‘THE STORY OF US’ CHAPTER 1


“Earth to Lyna!”
Napakurap sya. Napatulala na pala sya. Puyat na naman kasi sya kagabi. Kakabasa ng pocketbooks. Hehe.
“Sorry Gel.” Nag peace sign pa sya dito.
“Nagpuyat ka na naman ba kagabi?” tanong neto. Napatango naman sya habang napapangiwi pa. Kilala na tlaga sya nito.
” Hay naku. Bahala kang babae ka! Pagagalitan ka na naman ni Jax!”
“Di yan! Ako bahala kay Babs! Takot lang non saken Haha”
Ang Nabanggit neto ay ang bestfriend nyang si Jan Axel VillaMayor, Jax for short or Babs naman sa kanya. Kasi malusog ang bestfriend nya at sya lang may karapatan na tawagan syang Babs ito.
Oh by the way. I forgot to introduce myself. Ahem Ahem.
Hi my name is Lyna Saavedra! 16 yrs old, 4th yr High School student here at Sideville Academy.
“Nana!” napalingon sya. Isa lang naman tumatawag sa kanya ng ganun. Sino pa nga ba? Edi ang b*boy nyang bestfriend.
“Oy Babs!” Tawag nya dito habang papalapit ito sa kanya. Nakangiti itong lumalapit sa kanya. at napapalingon ang mga babaeng nadadaanan nito. Andito sila sa hallway ng 3rd floor kung saan classrooms ng 4th yr.Gwapo kasi ang bestfriend nya. Kaya di na kataka taka na lingunin ito ng mga kababaihan. Napapatitig din tuloy sya sa gwapo nitong muka.Mula sa bilugan nitong mata, makapal na pilikmata na daig pa sya, sa makapal na kilay, at maliit na matangos na ilong at manipis na labi. Kaasar nakakainggit ang maputi at makinis na balat ng bestfriend nya. Ang kanya kasi ay di sya gaanong kaputian.
“Aww!” Napahawak sya sa noo na pinitik nito. “Sakit ahh! ” reklamo nya.
“Kanina pa kasi ako dito sa harap nakanganga ka pa dn jan!”
“Sorry na hehe. Antok pa ko eh” pagdadahilan nya dito.
“Tsk. puyat ka na naman.Sabi ng tigil tigilan mo yang kababasa mo ng pocketbooks sa gabi.” pangaral nito sa kanya. Sabi na nga ba mapapagalitan na naman sya ni “Itay” nya.
“Ehhh Sorry na itay.” kumapit pa sya sa braso nito para maglambing. Normal na sakanila ang ganto. Magbest friend na sila mula 1st yr pa lang kaya komportableng komportable na sila sa isat isa.
” Ewan ko sayo.Nagawa mo ba yung assignment sa Physics?” tanong na lang nito sa kanya.
“Yes naman! Pinaghirapan ko yun kagabi!” sagot nya.
“Buti naman naintindihan mo yung tinuro ko sayo.” ngiti nito sa kanya. Ginulo pa buhok nya.
“Naman! Takot ko lang sa tutor ko! haha” mahina kasi sya sa Science. Sa lahat ng subject dito sya pinaka nahihirapan. Kaya naman lagi sya nagpapatulong kay Jax. Matalino kasi ang bestfriend nya. Isa ito sa mga top students ng school nila.Oh diba. Matalino na gwapo pa. Proud bestfriend here!
Nagring na ang bell. Hudyat na start na ang klase.
“Sige na babs maya na lang break tayo mag usap.” Paalam nya dito. Di kasi sila magkaklase. Section 2 sya, samantalang Section 1 naman ito.
Kumaway pa sya dito. Ginulo naman nito ang buhok nya bago sya talikuran...


at pumasok sa room. Magkatabi lang naman ang classroom nila. Pumasok na rin sya at umupo sa upuan nya banda sa likod. Alphabetical kasi ang seating arrangement nila kaya nasa bandang likod sya dahil S ang apelyido nya.
” Good Morning class! ” Bati ng adviser nila at Teacher sa Economics na si Mam Casimiro.
“Good Morning maaaammmm!” Parang kinder na bati ng mga kaklase nya. Haha.
“Oh ano? Monday na monday wala na kagad kayong energy” Natatawa na sabi ni Ms. Casimiro.
” May ibabalita ako sa inyo na makakapagpagising ng natutulog nyong kaluluwa” makahulugan na sabi ni Ms.
Mabait talaga si Ms.Casimiro. Bata pa kasi ito at dalaga kaya nakakasabay sa kanila.
Bigla naman napaupo ng tuwid ang mga kaklase nya at excited na marinig ang sasabihin ng teacher sa kanila.
“Next week na ang foundation da-” Hindi na natapos ni Ms. ang announcement nya kasi naghiyawan na ang buong klase.
“Yehey!”
“Yes!”
Sigaw ng mga classmate nya.
“Kalma guys! Kalma” Sigaw ni Ms. na may kasama pang pagtaas ng kamay. ” Ang naka atas na booth sa section natin ay ang Horror Booth. And for the 1st time magkakaron tayo ng battle of the bands!” Masayang balita ni Mam.
Nag ingay na naman ang mga kaklase nya sa sobrang excitement.
“Lyna. Ikaw na bahala sa lahat. Sayo ko na iaatas ang pag oorganize Ms. President.” oo nga pala sya ang President ng classroom nila.
“Yes Mam! pag mimeetingan na po namin mamaya.” Sagot naman nya dito.
” Ok. Wala muna tayo class today sa subject nyo. Para makapag focus kayo sa preparations ng foundation day.Sa faculty lang ako if ever may questions kayo.” Paalam nito sa kanila at lumabas na ng classroom nila.
Tumayo na sya at pumunta sa harap para maumpisahan na nila ang Meeting para sa Foundation day.
Napag usapan nila kung sino sino nakatoka sa Booths at kung sino sino bubuo ng banda para makasali sa Battle of the Bands. Meron syang mga kaklase na mahilig sa music at lagi may dalang mga gitara kaya ang mga ito na nag volunteer na bumuo ng banda.
“Mag start na kami maya magpractice para di tayo mapahiya doon” Sabi sa kanya ni Rico. Ang kaklase nilang bakla. Maganda ang boses nito. Kasama nya ito sa choir noong elementary sila. Yes. kumakanta din sya. Pero hindi nya kaya ang solo sa harap ng madaming tao. Malakas lang ang loob nya pag madami sila. Kaya madalas sa mga choir lang sya sumasali.
“Ok guys. Galingan nyo hah!”
“Ayaw mo ba sumali? Para ikaw na lang partner ko sa vocals” Pangungumbinsi nito sa kanya.
“Ayoko keri nyo na yan bakla. Madami ako aasikasuhin di ko na kakayanin na isabay pa yan.” tanggi nya dito
“Ok. Pero dalaw ka sa practice namen kina Chrys para kapag may mga isusuggest ka hah.”
“Oo naman.Di ko kayo pababayaan.”
After nila mag usap ay dumating na ang susunod nilang teacher at nag umpisa na ang klase nila.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top