“LADIES and gentlemen, I would like to present to you the new face of Garden of Eden….”
Pinindot ni Sam ang Enter button sa keyboard at sa pamamagitan ng projector ay lumabas ang napaka-gandang mukha ni Aica sa white cloth. Magdamag na ginawa niya ang powerpoint presentation na iyon dahil gusto niyang makita ng lahat kung gaano kaganda ang modelong kinuha niya. Gusto niyang bago lumabas si Aica para pormal na ipakilala niya ay makita na muna ng mga ito ang magiging papel nito sa kompanya.
“Stolen shots pa lang ang mga iyan,” paliwanag niya habang isa-isang lumalabas ang mga larawan ni Aica. “Kinunan ko siya ng litrato nang hindi niya nalalaman. But look, she’s natural. Kagaya ng ating mga produkto, she’s fresh, she’s vibrant, and she’s young.”
“Saang modeling agency nanggaling ang modelo mo? Is it a prestigious modeling agency?” tanong ni Roselyn na alam niyang sinadya ang tanong para gumawa ng intriga sa ibang naroon.
“No. Isang advantage na hindi nagmula sa anumang modeling agency ang modelong ito dahil nakatitiyak tayo na hindi pa nakita sa kahit anong ad ang mukha niya. She will be exclusive to us.”
“I think mas makakatulong sa produkto natin kung isang modelo ang kukunin natin as product endorser. May followers na kasi. And everyone would want to be like her—–pretty and famous. Sino ang magkakagusto sa isang unknown?”
“Malaki ang tiwala ko na with the help of our creative team ay makikilala ang mukhang ito kasabay sa pagkilala ng consumers sa ating mga produkto. Ang kailangan natin ay isang epektibong advertising campaign.”
“I agree with Sir Sam,” sabi ni Winnie, head ng creative team na inatasan niya para sa promotion. “Hindi natin kailangan ng isang modelong kilala na. We need a fresh face. At saang anggulo man tignan ang mukha ng modelong ito ay napakaganda niya.”
“We all agree,” sabi ng lima pang kasama nito sa team.
Ang head ng ibang department ay sumang-ayon din sa naging desisyon niya. Maliban, siyempre, kay Roselyn.
“This is absurd! Bakit ba ayaw ninyong makinig sa akin? Jinx ang babaeng iyan! Hindi ko ipinapanalangin, pero parang nakikini-kinita ko nang malulugi ang kompanya natin dahil sa maling desisyon na gagawin mo!”
“Kung wala kang nagandang masasabi, Miss Allequir, makakalabas ka na!” bulalas ni Sam. “Get out now!”
“Pagsisisihan mo ang desisyon mong iyan, Sam!” banta ni Roselyn bago nagdadabog na lumabas ng conference room.
“I’m sorry. Mainit lang siguro ang ulo...