Touch of an Angel Chapter 27


Nagmadaling kumilos si Dilan. Isinugod niya si Angela sa hospital.
“Hanggang dyan lang po kayo sir! Wika ng Doctor..
Walang nagawa si Dilan kundi sundin ang Doctor. Sumandal sya sa pader.. Habang maghihintay sa balita.. Hindi siya mapakali habang maghihintay sa isang pasilyo. Palakad lakad, Pabalik – balik. Parang Hindi siya makahinga sa sobrang tense ng
nararamdaman niya.. For the first time sa buhay niya ay tumawag siya sa Diyos, kung dati Lahat ay inaasa niya sa sarili at sa pera ang ang kahihinatnan ng buhay niya ngayon naghihintay siya ng himala galing sa langit. Dahil alam niya na kahit marami siyang
Pera, walang magagawa iyon para iligtas ang asawa niya. Isang himala lang ang makakapagligtas kay Angela sa kamatayan.
Ngayon bigla niyang naisip na
Manalangin ng taimtim Habang Naka Yuko sa may pader..tumutulo ang luha niya..” Oh Diyos ko Wag nman po si Angela.. Mahal na mahal ko po siya.. Alam ko po masama akong tao, marami akong napatay at pinagsisihan ko na yon..
Huwag nyo po munang kunin si Angela, sa akin, kailangan ko sya. Hindi ako mabubuhay kapag wala sya.. Para ng awa nyo na po. Sya lang po ang nag bigay liwanag sa madilim Kong mundo. Kung Mawawala sya nawawala na saysay ang buhay ko”. Naiiyak na usal niya..
Ilang oras din siyang naghintay kasama ang
Ang mga kapatid ng asawa..
Na sina kulas at Berting. Nandoon din ang ama ni Angela na si mang Sebastian
“Pasensya na po kayo tay, nangako ako sainyo na iingatan ko si Angela, pero, hindi nanyari, napabayaan ko po siya.. Kaya ngayong Nasa bingit siyang ng kamatayan.”boung pagpapakumbabang wika ng lalaki
” Hindi kita sinisisi Dilan.. Alam ko naman na mahal na mahal mo ang anak ko.
Umasa na lang tayo na mabubuhay siya.. Wika ni mang Sebastian..
Tahimik sila hangang naghihitay sa balita ng Doctor..
Hindi umalis si Dilan sa ospital hanggat Hindi sinasabi ng Doctor na okay na ang asawa..
Makalipas ang magdamag ay sinabi din
Sa kanila na okay na si Angela at ligtas na ito sa kapahamakan kaya nakahinga sila ng maluwag..
Makalipas ilang araw ay Nasa regular room na ito at nakakausap na nila.
Nakita ni Angela ang kasiyahan sa mukha ng Kanyang asawa ama at mga kapatid na pumasok ito sa room niya.
Unang lumapit sa kanya si Dilan.
“Mahal ko, Salamat sa Diyos at ligtas ka na.
Akala ko iiwan mo na ako. Anito habang hawak ang palad ng asawa..at umupo ito sa tabi niya.
” Anak, masaya ako buhay ka.. Wika ng ama.
KumustA neng , pagaling ka ha? Huwag mo kaming iiwan mahal na mahal ka namin… Wika ni Berting sabay himas sa ulo niya..
Nakatingin lang si Angela’ sa...


kanila.. Hindi man siya maka ngiti pero bakas sa mukha at mata niya ang kasiyahan na mkita ang mahal niya sa buhay na Nasa paligid niya at nakasuporta
Sa kanya.
Maya maya ay umalis din ang mga ito at iniwanan ang mag- asawa.
Inilapit ni Dilan ang kanyang mukha sa asawa.. At hinalikan ito sa noo..
“Magpalakas ka mahal ko, nandito lang ako
Hindi kita iiwan.
” Salamat.. love,.. palagi kang nandiyan.. para sakin.” mahina nitong wika.
” Syempre mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mabuhay kapag wala ka.. I love you”, .masuyo niyang wika habang nakatitig sa mata ng asawa..
” I love… you too..Dilan”. , aniya sa asawa.
“Magkakaanak na pala tayo, wika ng lalaki
SaBay himas sa tyan ng asawa..” paano nga pala nila nalaman na buntis ka? Bakit Hindi mo sinabi sakin?”
” Hindi.. ko rin alam love, nabuntis ako…., Nalaman ko lang kung kinuha nila ako.. . Itinulak ako ni nicky doon sa pinagkulungan nila sakin. Natumba ako npatama ang balakang ko sahig…
Ang sakit,. parang Hindi ako makahinga noon
Tapos dinugo ako, Dinala nila ako sa clinic
At pinagamot. Balak nila kaming gamitin laban sayo. Gusto ka nilang paikutin para bumagsak
Ka at makuha ang lahat ng pag aari nyo. Yon ang narinig Kong plano nila. “Mahaba niyang paliwanag.. Sa mahinang boses.
Napapikit ng mata ang lalaki at at idinikit ang
Ulo sa may taenga ng asawa..” Mabuti na lamang at ligtas kayo. Sa susunod wag mo nang uulitin ang ginawa mo ah.. Ayokong
Saktan mo ang sarili mo..mabuti na lamang at
Walang organ na tinamaan ang Bala sa katawan mo kaya nakaligtas ka.
“Sorry mahal, hindi na ako nkakapag isip ng maayos nun,isa lang ang alam ko, ayaw ko na lang mahirapan ka pa, kya ko ginawa yon…”
Aniya sa asawa.. Naintindihan ni Dilan ang ginawa asawa para sa kanya.. Kahit Hindi siya sang ayon sa nagawa nito. Ano pa nga ba ang magagawa niya tapos na nangyari. Mabuti na
Nga lang at ligtas na ito pati ang anak nila.
Yon ang ipinagpapasalamat niya sa Diyos..
At makakasama muli niya ang Kanyang pinakamamahal at ang magiging anak nila..
Binantayan niyang mabuti ang asawa at Hindi na ito Iniwan sa hospital hanggang sa gumaling ito ng tuluyan at makalabas ng hospital.
Matapos ang dalawang linggo ay nakalabas
Na ng hospital si Angela, umuwi na sila
Sa Mansyon.
Masayang silang sinalubong ng Mga kanilang mga kasambahay sa Mansyon.inalalayan
Ng asawa si Angela papasok ng Mansyon
Parang kailan lang, ng mapunta siya dito noon.
Ganun na ganun din, nkapila ang mga kasambahay habang naghihintay sa pag dating nila, this time nakangiti na ang byenan niya.
Hindi na ito galit kanya,
***up next last chapter **






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top