THE WILD SILENCE CHAPTER NINE


“daddy, sabihin nyo po ano ang ginagawa ng babae na iyon don! ” saad ng binata patungkol kay Alexa.
“Hindi ko alam kung sino ang babaeng iyon basta kailangang mawala ang mga Vergara sa landas natin.” saad ni Estiven. ” ang East bridge ay nais kong bilhin pero hindi ko iyon magagawa kung nakaharang ang mga Vergara. ”
“ano pong gagawin nyo sa Eskwelahang iyon? ”
“Esteve, balang araw ay mamanahin mo ang titulo na mayroon ako kaya’t kailangan mong tigasan ang kalooban mo, sa mundo ng organisasyon natin ay walang puwang ang awa. “saad ng matanda sa anak nya. ” balak kong magtayo ng Eskwelahang hindi mapapasok ng gobyerno, isang eskwelahan na hindi na kakailangin ang tulong ng mga taga labas. ” nakangiting saad ni Esteven.
Napailing si Esteve sa kahibangan ng Ama, dahil sa pagkahayok nito sa kayamanan ay nalimutan na nito kung ano ba talaga ang tunay na halaga ng buhay, isa sa hindi malilimutan ni Esteve ay kung paano ginilitan ng ama ang babaeng kakumpetensya ng negosyo nila, palibhasa ay hindi ito matalo ng ama kaya’t pinatay nya na lamang ito.
~
“nasan ka ba kasi! ” inis na saad ni Jiro, ala sais ng umaga, sinasadya nyang gumising ng ganong oras at umaasang makikita si Alexa sa bawat umagang dumaraan pero ito na ang ika lawang linggo mula ng huli nyang makita si Alexa.
Sa maikling panahon ay hindi nya naisip na mamimiss nya pala ito, hinahanap nya ang pagkabarumbado nitong mag salita ang pagiging cool nito ang pabango nito pati na ang mismong si Alexa pero sa tagal na nang huli nilang pag kikita ay mawawalan na talaga ng pag asa si Jiro na makita pa nya ang dalaga.
‘Hindi na sya babalik. ‘
Nagpakawala ng buntong hininga si Jiro tsaka bumangon para mag asikaso ng sarili.
Ngayon ang basketball practice nila kaya obligado na siyang pumasok.
“Master jiro hindi po ba kayo papasok sa Eswel- -” hindi naituloy ni Chairyl ang pagsasalita nya nang lumabas si Jiro at dire-diretsong bumaba sa hagdan.
“oh, may nangyari bang maganda? ” nakangiting bati ni Mister Vergara nang makita nya ang anak. “Himala at lumabas kana ng lungga mo?” natatawang biro pa nito pero hindi sya pinansin ni Jiro.
“May natutunan naman pala sya kay Ale- –
“hep!” pigil ni jiro kay Kevin. ” don’t mention her name its disgusting! ” nakangusong aniya.
“Alexa! ” masiglang saad ni Borex sa labas ng pinto hawak ang mug na may lamang kape.
“She’s there! ” mababakas ang excitement sa boses ni Jiro tsaka patakbong tumungo sa labas tsaka luminga ng tatlong beses bago nya mapagtantong pinagtatawanan sya ni Borex sa panglolokong kinagat nya.
“Hindi ba’t sinibak mo na sya sa pagiging Personal guard nya bukod don…Akala ko ba ay Ayaw mong marinig ang pangalan nya” nanunuksong saad ni Borex.
“Shup up! Daddy bawasan mo ng twenty thousand ang sahod ng bakulaw na to!” utos ni Jiro tsaka bagsak ang balikat na bumalik sa mesa. Tatlong kutsara pa lamang nang pag kain ang nakakain nya ay tumayo na sya.
“Saan ka pupunta? ” tanong nya nang lumapit si CHAIRYL sa kotse nya.
“e-escort’an ko po kayo. ” sagot ng babae.
“pumunta ka sa basement ng bahay at maglabas ka ng bagong kotse, dun ka sumakay.” masungit na saad ni Jiro tsaka pumasok sa kotse nya.
Napapikit si Chairyl sa gaspang ng pakikitungo ng binata, sa kanya, sa totoo lang ay hirap na hirap na ito dahil sa paraan kung paano sya nito tratuhin,,sinadya pa ni Jiro na palabasan ang makapal na usok ng tambucho nya para malanghap ito ni Chairyl.
