THE WILD SILENCE CHAPTER SIX


Maagang nagising si Alexa, hindi nya namalayan na nakatulog sya sa Sofa dahil sa pagbabantay sa Binatang Vergara.
Lumabas sya at dumiretso sa kusina, inabutan nya doon si Amoriz at tulad nya ay kagigising lang nito ngunit abala na sa pagtitipa ng keyboard sa computer na kaharap nito.
Hindi na lamang sya pinansin ni Alexa dahil hindi maganda ang huling pag uusap nila kagabi, Binuksan ni Alexa ang Double Door na Refrigerator kaya bumukas ang ilaw sa loob noon. Kumuha sya ng mineral bottled water at ininom iyon.
Pag ubos ng isang bote ay tinapon nya sa kalapit na Trash bin ang plastic na bote tsaka kumuha ng panibago. Isinara nyang muli ang Ref at nag lakad pabalik.
“Sandale. ” pigil ni Amoriz sa kanya.
Nakataas ang parehong kilay nya nang lumingon, sa posturang iyon pa lamang ay nagtatanong na sya kung bakit sya nito tinawag.
“Gusto kong hingiin ang payo mo.” nahihiyang saad ni Amoriz.
Napalabi ang dalaga tsaka palihim na napangiti, sa wakas ay natauhan ang isa sa mga phoenix at kinailangan na syang tawagin nito bilang isang Ka team. “May.. Maitutulong ako? “tanong nya.
“Balak ko kasing gumawa ng Device para kay Mister Vergara para ma trace ko kung may lalapit sa kanyang kalaban.” pahayag nito.
Tumango-tango si Alexa, “gusto kong i suhestyon na manatili ka palagi sa kotse ni Mister Vergara, tatawag ako sa Alpha para mag padala ng Gamit. Napag alaman kong Hacker ka at marami kang alam pag dating sa System, program at marami pang iba. ”
“Dapat pala talaga ay nakikinig ako sayo, Mukhang napaka dami mong Alam. ”
” Ang totoo ay bago nyo ko makasama ay kilala ko na kayo, ang lahat tungkol sa inyo kaya alam kong hindi ako mahihirapang makisama iyon ngalang nag kamali ako dahil may Katigasan ang Ulo mo. ”
“Patawad.”
Umiling si Alexa. “Tao lang tayo kahit sino ay hindi nanaising mag kamali para lang mapagtanto kung ano ang Tama. ” napa maang si Amoriz sa kanya.
Pamilyar sya sa kasabihang ‘Magkakamali ka muna bago matuto’ pero kasalungat noon ang sinabi ni Alexa na lalong nag pagaan ng loob nya. Ang babaeng kaharap nya ay may malalim na pinagkukunan sa kahit anong Aspeto.
“Back to the Topic, tatlo kayong naka gwardya kay Mister Vergara pero mali ang Strategy nyo kaya kayo na Trap kahapon. Mas maigi kung maiiwan ka sa kotse bilang Mata, at Tenga si Sir Borex at Kevin naman ang tatayo bilang dalawang kamay at paa mo, sa ganong paraan ay malalaman mo agad kung may Kalaban, pasukin mo ang lahat ng Cctv sa buong company o kung kaya mo pati na ang Satellite para mabantayan natin ang kilos ng kalaban.”
“Ah.. Oo. ” sagot nito, tinapik pa bahagya ni Alexa ang Balikat nito bago sya umalis at maglakad pabalik sa Kwarto.
Walang alinlangan na binuksan nya ang door knob papasok pero bumungad sa kanya ang Topless na katawan ni Jiro at tanging ang ibabang parte lang ng katawan nito ang nakabalot ng Twalya.
“Haisst! “angal nya tsaka mabilis nyang isinara ang pinto.
nakagat nya ang ibabang labi nya sa hindi malamang dahilan.
*Eeeengk!
Lumingon sya sa pag bukas ng pinto ni Jiro at umaasa syang naka bihis na ito kaya’t kunwari ay kalmado syang lumingon pero napalunok sya dahil sa pagkakataong iyon ay mas malapit na si Jiro sa kanya.
“Pumasok ka sa loob. ” kaswal ang boses ni Jiro at wala namang pagbabago, kung mahahalata sya ng binata ay baka tuksuhin sya nito kaya’t tahimik syang pumasok.
Kamuntikan nang mag tayuan ang mga balahibo sa buong katawan nya nang...


Dumaplis ang braso nya sa matitigas na muscle sa tyan ng binata.
