What a Girl wants CHAPTER NINETEEN


What a Girl wants πŸ’•πŸ₯°
🍬 CHAPTER NINETEEN 🍬
HINDI makagalaw si Claribelle sa kinauupuan. Hindi siya halos humihinga nang tumayo si Reymart sa tabi niya at ibinuka ang mga bisig.
“Hindi mo man lang ako babatiin?” tanong nito.
“H-hi!” Tumayo siya at kinamayan ang binata. “Kumusta ka?”
“I am good.” Hinawakan nito ang kamay niya, sabay hila sa kanya para yakapin. “Now, I feel awesome.”
Awesome din naman ang pakiramdam ni Claribelle habang nasa mga bisig ng lalaking minamahal. Pero hindi sa harap ng ibang tao. Nagtatago sila, diba? Sekreto ang ugnayan nila. Ano bang ginagawa ni Reymart? Sinubukan niyang kumawala at binaklas ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya.
“Reymart…..” At saka alanganin siyang ngumiti kay Dr. Peralta.
Ngumiti rin ang doktor. “Siguro, nahihiya ang girlfriend mo, Reymart. Sa balkonahe muna ako habang nagdi-dinner kayo. Tatawagan ko lang ang asawa ko. Bigla ko siyang na-miss. Nakakakilig talagang maging bata.” At lumabas na ang mas nakatatandang lalaki.
Tinampal ni Claribelle ang braso ni Reymart. “Reymart, anong ginagawa mo dito?”
“Nandito ako para sa dinner natin gaya ng pangako ko sa iyo.” Kumalas ito sa kanya at ipinaghila siya ng upuan. “Have a seat. Gutom na rin ako. Mahirap sumayaw at kumanta para sa sampung mga bata. They are demanding.”
“Kagagaling mo lang kay Andrea?” tukoy niya sa batang nanalo sa bidding. “Siguro naman napasaya mo ang kaibigan niyang may sakit.”
“Yes. At binanggit din niya si Pastillas Girl na tumulong sa kanya para manalo sa bidding. She is your fan now.”
“At paanong nangyari na ikaw ang ka-dinner ko ngayon?” nakalabing tanong niya. “Akala ko talaga drawing lang yong sinabi mo.”
Kinudlitan nito ang dulo ng ilong niya. “Napag-isipan ko na ito. Si Ninong Doc ang hiningan ko ng tulong para makasama ka.”
Kaya pala sinadya ni Dr. Peralta na sa isang private room sa isang restaurant sila mag-dinner. May-kalayuan din ang mesa ng mga crew ng network na kasama nila para hindi sila basta-basta malapitan ni Reymart.
“Hindi ba siya magsusumbong kay Tita Gina?” tanong ni Claribelle.
Kinindatan siya ni Reymart. “He is on our side. Believe me.”
Hinawakan niya ang kamay ng binata at pinisil. “Thanks, Reymart. Napasaya mo talaga ako ngayong gabi.”
Hinalikan nito ang likod ng palad niya. “I really want to be with you. Let’s enjoy our dinner. Thirty minutes na lang ang natitira sa atin.”
Thirty minutes lang pero sapat na iyon para mabago ang mood ni Claribelle. Sapat na iyon para maging masaya siya. Si Reymart pa rin ang may kayang bumuo ng araw niya. At naa-appreciate niya na nag-e-effort ito para makasama siya.
“Nililigawan mo ba uli ako?” tanong ni Claribelle.
“Ano sa palagay mo?” nakangiting tanong ng binata. “Sasagutin mo na ako?”
“Reymart, alam mo na may kanya-kanya pa tayong obligasyon. Pareho tayong may responsibilidad sa paningin ng maraming tao. Kahit na sagutin pa uli kita ngayon, it won’t work. Bumalik lang tayo sa dati.”
“But an improved version. I am trying my best to spend more time with you.”
“Pero nagtatago pa rin,” giit niya.
Sandaling natahimik si Reymart bago nagtanong. “Hanggang kailan mo kailangang magpanggap na gusto mo ang lalaking pipiliin mo sa dating game?”
