๐ ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฉ๐ ๐ ๐ง๐ฅ๐๐จ๐ ๐
Written by: Ashy Bell Writes
Wattpad: MsAshyBell
//๐ป๐๐๐ ๐๐๐
๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
//
“Mahal.” Tawag mo sa girlfriend ko. “May niluto akong pagkain para sayo. Tikman mo dali.” Dugtong ko pa. Lumapit naman siya sa akin at hinihintay ang susunod kung sasabihin.
Nasa bahay namin siya palagi dahil nag-iisa nalang siya sa bahay niya dahil ulila na ito. Si mama na rin ang nagsabi na mas mabuting dito siya para masigurado ang kaligtasan niya.
“Hindi ka naman siguro allergic sa hipon ‘di ba?” Pagtatanong ko sa kaniya dahil baka mamaya ay allergic pala siya ay baka kung ano pang mangyari sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay yumuko lang.
“Mahal, tinatanong kita. May allergic ka ba sa hipon?” Malumalay kung tanong ulit sa kaniya.
“May allergic ako.” Halos bulong na niyang sagot sa akin.
Inilapag ko ang platong pinaglagyan ko ng niluto ko, hindi pa ako nakakapagsalita ay biglang niyang kinuha ‘yung platong inilapag ko.
“K-Kakainin ko nalang para hindi sayang!” Ramdam ko ‘yung takot sa boses niya at napansin ko rin ‘yung kamay niyang nanginginig.
Susubo na sana siya nang agawin ko sa kaniya ang kutsara.
“Mahal! Hindi mo kailangan kainin, may allergic ka d’yan! Bawal sayo kaya ‘wag mong kainin!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses dahil sa ginawa niya.
“I-I’m sorry, Mahal. A-Ayaw kung magalit ka sa akin p-paghindi ko kinain ang niluto mo.” Nanginginig nitong sabi.
Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan ito. “Mahal, hindi ako magagalit, okay? Mas magagalit pa ako pagkinain mo ‘yung alam mong may allergic ka.”
“Pasensiya na, Mahal.” Paghingi niya ng tawad.
“Okay lang, ipagluluto nalang kita ng iba. Yung hindi ka allergic.” Nakangiting sabi ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang noo para mapanatag na siya.
**
“ABEGAIL!” Naisigaw ko ang pangalan ng girlfriend ko dahil sa gulat nang makarinig ako ng basag na baso mula sa kusina.
Dali-dali akong tumakbo papunta doon...