TOO MUCH LOVE Nineteen


by: Gail Montenegro
“Sasama ka di pwedeng hindi.” Matigas na saad ni ace kay jade habang nasa balkonahe sila ng silid ni ace
“K-kailangan ba talaga nandoon pa ako ,kasal yun ng pinsan mo ,pede namang ikaw nalang..” ani ni jade sa nobyo
Kuyom ang dalawang kamaong pinaharap ni ace ang nobya “bakit pagdating sa ibang tao kaydali mong sumang ayon ,pansin kulang na pagdating saakin kulang nalang ay isuka moko ,jade anu ba talagang role ko sa buhay mo ,anu muba tlaga ako at ganyan ka kahirap pakiusapan..” di na napigilang ibulyaw ni ace dito ,naging malikot ang mga mata ni jade ,nagiwas ito ng paningin sakanya na parang may tinatakasan ,sa halip na muling suyuin ang nobya tinalikuran nya ito’t tuloy tuloy na pumasok sa glass door papasok sa kanyang silid at nahiga nalang sa kama ,para maiba naman gusto nyang qng nobya naman ang sumuyo sakanya sa pagkakataong ito dahil namimihasa na ito ,naspoiled na kakapakumbaba nya, ipinikit nya ang kanyang mga mata upang humanda na sa pagtulog ngunit bago yun ay naramdaman na nya ang mga braso ni jade sa mismong bewang nya ,niyakap sya nito ng mahigpit saka idinantay ang baba nito sa kanyang leeg
“Babe, ok lang ba kung maysasama ako ng isang kaibigan!” Bulong nito sa tenga nya
“Pag sang ayun muna ba yan” anas nya dito
“Yeah ,cge ,nahiya naman kc ako sayu kaya sige na ngan!” Anito
“Sinong kaibigan si kaye nanaman?” Kunwa’y inis nyang sabi dito.
“Hindi babe ,basta!!” Sabi nalang ni jade para matapos na ang usapan ,kalaunan ay nagkaayus din sila ni ace ,walang samaan ng loob na mahimbing ilang natulog hanggang mag umaga…
Maagang nagising si chelsie dahil sa maagang tawag ni jade ,pinagaayus sya nito dahil daw may pupuntahan sila ,isasama sya nito sa pupuntahan nito at ng nobyo nito ayun dito
“Sinabi kong magkaibigan tayu kaya wala kang ibang sasabihin kundi un lang chelsie, linggo ang aabutin ng bakasyon natin at hindi kita gustong iwanan kaya sasama ka.” Anito sakanya bago namatay ang tawag nila ,mabilis nyang tinungo ang banyo upang maligo ng mabilisan dahi ayun dito on the way na sila patungo dito ,at sa mahigit kalahating oras nga habang nagbibihis sya ay bigla nalang may pumulupot na braso s bewang nya “jade..” bigkas nya dahil ito lang naman ang alam nyang may hawak sa code para sa pintuan ng condo
“Are you done!” Halik nito sa leeg nya
Iniikot nya ang katawan upang harapin ang nobya ngunit isang mainit na halik ang sumalubong sakanya ,iglap lamang ay angkin na nito ang labi nya habang hapit sya
“Jade.. akala kuba kasama mo ang nobyo mo nasan sya?” Pigil nya dito
“Nasa baba sa...


may kotse naghihintay saatin” saad nito bago muling inangkin ang labi nya ,this time ay mas maalab na
“T-tara n-na hmmm.” Ungol nyang anas at tumigil naman si jade ,pinagmasdan sya nito mula ulo hanggang paa habang namamangha
“Napakaganda ng girlfriend ko!” Haplos ni jade sa mukha nya
“Napakaganda murin jade.. kung naaappreciate mulang ang sarili mo” bulong ni chelsie
Tumawa lamang si jade at pabalewalang kinuha ang slingbag na bigay nito saka isinabit sa shoulder nya bago muling kinuha ang maliit na bag nag nalalaman ng nga gamit nya sa loob ng isang linggong pamamalagi nila sa pupuntahan nila “jade ako ng maghawak at baka kung anu pang isipin ng nobyo mo” agaw nya sa bag
“Kapag bumaba na tayu ,pero ngayun ako na muna ang magdadala.” Ani nito bago sya inakay palabas ,sumakay sila sa elevator pababa at ng bumukas ang pintuan ay nasa parking lot na sila ,sya na ang nagbitbit sa bag na dala kanina ni jade ,samantalang nagpatiunan naman itong maglakad sakanya ,papalapit sila sa isang magarang sasakyan ng bigla ay umibis mula doon ang isang napakagwapong lalaki ,matangkad at malaki ang pangangatawan lumapit iti sa kanila sersoyo ang bukas ng mukha ,nakakatakot ang itchura nito parang laging handang makipaglaban anu mang oras
“Baby..sakay na!” Hapit nito kay jade ,habang sya ay naghihintay kung sàan sya dapat sumakay “miss…” tawag pansin nito sakanya habang itinuturo ang nakabukas nang backseat ,tahimik syang pumasok doon at nakita nyang nakatingin na pala si jade sakanya nakangiti ng matamis
Pumasok naman ang lalaki at nagsimulang umandar ang kanilang sinasakyan ,habang nasa byahe ay kitang kita nya kung paano icomfort at lambingin ng lalaki si jade kaya bigla syang na out of place , nakaramdam ng hiya at panibugho dahil sa nakikitang kasweetan ng dalawa ,nakakapanghina at nakakaselos dahil nasanay syang sakanya lamang malambing si jade.. sa maiksing panahon na nakakasama nya ito ay naguumpisa na nya itong mahalin kaya ang makitang nakikipaglambingan ito sa iba ay kurot na ang idinudulot na sakit sa dibdib nya, naiiyak ang mga matang ibinaling nya sa labas ang paningin upang iwasan ang dalawa.
Kitang kita ng dalawang mga mata ni jade mula sa mirror na nasa itaas nila ang pagiwas ng tingin ni chelsie ,bigla syang naawa dito ng makita ang pagsungaw ng luha sa mga mata nito habang kagat ang ibabang labi marahil pinipilit nitong pigilan ang nagbabadyang luha nito ,nakuyom nya ang isang kamao at nagiwas din ng paningin ng makita kung paanong punasan nito ang luha na hindi nito nagawang pigilan ,”babawi ako mamaya baby!!” Sa isip isip ni jade bago muling ibinaling ang tingin sa nobya na ngayun ay malungkot ang mukhang nakatingin sa kanilang nadadaanan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top