“A month, three months,” sagot ni Claribelle. “Hindi naman kami obligado na maging kami. I have school. At siguro naman, magkakaroon din siya ng sariling buhay. Maybe we can go out as friends. Naging kaibigan ko naman na talaga ang mga manliligaw ko sa show. At kayo ni Darling, anong plano mo?”
“The network decided to give our love team a rest. Magsasawa ang mga tao kapag kami ang laging magkasama. Plano ko ring sumubok sa theater. At gusto ko rin na unti-unti kang ligawan nang hindi nagtatago.”
Nahigit ni Claribelle ang hininga. “Reymart, seryoso ka ba diyan? Alam mo bang sugal iyan?”
Tumango ito. “Alam ko. My career would be at stake. Pero gaya mo, ayoko nang magtago habambuhay. I want the world to know that you are my girl. Kung natatakot ka sa sasabihin ng iba, huwag mo muna akong sagutin.”
“Kompiyansa ka naman na sasagutin agad kita?”
Ngumiti si Reymart at lumitaw ang dimples. “Hindi ba? Pwede mo naman akong sagutin kapag tapos ka na ng college o kapag stable na ang trabaho mo. Gusto kong malaman mo na handa akong maghintay sayo. I want you to know that you are worth it. At haharapin ko kahit ano ang magiging kapalit.”
Tumayo si Claribelle at lumigid sa kinauupuan ng binata. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. “Hindi ko alam kung katangahan o katapangan ang gagawin mo. Pero lalo lang kitang minahal dahil diyan.”
She kissed him on the lips with so much love and passion. Sa lahat ng effort na ibinigay ni Reymart para makasama siya, he definitely deserved a kiss. Hindi niya inaasahan na handa iyong gawin ng binata para sa kanya. Gusto talaga siya nitong makasama. Hindi naman masisisi ang puso niya kung mahalin uli ito.
“Hindi ito magugustuhan ni Tita Gina,” paalala ni Claribelle.
“I am old enough to decide. It is between the two of us. Ako ang bahalang kumausap kay Mommy. Okay? Ayokong isipin mo iyon.”
Tumango siya at niyakap si Reymart. “Hindi mo naman ito kailangang gawin, Reymart, pero salamat. Salamat dahil pwede mo naman akong kalimutan na lang para mas hindi komplikado ang buhay. Yet, here you are, doing everything to keep me. Reymart, handa naman akong maghintay sa tamang panahon para sa atin. Hindi mo kailangang magsakripisyo.” Sanay naman siya roon sa simula pa lang ng relasyon nila.
“Basta hayaan mo lang ako. Okay?”
Ngumiti siya. “Okay.”
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
NASA swimming pool sina Claribelle at nag-share ng kanya-kanyang mga karanasan sa nagdaang araw kung saan tinupad nila ang ipinangakong tulong sa Helping Hands Foundation sa pagbibigay ng oras at pagshe-share ng talent nila bilang kapalit ng bid sa kanila sa auction. Nakita niya sa hitsura ng bawat isa ang pagmamalaki dahil hindi lang sila nakatulong, naibahagi rin ang talento sa mas maraming tao na hindi naipapakita sa programa nila. Tumaas din ang confidence ng mga kasama. Natutuwa rin ang mga ito sa dami ng mga fans.
“Madami pa palang Pinoy na nakaka-appreciate ng magandang tula. Pero nagulat talaga ako na may mga batang foreigner pa na nasa audience at gustong magpaturo sa akin. Nakaka-proud na maging Pilipino,” sabi ni Vincent na ikinukwento ang pagtula sa isang international school bilang pagtupad sa napag-usapan sa auction.
“Kumusta naman ang date mo, Claribelle?” tanong ni Gerlan.
“Good. Mabait naman si Doc Peralta at dati na pala siyang tumutulong sa mga nasa center.” Kinagat niya ang ibabang labi pero hindi napigilang ngumiti nang maalala kung paano siya...


