WHEN SHE RULED (The queen is back)


Author: yrstrly
Genre: action, thrill, romance, teen-fic
PROLOGUE
“Mr. Feller? Ano hong ginagawa niyo dito?,” takang-tanong ko nang makita siyang nakaupo sa sala namin.
Tumayo siya para pormal akong harapin.
“Andito ako para…alokin kang bumalik ulit sa University, Hellviana,” deritsong sabi nito.
“Ayoko,”
“P-pero Hellviana, k-kailangan ka ng OHU..,” Aniya, tila kinakabahan.
Ilang saglit ang lumipas bago ako nagsalita. “Wala na ‘kong pakialam sa University, Mr. Feller. Kung ‘yan lang ang ipinunta mo dito, makakaalis ka na,” walang alinlangang sabi ko saka siya tinalikuran.
“Q-queen~,”
Isang salita na nagpatigil sa’kin. Napalunok ako.
“A-ang grupo nila Rios….bumalik sila,” Dugtong ni Mr. Feller. Agad akong napalingon sa sinabi...


niya.
“Anong sabe mo?,” Di makapaniwalang ani ko. “Ang Death Phantom, nasa University,?” Dugtong ko sa sinabi.
Tumango siya bilang sagot. Ngumisi ako at napatawa ng mahina dahilan para magulat siya. Siguro inaasahan niyang magagalit ako sa balita niyang dala, pero hindi.
“Nice, buhay pa pala ang gagong ‘yun,” sabi ko saka napabuntong hininga.
“Q-queen~,”
“Bumalik ka na sa University,” seryosong utos ko sa kaniya.
“P-pero—”
“Sabihin mo sa lahat..” sadyang putol ko sa sinasabi, at matalim siyang hinarap.
“The Queen Is Back,” sabay kindat ko at ngumisi.

I’m Reign Hellviana Houston. The Queen of OHU.
Kapag ako namuno, lahat yuyuko….
TO BE CONTINUE…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top