THIRD WHEEL


THIRD WHEEL
“Alam mo ba, nagp-prose na sa’kin si Kin!” Tuwang-tuwa sabi sa’kin ni Lia, bestfriend ko. “Look, oh! Ang ganda ng ring ko!”
Pinakita niya sa’kin yung singsing niya. Parang totoong diamond ‘yon dahil masyadong masilaw sa mata ang bato sa gitna. Ngumiwi ako.
“Para namang hindi ko alam.” Paanong hindi ko malalaman? Eh, pinost na nilang dalawa ‘yon sa facebook. Kulang na nga lang i-post nila ang mga kalandian nilang ginagawa minu-minuto sa sobrang updated ko.
“Ano ba!” Natawa siya. “Wag ka ngang bitter! Maghanap ka na kasi ng boyfriend para hindi ka naiinggit sa’kin.” Lumabi pa siya. Napairap nalang ako.
Ako inggit? Duh.
“Saan naman tayo pupunta?” Pagbago ko ng usapan. Ngumiti siya sa’kin, excited na.
“Sa mall, of course!”
___
“Sure ka wala dito ‘yong lalaki mo?” Tanong ko kay Lia saka luminga sa paligid nang makarating na kami sa mall.
“Wala nga!” Natatawa na naman siya sa’kin. “Pang ilang beses mo na bang natanong sa’kin ‘yan? Wait..” Bahagya siyang natigilan nang may naisip. “Wag mong sabihin na may gusto ka sa Kin ko?” Pinagningkitan niya ako ng mata.
“What?!” Gulat kong bulalas. “Hindi, ‘no! Never! Yuck!” Disgusto ang mukha ko kaya natawa na naman siya.
“Joke lang!” Kumawit siya sa braso ko. “Wag kang mag-alala, bff time natin ‘to at hindi baby time.”
“Siguraduhin mo lang.” Ani ko na umirap pa. Simula kasi nang ‘magkabebe taym’ siya ay nawalan na siya ng oras sa’kin, minsan nakakatampo na. Minsan nga kasama ko siya pero kasama naman ang boyfriend niya kaya madalas akong na-a-out of place!
“Nakakasawa na kayang maging third wheel, kung alam mo lang.” Sabi ko. Humagikhik lang siya.
“Sorry na nga, eh! Eto na nga, oh.” Nilahad niya ang sarili na parang ibibigay sa’kin. Natawa ako. “Solong solo mo na ako, babe.”


/> Disgusto ang mukha kong umiwas sa kaniya pero sa huli, sabay kaming natawa.
“Baby?” Isang boses ang narinig namin sa likuran. At gano’n nalang ang pagkakalukot ng mukha ko nang makilala kung sino ‘yon.
“Waaah! Baby!” Si Lia, patakbong lumapit sa boyfriend niya. Bumusangot ang mukha ko.
Kakasabi niya lang, bff time ‘to. Pero nakita lang yung lalaki niya, trinaydor na agad ako!
“Bakit ka nandito? I missed you!”
“I missed you too, baby. Na-miss kasi kita kaya sinundan ko kayo dito.”
At nagyakapan pa sila. Putek. Gusto kong masuka sa pinapanood ko ngayon. Kung makayakap naman sila sa isa’t-isa, akala mo sampung taon silang hindi nagkita samantalang wala pang isang oras silang hindi nagsama!
“Hi, Mina.” Si Kin, nakangiti sa’kin.
Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. “Hi.”
Hindi parin mahiwalay si Lia sa boyfriend niya. Kung makakapit ang malandi sa leeg niya, para bang walang sila sa public place at para bang nakalimutan na niyang wala ako dito na kasama niya lang kanina!
Dumating lang ying boyfriend niya, isinantabi na naman niya ako.
Sinasabi ko na nga ba, eh. Kahit hindi ko masyadong close ang boyfriend niya, alam ko na agad na anumang oras susulpot na ‘to sa tabi namin kaya hindi ako mapakali kanina. Ang gusto ko lang naman, masolo ang bestfriend ko!
Pero may kaagaw na naman ako.
“Sorry, Mina.” Si Lia, malaki ang ngiti sa labi. Napairap ako.
“May magagawa ba ako?” Inis kong sabi. “Sige lang, maglandian lang kayo diyan. ‘Wag niyo na ako pansinin dito kasi hangin lang naman ako, hindi ko kayo pakekealaman.” Sarkastiko kong sabi. Pero halos mamilog sa gulat ang bibig ko nang makita ang sunod nilang ginawa!
Naghalikan sila, SA HARAP KO!
Punyet*ng love birds! Ginawa na naman akong third wheel!
✍️ : Janess Manunulat | @janessCious






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top