumaan sa cafeteria para mag kape. Doon na nga niya nasaksihan si Hanna na kausap si Ethan. Hindi man niya alam ang pinaguusapan ng dalawa pero hindi maikakaila ang kakaibang sweetness nila sa isat isa. Balewala ba sa kaniya yung mga nangyari sa amin? Argh, Hanna ano ba talaga nasa isip mo? Palakad lakad siya at nakapamulsa nang may makapa ito. Inilabas ang laman ng bulsa na isang bracelet. Bracelet ni Hanna na...


naiwan niya sa bedside table nang gabing may nangyari sa kanila. At Bakit ba bigla na lang siyang umalis at hindi man lang niya naisipang magpaalam. Dahil sa pagmamadali ni Hanna na makauwi hindi na niya pa nakuha pang icheck ang mga gamit. Tinititigan nito ang bracelet habang iniisip kung ano ang gagawin dito. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number ni Hanna.

“Hello Hanna?” naisipan niya itong tawagan upang ipaalam ang naiwan niyang bracelet.
“Who’s on the line?” tanong nang nasa kabilang linya.
“Hanna this is Adrian may nai…” hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang biglang magsalita ang nasa kabilang linya.
“Sorry wrong number, walang Hanna dito!” sabay binaba ang telepono hanggang sa maging busy na ang linya. “Seriously and have the guts to hang up the phone!” Tama naman ang na dial niya, halata talaga na iwas pa rin sa kanya ang dalaga kahit pa may nangyari na sa kanila. Naisip na lang niyang puntahan ito upang iabot personal ang bracelet. Ayaw mo akong kausapin ha, okay! Walang kamalay malay si Hanna na papunta na ang kanina pa niya iniiwasang si Adrian. Nasa table siya at sobrang busy, nang mag ring muli ang cellphone niya unknown number ang nasa screen at ito pa rin yung kaninang tumawag sa kaniya.

“Hello! Sinabi ng wrong number ka eh!” galit na sagot niya dito. Hindi niya alam na yung kanina pa nangungulit sa telepono niya ay nasa harapan pala niya.
“Trying to avoid my call?” ngiting tanong sa kaniya ni Adrian. Nang marinig niya ang familiar na boses nabitawan niya ang hawak na cellphone. Ano ba talaga kailangan mo, haaist! Hindi pa nakontento at pumunta pa talaga dito! Hindi niya alam kung paano haharapin si Adrian kaya ayaw niya itong pansinin at halos ayaw iaangat ang mukha sa pagkakasubsob sa ginagawa. “So… nagpunta na lang ako dito just to make sure na… wrong number nga talaga ako.” pagpapatuloy nito since wala namang maisagot sa kaniya si Hanna.
“A-Ad-Adri… I mean Mr. Carson… uhm?!” hindi alam kung paano magsisimula. Every time na makikita niya kasi ito, nagre-register sa isip niya ang gabing pinagsaluhan nila and that makes her feel uncomfortable. Everyone was looking at them including Gwen, ang kaibigan niyang usi. “Uhm… may ipapagawa po ba kayo SIR?” madiin na tanong nito.

“Actually, I’m here just to give you this…” iniabot nito ang bracelet niya. Nagulat ang dalaga nang makita at makilala niya ang hawak nito. Wtf, Adrian Carson?! nanlilisik ang mata niyang tinitigan ang binata. “I’m sure this one belongs to you…” nagpalipat lipat ang tingin niya sa binata at sa hawak nito. Hindi alam kung kukunin ba niya o itatanggi. If kukunin ko ito, they will think na may nangyari sa amin the night after the party. Haaist, ano ka ba Hanna meron naman talagang nangyari sa inyo. Sitang sabi niya sa sarili, Adrian why are you putting me in an awkward situation, I swear I’m gonna kill you!
“You left this in my-” Pinutol kung ano pa man ang balak sabihin nito.
“Your car, right?” dugtong niya sabay hablot sa bracelet.
“Ya-yah… sa kotse tama…” ngumiti ng nakakaloko. Sumesenyas siya kay Adrian na umalis na pero parang nangaasar pa talaga ang binata.

“Anything MR. CARSON?” mariin na tanong niya.
“I guess… wala na… wala ka ng naiwan maliban sa suot mong bracelet.” pang aasar pa nito.
“Adrian Carson!” hindi na niya napigilan at napasigaw na talaga siya. Nagulat ang mga staff sa department niya. Tawagin mo ba naman ang boss mo sa buong pangalan nito na may pagbabanta. Nangingiti lang ang binata at kumindat pa bago umalis.
Haaay! Pabagsak na umupo sa upuuan niya huminga pa ng malalim na akala mo ay nabunutan ng tinik sa dibdib. Nakatitig lang siya sa bracelet na iniabot ni Adrian. Hindi niya namalayan ang pag lapit sa kaniya ni Gwen na nakatingin din sa bracelet na hawak niya.

“Ordinaryo naman yung bracelet mo makatitig ka. ” nagulat ito nang magsalita ang kaibigan.
“Kanina ka pa ba diyan?”
“Enough to witnessed everything… I think you have a lot of things to explain,huh!” Bakit ba feeling ko lahat sila kailangan ko bigyan ng explanation? Kanina si Ethan, now si Gwen at ang mga matang nakatingin sa akin. This is all your fault Adrian, er! Inis na sabi niya sa sarili.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top