Nakanguso si Jiro habang nag d’drive hanggang sa makarating ito sa East bridge university.
“Jiro.. ” hinanap nya ang boses na pinanggalingan noon at umaasa na si Alexa ang makikita nya pero maputing babae ang naroon at nakapony tail. ” panunuorin ko ang laro mo galingan mo ha. ” anang babae.
Alanganing ngumiti si Jiro dahil hindi nya naman kilala ang babae. “S-salamat. ” sagot nya.
“Rein Jiro Vergara, bilisan mo mag start na ang game. ” sigaw ng Coach nya.
“Ah.. opo. ” aniya tsaka patakbong pumunta sa locker para mag palit ng uniform.
“Hoy! “Nilingon ni Jiro ang lalakeng nakasandal sa pinto, ” ako ang Ace player sa Team namin, ang pangalan ko ay Timothy. Gusto kong ipatalo mo ang laban, kung hindi ay bubugbugin ka namin. ” banta na anito.
‘kapag natalo kami ay hindi na kami makakalaro. ‘
” Master Jiro. ” tawag pansin ni Chairyl, tsaka tingnan ang lalakeng naroon. Hindi tuloy maiwasan ni jiro na Ikumpara si Chairyl kay Alexa.
‘ kung si Alexa lamang ang narito ay hindi ko na kakailanganin pang pumili dahil tyak na matatakot na ang mga ito sa kanya. ‘
“Mag isip-isip ka bago ka mabaldado. “nakangisi anito.
Palibhasa ay isa sa siga sa campus kaya’t ganun sya mag salita, hindi umimik si Jiro sa halip ay nagpatuloy sa pag suot ng knee pads nya.
“Kyaaaaaaaaa! ! !”
“Rein jiro! ! ”
“oh my god napaka gwapo nya! Sana ay hindi na bumalik pa ang gwardya nya! ”
” oo nga hindi tayo makalapit dahil nakakatakot sya! *
Hiyawan mula sa mga bench kung, saan naka upo ang mga estudyante na karamihan ay mga babae.
“EAST FOR THE WIN, EAST FOR THE WIN, EAST FOR THE...


WIN, WIN,WIN….”
“EAST FOR THE WIN, EAST FOR THE WIN, EAST FOR THE WIN, WIN,WIN….”
“EAST FOR THE WIN, EAST FOR THE WIN, EAST FOR THE WIN, WIN,WIN….”
“EAST FOR THE WIN, EAST FOR THE WIN, EAST FOR THE WIN, WIN,WIN….”
kantahan ng mga Estudyante,
*PRIIIIIIIT ! !”
Pumito ang referee para sa jumpball sa pagitan ni jiro para sa East bridge. At kay Timothy na nag banta sa kanya para sa BEN ACADEMY.
Sabay silang tumalon, pareho ang tangkad pero higit ang lakas ni Jiro, nadakot nya sa Ere ang bola bago pa man mahawakan iyon ng kalaban.
“Ahhhhh Jiiiiiroooooo! ! !” tilian ng, mga babae ng bumagsak ang dalawang paa ni Jiro sa sahig hawak ang bola tsaka mabilis na pinasa sa kasamahan para umiscore.
Umaasa ang lalake na susunod si Jiro dahil duwag ito pero nagkamali sya dahil 80-34 ang score at nangunguna ang East bridge.
“Mahirap ka ba talagang pag sabihan?” anang lalake nang magkatapat sila ng Jiro na ngayo’y syang may hawak ng bola.
“Hindi ko isusuko ang laro nang dahil lang sa pag babanta mo. ”
“kung ganon sige, mananalo ka ngayon pero habang buhay ka nang hindi makakatapak sa court pag katapos kong baliin ang mga binti mo mamaya. ”
“ang dami mong sat-sat mag bantay ka kung ayaw mo akong maka score. ” ani Jiro tsaka dinribol ang bola tsaka bumiling pakaliwa pero naunahan sya ng nag babantay sa kanya pero hindi talaga iyon ang plano nya kundi ang pekein ang galaw nya dahil sa Kanan talaga ang punta nya.
“Hah.. Paanong! ” hindi maka paniwala ang lalake na makakalusot sa kanya si Jiro, pumwesto si Jiro sa magandang spot para sa three points.
*Shoot!
“KYAAAAAAAH! ! !”
*EEEEEEEEEEEEENG!!
natapos ang laban sa pagitan ng 83 at 34.
