“When a Single Mom meet the Hot CEO” Chapter 30


David’s POV:
NASA loob kami ng kotse ngayon ni Katrina, pero ang kamay niya nanatiling nakakapit sa braso ko.
Halos matunaw na rin ako sa bawat tingin nito habang nagmamaneho ako ng sasakyan.
Tila gusto kong bawiin ang sinabi ko kanina tungkol kay Kate, pero may bumubulong sa akin na hayaan na lang ‘yon.
“David, ayokong umuwi sa bahay. Pwede bang sa bahay mo na lang ako tumuloy? Sabi kasi ni tita, tapos na daw ang bahay na pinagawa mo para sa ating dalawa. Can I see it, now?”, hirit na saad ni Katrina.
Tumigil ako sa pagdrive at nilingon siya.
“No.”, madiin kong sambit.
“Pero bakit hindi? Diba nangako ka sa akin na dadalhin mo ako do’n kapag bumalik ako? Then here I am, nandito na ako ohh.”, turan niya na may katamlayan sa boses.
“B-basta. Hindi ito ang tamang oras para pumunta ka do’n. Magpahinga ka na muna sa bahay niyo.”, pagsasabi ko para lumihis ang topic namin.
“But I want to sleep with you. Gusto kong bumawi, David.”, she said again.
Umiling ako at pinagpatuloy ang pagdrive.
Napadako na rin ang tingin ko sa relo na ilang minuto na lang ay matatapos na ang isang oras na binigay sa akin ni Kate.
Kailangan ko ng bilisan, baka umalis ang girlfriend ko sa beach. Tiyak magkakaroon ng digmaan sa pagitan namin.
Ang hirap pa naman suyuin ni Kate kapag nagagalit.
“Bakit parang ang layo ng iniisip mo?”, tanong nito, pero hindi ko siya sinagot.
Nakatuon na kasi ang atensyon ko sa kalsada kung saan minamadali ko ang pagmaneho.
“Umuwi ako dito para balikan ka. Para maayos ulit ang relasyon natin. Pero sa kinikilos mo, halatang ayaw mo na. Bakit David, may iba na bang nagpapatibok ng puso mo?”, muli niyang saad na may kainisan.
Sa pagkakataong ito, nahinto na ang kotse ko sa harap ng gate nila.
“Pwede ka ng bumaba.”, sambit ko na hindi siya tinitingnan sa mata.
“Teka nga lang, ang okay pa natin kanina ha? Tapos ngayon, halos hindi mo ako imikin. Ni hindi mo rin sinagot ang tanong ko. Ano bang problema?”, wika nito na medyo malakas na ang pananalita.
“Wala.”,
“I don’t believe you. I know there’s something wrong na gumugulo sa utak mo. But I hope, hindi babae ‘yan.”, pahayag niya dahilan para aminin ko na ang totoo.
Hindi kaya ng konsensya ko na itago si Kate at ang anak namin na si Michael.
“I lied, Katrina.”, bigkas ko sabay titig sa kanya.
“Huh? What do you mean?”,
“May girlfriend na ako. And actually, siya yung nakausap mo kanina. Pasensya na kung nagsinungaling ako.”, paliwanag ko para hindi na ito mangulit pa.
“Are...


y-you joking? Kasi kung joke ‘yan, hindi nakakatawa ang biro mo.”, utal nitong sabi.
“I’m sorry.”, Ito lang ang tanging lumabas sa labi ko.
Pero kapalit no’n ang biglaang pagpatak ng luha niya.
Umiyak si Katrina sa harapan ko mismo, na sobrang kinahihina ko.
“A-ang daya mo David. Wala kang isang salita.”, naiiyak na turan niya.
Gusto kong punasan ang luha ng dalaga, kaso hindi ko magawa. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang binibitaw ang mga salitang nagpapalungkot sa akin.
“P-pumunta ako ng abroad para sa’yo, p-para matanggap ako ng mommy mo. Inuna ko ang career ko dahil yun ang gusto ni tita. Hiniwalayan kita David, para ayusin ang buhay ko. Pero ni minsan, hindi ko naisip na ipagpalit ka sa iba. I focus on my career na future nating dalawa. Samantalang ikaw, m-masaya ka sa panibago mong girlfriend?”, wika nito na tila sinusumbatan ako.
“Ang unfair mo David! Sobrang unfair mo! K-kung alam ko lang na wala na akong babalikan, s-sana hindi na lang ako umuwi ng Pilipinas. Ang sakit.”,
Damn it! Nasaktan ko siya.
Nasaktan ko siya sa maling paraan.
Hindi ko kasi inalam ang rason ng hiwalayan namin.
Basta ang tanging alam ko, iniwan niya ako. Pero si mom pala ang dahilan ng lahat.
“And d-do you remember this?”, tanong niya nang ilabas ang singsing na ginawa niyang kwintas.
“B-bigay mo sa akin ‘to. Ang sabi mo, magpapakasal pa tayo. Ang sabi mo, ako pa rin ang m-mamahalin mo, kahit anong mangyari. P-pero nasaan na ang pangako mong ‘yon? Paano natin ‘to matutupad kung bumitaw ka na?”, she asked again while crying.
But this time, I wipe her tears.
Marahan ko na rin siyang niyakap para mapagaan ang loob niya.
“Tutuparin ko pa rin ‘yon, Katrina. Kaso nga lang, hindi na sa’yo. Dahil nangako na rin ako sa kanya. At may nangyari na sa aming dalawa.”, saad ko rito.
Sinabi ko na ang totoo, nang sa gano’n hindi na siya umasa pa.
“H-hindi ko yata makakaya na makita ‘yon, David. H-hindi ko kaya na mapunta ka sa iba.”, tugon niya na habang yakap-yakap ako.
Hinaplos ko ang likod niya at muling nagsalita.
“I know Katrina. Alam kong mahirap para sayo na makita ‘yon. Pero mahal ko kasi ang girlfriend ko ngayon. At plano ko na ring magpakasal kami.”, pagsasambit ko.
“K-kung ‘yan ang desisyon mo, h-handa akong tanggapin kahit masakit. But always remember, I’m here beside you. P-pwede mo akong lapitan kapag may kailangan ka.”, pahayag nito.
Hindi ako nagsisi na minahal ko rin siya dati.
Katrina is an ideal girl also. And she deserve better.
Alam kong mahahanap niya rin ang lalaking nakatadhana sa kanya.





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. sana magustuhan ng mama ni david c kate…..๐Ÿ˜ต

Leave a Reply


top