Ano ang kahulugan nang pagiging martyr para sayo?
Martyr na ba ang nagmamahal ka pa rin kahit nasasaktan at niloloko ka na?
Martyr na bang tawagin kapag ayaw mo syang iwan dahil mahal mo pa rin sya?
“Sige na mare. Iiwan na muna kita hah, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka”, tumango ako at ngumiti nang pilit.
Kakalibing lang namin sa bangkay ni papa kanina. Kanina ko pa inaantay si john pero hindi ito sumipot.
Naisip ko na baka nandun na naman yun sa babae nya pero bakit nga ba ako nagpapakatanga?
Ako si Jaze, meron akong asawa si john. We have been together for almost a year.
Pero alam mo ba ang pakiramdam na habang tumatagal ang panahon ay nagbabago ang pakikitungo nito sakin?
Masakit man aminin pero “Dakilang martyr” ako kung tawagin nang lahat. Na kahit niloloko na ako nang asawa ko hindi ko pa rin ito magawang iwan.
Kamamatay lang nang papa ko nang malaman kong may ibang babae ang asawa ko.
“Walangya ka, akala ko pa naman mahal mo’ko, yun pala niloloko mo na ako”, uniiyak kong ani.
“Listen to me eunice, i dont love you anymore. Dont worry, aasikasuhin ko ang annulment paper natin, makikipaghiwalay na ako sayo”, ani niya at mabilis na umalis sa harapan ko.
I could do nothing but cry. Kilala ko si john, once na sinabi nya ay gagawin nya talaga.
Ilang araw ang lumipas at ang annulment na gusto ni john ay hindi ko na natanggihan, kahit labag sa loob ko ay wala akong nagawa.
“I told you dati palang na unahan mo na si john, tingnan mo tuloy ang nangyari sayo. Para kang aso na habol nang habol, ewan ko nga sayo eh, bakit napaka martyr mo. Kahit harap harapan ka nang niloloko hindi mo pa rin magawa gawang iwan at kahit naman siguro gumawa nang milagro ‘yang asawa mo at ang kabit nya sa harapan mo, wala ka pa ri’ng pakialam. Jusko eunice, gumising ka nga”, sermon nang kaibigan ko.
“Ayoko kasing lumaki ang anak ko nang walang tatay. Naaawa ako sa kanya, panu nalang kami”, umiiyak kong ani.
“Naaawa ka nga sa anak mo pero mas maawa ka sa sarili mo kasi nang dahil dyan sa pagiging martyr mo pati pagkatao mo, inaapakan na. Halika nga dito, halika”, malakas na sigaw nya at hinila ako mula sa pagkakaupo at dinala sa harap nang malaking salamin nang salon nito.
“Look at the mirror. Maganda ka eunice, matalino pero bakit ka nagpapakatanga. Nasa’yo na ang lahat, anong wala sayo na mayroon sa babae nya? halos lahat nasa’yo na, kaya di mo kailangang umiyak. Move on”.
Nang dahil sa payo nang malalapit kong kaibigan ay natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.
Tama nga sila, papaano ako makakabangon kung pilit kong tinatali ang sarili ko sa nakaraan, paano ako makakausad muli kung patuloy kong hinahayaan ang sarili ko sa sakit.
MAKALIPAS ANG LIMANG TAON
Maraming nagbago sa buhay ko, kahit sa pananamit ko at estilo nang pananalita at paglalakad.
Nagpursige akong tumayo sa sarili kong...