“Nice bro! ” anang Captain ng Team nila, sa, sandaling oras ay nalimutan ni Jiro si Alexa dahil sa sunod-sunod na pamumuri ng mga team mates nya bagay na ngayon nya lang naranasan.
“Sana noon ka pa sumali sa Team, eh di champion sana palagi ang East. ” nakangiting saad ng isa pang team mate nya.
“Nice Game Vergara, mukhang masusungkit mo ang Titulo na MOST VALUABLE PLAYER kung mag papatuloy ang ganyang laro mo. ” anang coach nila.
“Salamat Coach. “Iyon lamang ang naisagot ng binata,
Nawala ang pagkakangiti nito nang maalala ang pagbabanta ng lalaking nakalaban nya.
‘Hindi ko kailangang lumaban, Mas, maigi kung iiwasan ko lang sila. ‘
Mabilis nyang tinungo ang Shower na karugtong lang ng locker at nag palit ng Damit, pagkasukbit nang bag pack nya ay lumingon sya sa kaliwa at kanang daanan.
Tinitignan nya kung may nag aabang sa kanya.nang masiguradong clear ang daan ay humakbang sya palabas.
‘Nasan na kaya yung babae.’ nasa isip nya si Chairyl
*Croooooooog!
*Crooooooog!
Napatigil sya sa pag kalam ng sikmura nya, umaga pa ang huling kain nya at alas dos na ng hapon kaya naman ganon na lang kalakas kung kumalam ang sikmura nya.
“Oh Vergara, sumama ka na sa’min sa Cafeteria libre ni coach.”
“ano- -sa baha-” hindi na sya nakatutol ng kaladkarin sya ng mga kasama nya sa Cafeteria.
“Kyaaaaaaah…ayan na ang mga Varsity natin! ” hiyawan ng mga kaklase nila.
Ang ilang mga taga Ben Academy ay naroon pa, at hindi nakaligtas sa Mata ni Jiro ang lalake na naron sa Pila at matalim na nakatitig sa kanya.
“umorder na kayo kahit ano.” anang coach nila ” ako ang mag babayad, kailangan ko pa kasi pumunta sa Faculty. O’ harry ikaw na muna ang bahala sa team mates mo. ” paalam nito sa Captain nila.
“Opo Coach. ” sagot nito.
“Jiro, maupo na kayo dyan. ” turo ni Harry sa Katapat nilang mesa. “kami na ang oorder. ” anito pa kasama ang dalawa pang team mates nila.
Naupo sila, panay ang ikot ng mata ni Jiro animoy hindi napakaling Pusa. Ang, mga tuhod nya ay panay din ang pag galaw sa ilalim ng mesa.
“bro, okay ka lang? Mahina ba ang Aircon at pinag papawisan ka? ” alalang tanong ng kasama nya.
“Ah- – hindi okay lang ako. ” pilit ang ngiting saad ni Jiro.
“Ohy….table namin yan. ” anang lalake na kasama sa Team ng Ben Academy.
“huh? W-wala namang pangalan ah. ” naka kunot ang noo na turan ni Jiro habang ang tuhod nya ay patuloy sa panginginig dahil sa kaba.
“Ah ganun! “saad ni Timothy tsaka ibinagsak ang tray na may lamang pagkain sa harap ni Jiro dahilan para sumambulat ang laman noon. “talagang sinusubukan mo ko! ” mayabang na sigaw nito.
Ang lahat ng pares ng mata ay kasalukuyang nasa kanila pati na sila Harry ay nagtakbuhan para awatin ang mga maaaring mangyari.
“Bro kalma lang.” kaagad na saad ni Harry pero hinawi lang sila nito palibhasaya malaking tao kaya’t wala silang nagawa.
” Oh my god!”
“this is a big mess! ”
Bulungan ng mga Estudyante.
Mabilis na dinakot ni Timothy ang leeg ng damit ni Jiro habang amg isang kamao nito ay naka amba na sa mukha nya
“Oh- Ohw… ” natigilan ang lahat sa pag sulpot ng isang panauhin na hindi inaasahan ng lahat.
Nakasuksok ang parehong kamay nito sa bulsa at tila walang pakialam sa mga nangyayari tanging si Jiro lamang ang pinaka tinititigan.
“SORRY LATE AKO. ”
#OH KALMA HAH WAG KAYONG ANO! 🤣🤣






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top