Pinilit ni Alexa na hwag magpahalata sa pagka ilang sa binata, tahimik nyang tinungo ang Sofa at naupo.
Nakahinga lamang si Alexs ng maluwag nang Pumasok muli si Jiro sa Banyo.
‘Panong nahubog ang ganung klaseng katawan nya eh hindi naman sya nag g-gym? ‘ tanong ni Alexa sa Isip nya.
“nakaluto na si Daddy ng breakfast? “kaswal na tanong muli ni Jiro nang makalabas sa Banyo at nakasuot na ito ng pantalon pang Eskwela.
‘Hulmang-Hulma ang nga Muscle mula sa Harap at likuran nya, malamang na marami ang nagkakagusto sa lalaking ito! ‘
‘ano bang iniisip mo! Dapat ay kaligtasan nya lang ang nasa isip ko! ‘
“Hindi. ” Pati na ang isasagot ay hindi na malaman ni Alexa.
“Anong hindi? ” curious na tanong ng binata.
“Hindi, i mean Hindi ko alam. ” kalmadong aniya na nakalusot kay Jiro.
“Ah ganun ba, “pero hindi makakalusot sa mata ni Jiro ang Pisngi nya. “Teka, may sakit ka? “tanong nito.” bat namumula ang pisngi mo? ” akmang lalapitan sya ni Jiro.
“Isang Hakbang mo pa, tatanda ka ng iisa ang Paa. ” kalamadong banta ni Alexa.
Ngumuso si Jiro. “bumabalik ka na naman sa pagka amasona mo! Lumabas ka na nga.” utos ni Jiro.
“Hindi pwede, sinabi ko na sayo na sasamahan kita kahit hanggang sa pag Cr mo. ”
“Oo na! Oo na! ” bumalik si Jiro sa ginagawa nya.
~
“para saan yan? ” tanong ni Alexa sa Malaking bag na bitbit ni jiro papasok sa building.
“May try out kami sa Basketball, nag dala ako ng uniform at mga knee pads. ”
“Try out palang diba? Ibig sabihin i te’test kung magaling kang mag shoot. ”
“Oo ganun nga. ”
“Bat may Knee pads? ”
“Eh kung madapa ako? Eh di nangitim ang tuhod ko.” maarteng saad ni Jiro.
“babantayan kita kaya’t mag focus ka, kung may magtatangka man sa buhay mo ay wag mong aalalahanin dahil kayang-kaya ko silang patumbahin. ” bilin ni Alexa nang makarating sila sa Court.
*Priiiiiit!
Pito ng Coach nila kaya’t nag simula ang Try out, proud na humawak si Jiro ng bola tsaka iyon dinribol ng tatlong ulit bago tumira sa unang Ring.
*Shoot!
Inilinga ni Jiro ang mata nya, nakita nya sa bukana ng pinto si Alexa at serysosng pinanunuod sya.
Hindi malaman ni Jiro kung ngingiti sya kaya’t nag Wave na lamang sya sa dalaga dahilan para mataas ang labi nito.
*Priiiit!
Hawak muli ni Jiro ang bola at mabilis itong ipinasok sa Ring.
*Shoot!
Sa labing limang minuto ay natapos ang try out ni Jiro. Patakbo syang umalis sa Court at excited na sabihin kay Alexa na nakapasok sya.
Ngunit hindi nya makita ang mukha bg Dalaga na nag pakabog ng husto sa dibdib nya.
Umagos ang pawis nya dala ng pagod at pag aalala, tinungo nya ang Bukana ng Court pero wala doon ang babae at tanging patak ng dugo ang naabutan nya.
“Alexa… “sa unang pag kakataon ay naibulong nya ang pangalan nito.
“Master Jiro,” nakangiti syang lumingon sa tumawag nang pangalan nya pero nadismaya sya dahil hindi ito ang babaeng inaasahan nya. “Ipinadala po ako ng Alpha para magbantay sa inyo. ”
“Si Alexa! Nasan sya ?” tanong ni Jiro.
“Master Jiro… ”
“SUMAGOT KA! ” sigaw nya sa babaeng naroon.
“Hindi ko po kayo masasagot, paumanhin po. “naka yukong saad ng babae.
“Uuwi ako, tyak na bumalik si Alexa sa bahay para kay Daddy. ” saad ni Jiro tsaka patakbong lumabas ng Court.
ALEXA NYO NAG LULUGAW πŸ˜‚πŸ˜‚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top