sinorpresa ni Reymart sa dinner date. “Basta! Masaya ang naging dinner namin.”
“Bakit parang kinikilig ka?” puna ni Jaime na nakasandal sa gilid ng pool habang walang kiyemeng ibinibilad ang magandang katawan sa suot na swimming trunks. “Huwag mong sabihing crush mo ang doktor na yon na hindi naman kaguwapuhan. Mayaman lang.”
“Natutuwa lang ako sa kanya dahil inalok niya ako na maging endorser ng clinic niya. Malalaking personality lang ang inaalok niya na maging parte ng clinic niya,” palusot ni Claribelle at lumangoy para maiwasan ang nanunuring tingin ng mga kasama.
Hanggang nang umagang iyon ay dala ni Claribelle ang saya sa date nila ni Reymart. Sa loob ng kalahating oras ay mas marami pa silang napag-usapan kaysa nang huling tao ng relasyon nila. Quality time ang maitatawag niya roon. Kailangan lang umalis agad ni Reymart bago pa magsibalik ang crew para kunan sila ng interview ni Dr. Peralta para sa date nila.
Kahit masaya si Claribelle dahil plano na ni Reymart na ipaalam sa publiko ang panliligaw sa kanya, ayaw niyang sayangin nito ang magagandang pagkakataon na dumarating. Naiintindihan na niya ngayon ang mundong ginagalawan nito. Sa isang banda, hindi naman niya masisisi si Reymart lalo na kung gusto nitong maging totoo sa nararamdaman. At hindi madaling mabuhay sa pagkukunwari. Mahirap dayain ang puso.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Claribelle nang may narinig na lumabusaw sa tubig. Umahon siya at nagulat nang may tumama sa kanyang ulo. “Anong….. Sinong namato?” tanong niya at binigyan ng matalim na tingin ang mga kasama. Baka may nangungulit na naman sa kanya. Pero pati pala ang mga kasama niya ay tinatamaan din ng bato. Galing sa labas ng bakod ang mga bato.
“Hoy! Malandi kang babae ka! Lumabas ka diyan!” malakas na sabi ng isang babae.
“Di ka na nasiyahan sa madaming manliligaw mo, pati si Reymart gusto mo ring makuha. Lumabas ka dito para makalbo ka namin! Kiri!” sigaw ng isa pang babae.
At nagsunod-sunod na ang hindi magagandang sinasabi kay Claribelle.
Hinawakan ni Jaime ang balikat ni Claribelle at habang umaahon sa swimming pool ay pinrotektahan ang katawan niya mula sa umuulang bato. “Doon na tayo sa loob ng mansiyon.”
“Bakit galit na galit sila sa iyo dahil kay Reymart?” tanong ni Dave. “Dahil pa rin ba sa nangyari sa concert?”
“H-hindi ko alam,” sagot ni Claribelle habang nanginginig sa lamig at takot. Masyado na yatang late ang reactions ng mga fans. Dahil ba sa party? Saglit lang naman silang nag-usap noon ni Reymart at kasama pa si Darling.
“Boys, pumasok na kayo sa loob,” utos ni Kara na sumalubong sa kanila. “Claribelle, magbihis ka at tumuloy ka sa conference room. May importante tayong pag-uusapan.”
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Claribelle nang pumunta sa conference room. Si Kara lang ang nandoon at hindi niya alam kung bakit lalo siyang kinabahan. Madilim ang anyo nito nang ilahad ang kamay.
“Sit. Gusto ko na tayo munang dalawa ang mag-usap bago pa ito makarating sa head at mga executive. Gusto mo bang sabihin sa akin kung ano ang mayroon sa inyo?”
Umiling si Claribelle. “W-wala naman pong namamagitan sa amin.”
