The One That Got Away – CHAPTER TWO


Hanna POV..

Nag start na yata? May kausap pa kasi akong client kanina nang magtawag yung secretary ni Matt for the meeting. Pagpasok ko sa conference nakayuko akong naglakad papunta sa dulo. Doon ko talaga piniling maupo para hindi masyadong mapansin, medyo may kahabaan nga lang ang conference table.

“Everyone, meet my dearest friend and part of this company and one of the bosses of Alliance IT Group… Mr. Adrian Carson!” Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong i-announce ni Matt yun name ng bago naming boss.

Hindi ko alam pero para akong napako sa kinatatayuan ko. Sabi ni Gwen Carlos ang pangalan niya, haay Gwen!
“Hanna dito ka na maupo.” Sabi sa akin ng marketing head.
“A-a-ah okay.” Shit ano ba ‘to at kinakabahan ako.

Nang makaupo lumingon ako bandang kaliwa upang masigurado kung ito nga ang Adrian Carson na kilala ko. Laking gulat ko ng makita ang nasa harapan na Adrian at ang kilala kong Adrian ay iisa. Anong ginagawa niya dito? Siya ba… siya ba ang sinasabing big stock holder at bakit siya nandito? Shit pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Pilit ko paring ikinukubli ang sarili sa katabi ko. Siya ang dahilan ng pagka late ko kanina.

Naglalakad ako papasok ng building kaninang umaga, kagagaling ko lang ng coffee shop. May napansin akong isang familiar na tindig ng lalaki. May kausap ito sa cell phone at naka-harang sa entrance area ng building. I don’t know but my heart beats fast na parang anytime sasabog yun dibdib ko. Parang nag slow motion ang lahat, para akong nasa isang pelikula na ang tanging nakikita lang ay ang sarili ko at yung lalaking nasa dadaanan ko. Ang pakiramdam na para akong nakakita ng multo na nagbabalik upang guluhin ang tahimik kong buhay. Hindi ko inaasahang makikita ko muli itong g*gung ‘to!
Napansin kong napalingon siya banda sa kinatatayuan ko. Agad akong nagtago sa poste na nasa tabi ko. Ano bang ginagawa niya dito at dun pa talaga niya napiling mag stop over. Buhay ka pa pala! Haaaist, late na talaga ako! Asar na sabi ko habang nakasandal sa poste. Sinubukan ko ulit siyang silipin ngunit wala na ito sa kinatatayuan niya kaya dali dali akong pumasok ng building. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta.

“Sorry girls pero may nag mamay ari na ng puso niya.” Narinig kong sabi ni Matt na nagbalik ng ulirat ko. Nakaramdam ako ng kirot, gusto ko sana mag walk out dahil mukhang hindi ko na kakayanin tumagal pa sa loob ng conference. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit until now ganun pa rin kalakas ang dating sa akin ng lalaking ito. Ang alam ko stable na ang puso ko, pero ano at mukhang nawawala ka na naman sa ayos.
“And the person next to Mr. Lawrence is Ms. Hannah Dewey…” wtf Matt! “Representative sa IT department, wala ang head nila na si Robert.” Tinaas ko lang ang kanang kamay ko at hindi nilingon si Adrian. Ano ito recitation at kailangan itaas ang kamay.

Nang matapos ang meeting na wala na mang importanteng napagusapan, Bakit ba ako pumunta pa? Palabas na ako ng conference nakayuko at nakatakip ng notebook ang mukha, para lang hindi ako mapansin...


ni Adrian. Bakit ako ang nagtatago, ako ba may kasalanan sa kaniya?

“Ano napag usapan sa meeting, dumating ba yun Carlos?” Inirapan ko lang si Gwen na nagurirat agad. Nagdere-deretso ako sa table ko at nagiisip na parang hindi naririnig si Gwen. “Naintindihan kita, sobrang gwapo niya siguro kaya ganyan na lang ang pagkatulala mo.” Pagbibiro pa nito at sabay tapik sa balikat ko. “Hoy!”
“Ano ba?!” Iritang sagot ko. “Ikaw Gwen ha, sabi mo Carlos ang name niya… kahit kelan ka talaga oh!” Galit na sita ko sa kaniya.
“Eh bakit ano ba? Carlos naman talaga dinig ko!”
“Hay naku ewan ko talaga sayo!”
“Adrian Carson!” Sigaw ng isang staff. I don’t know but everytime na maririnig ko pangalan niya kumakabog dibdib ko. Napalingon pa ako sa pinto sa pagaakalang dumating nga ito.
“Yun ang buong pangalan niya hindi Carlos.” Pag papatuloy pa nung isa pang staff. Sige ulit ulitin niyo pa!
“Oh eh magka rhyme naman ah! Carlos… Carson, pareho lang yun ikaw talaga Hanna oh grabe ka sakin!” Mangatwiran ka pa Gwen, wala talaga ako sa mood makipag biruan. Mabait naman si Gwen may pagka tanga lang talaga… minsan mali mali pa kaya madalas pagalitan.
“Bumalik ka na sa table mo baka kung ano pa magawa ko sayo.” Pagbibiro ko sa kaniya.
“Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, talaga bang gwapo siya?” Akmang dadampot ako ng stapler at pabirong ibabato sa kaniya. “Eto na nga paalis na nga oh! Nag mamadali, may lakad lang teh!” Pero bakit ba kay Gwen ko binubuhos ang inis ko sa lalaking ‘yun. Eh wala naman kaalam alam ito sa kung sino si Adrian sa buhay ko. Buong araw akong lutang at hindi makapag trabaho ng maayos. Minsan nga lumabas ako para kumuha ng kape sa pantry pero nung makita ko si Adrian agad agd akong nagtago. Tsh! Kahit ano naman tago ko magkikita at magkikita pa rin naman kami. Hindi pa lang talaga ako handang harapin ang nakaraan ko.

Minabuti ko na lang umuwi ng maaga at hindi na nag OT pa kahit alam kong marami akong deadline this week, useless na rin naman. Pag dating ko ng bahay kumuha agad ako ng beer sa ref para mabilis makatulog usually two bottles lang inaantok na ako pero naka limang bote na yata ako at hindi pa rin dalawin ng antok. Kelan ka dumating, san ka galing at bakit hindi mo pa ako kinokontak? Ang daming tanong sa isip ko, may balak ka bang kausapin pa ako or mag explain man lang? Nakaupo ako sa sala habang nanonood pero wala naman sa pinanonood ko yung utak ko. Nagulat na lang ako ng mag ring yun cellphone ko at bigla kong nabitawan ang hawak na bote. Assuming naman ako na tatawagan ako ni Adrian at bakit naman niya ako tatawagan eh may bago ng laman ang puso nun, er! Asar na sabi ko na lang sa sarili ko. Pansin ko na buong araw ko ng kausap ang sarili ko. Haaaist, nababaliw na yata ako. Bwisit ka Adrian bumalik ka na nga kung saan planeta ka galing! Sabay bato sa unan na kanina ko pa pinagtutuunan ng galit.

To be continued…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top