Tumaas ang kilay ni Kara. “Sigurado ka? Ipaliwanag mo ito sa akin ngayon.” Pinindot nito ang remote control at lumabas sa LED screen ang video nila ni Reymart noong nagdi-dinner sila sa private area ng restaurant. “Ito ang kumakalat sa Internet ngayon. Ang video ng dapat ay date mo kasama ang sikat na dermatologist na si Doctor Peralta pero si Reymart ang nandoon. Kuha ito ng isa sa mga waiter sa restaurant. At base sa video, parang lumalabas na inaakit mo si Reymart. Kaya nagwawala ngayon ang mga fans niya hindi lang sa Internet kundi sa labas. Ipaliwanag mo nga ito ngayon.”
Parang pinipiga ang puso ni Claribelle dahil ang nakita lang sa video ay nang lumapit kay Reymart at halikan ito. Nangingilid ang mga luha niya habang umiiling. “W-wala po akong kailangang ipaliwanag,” sabi niyang nanginginig ang mga labi. “S-sorry po kung nangyayari ang gulong ito, Miss Kara. I am sorry.” At napahagulhol siya. Alam niyang malaki ang impact ng video na iyon hindi lang sa kanya kundi pati kay Reymart.
Yumuko si Kara at hinawakan ang kamay niya. “Huwag kang matakot, Claribelle. Kakampi mo ako dito. Sabihin mo sa akin kung may relasyon kayo ni Reymart. Kung gusto ka rin niya. Hindi naman fair na ikaw ang lumalabas na masama. Sabihin mo sa akin kung ano ba siya sa buhay mo. Tutulungan kitang linisin ang pangalan mo. Kilala kita. Hindi ka kagaya ng ibinibintang nila sa iyo.”
Pinagmasdan ni Claribelle ang babae. Hindi niya alam kung totoong concern ito sa kanya o sa show lang. Pero alam niyang si Kara ang makakatulong sa kanya kung sasabihin niya rito ang totoo. Kung sasabihin niya na si Reymart ang dating boyfriend niya at mahal pa rin nila ang isa’t isa hanggang ngayon, hindi na magiging ganoon kasama ang tingin sa kanya ng mga tao. Mas mauunawaan ng mga ito ang sitwasyon nila.
Pero oras na gawin iyon ni Claribelle ay siya mismo ang sisira sa non-disclosure agreement kung saan nakalagay na hindi niya babanggitin ang tungkol sa dating boyfriend. Nangako siya kay Reymart at sa nanay ng lalaki na mananatiling sekreto ang naging relasyon nila. Parang sinira na rin niya ang pangako kapag ginawa iyon. Kung may lalabas man tungkol sa relasyon nila ni Reymart, ayaw niyang manggaling sa kanya.
Mariin siyang pumikit. “W-wala po kaming relasyon. I-inakit ko po siya. Sino ba naman po ang hindi magkakagusto kay Reymart?”
Hinawakan siya ni Kara sa magkabilang pisngi at pilit na hinuli ang kanyang mga mata. “Claribelle, alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo. Ano bang meron kay Reymart at pinoprotektahan mo siya nang ganyan? Nakikita ko na gusto ka niya. Kahit sa concert pa lang at noong ma-interview siya tungkol sa iyo, gusto ka na niya. Sabihin mo na lang ang totoo. I will back you up.”
Umiling si Claribelle. “Kung ano po ang sinabi ko, iyon po talaga ang totoo.”
Hindi niya kayang traydurin si Reymart. Handa siyang magsakripisyo para sa binata. Hindi niya hahayaang masira ang lahat ng pinagpaguran nito. Okay lang kung siya ang pag-usapan. Pwede naman siyang umalis ng showbiz. Hindi naman siya kawalan. Pero kay Reymart, mas malaki ang mawawala. Ilang taon nitong pinaghirapan ang career. Masisira lang ang lahat at siguradong lalong hindi siya matatanggap ng nanay nito. Pati pamilya ng binata ay masisira. Hindi niya kayang gawin iyon kay Reymart.
Huminga nang malalim si Kara at tumayo nang may kumatok sa pinto. “Nanay Myrna, kayo na po ang kumausap kay Claribelle. Baka po makumbinsi ninyo siya na magbago ng isip tungkol kay Reymart,” sabi nito nang pumasok ang nanay niya.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. next po please

Leave a Reply


top