“hoy manang, wag mong sabihing pupunta sa school ng ganian? ” tanong ni Jiro sa dalaga, naroon parin ang pagkairita sa itsura nya.
“what’s wrong? It’s cool isn’t it? ” nakangising saad ni Alexa habang ang mga braso nya ay nakatuon sa ibabaw ng upuan ni Jiro na parang isang lalake kung umasta.
“arrrgh..”napalukot ang Mukha ni Jiro sa paraan kung paano sya kausapin ng dalaga.
“Isa pa, 21 lang ako at isang taon lang ang tandan ko sayo Bata kaya hwag mo akonh tawaging manang.” nakangising saad na naman ni Alexa.
“B-bata? “kumikibot-kibot ang kilay ni Jiro dahil sa itinawag sa kanya ng dalaga. “Are you kidding me! Are you kidding me! “sigaw nito tsaka inis na pinreno ang kotse “you should call me Master not Jiro at lalong hindi Bata! ! ” hindi naitago ni Jiro ang pagkainis nya halos naglabasan na ang litid sa leeg nya.
Ipinasok ni Alexa ang hinliliit ng daliri nya sa tenga nya. “ang ingay mo, kalalaki mong tao e” angal pa nya tsaka nya hinipan ang dulo ng daliri pag tanggal nya dito.
“ang Dugyot mo…” halos maiyak si Jiro sa ginawa ni Alexa. Hindi kasi ito sanay sa mga ganung senaryo.bumaba ang paningin ni Jiro sa mga binti ni Alexa na naka dantay sa ibabaw ng harapan ng kotse. “babae ka ba talaga? ” nakangiwing aniya.
Ngumisi si Alexa at akmang mag aalis ng sinturon. ” oh anong gagawin mo? ” nanlalaki ang matang tanong ni Jiro.
“bubuksan ko ang pants ko para ipakita sayo ang laman sa loob, para ikaw na din ang humusga kung babae nga ba ko. ”
” Hindi ako makapaniwala na ganitong klase ng Personal Guard ang makukuha ni Daddy! ”
“Hwag kang spoiled kapag kasama mo ko dahil hindi ko kukunsintihin ang mga kalokohan mo, tatawagin kitang master sa loob lang ng pamamamahay mo. ” seryosong saad ni Alexa.
“Oo na, Oo na… Pero yang suot mo, kailangan mong palitan baka mag takbuhan ang mga kaklase ko kapag nakita ka nila. ” iniliko ni Jiro ang kotse nya papunta sa Mall.
‘ VIRGO MALL ‘
“Good morning master.” yumuko ang guard na nasa harap ng entrance door ng mall para mag bigay galang kay Jiro.
Samantalang si Alexa ay Prenteng naglalakad lang kasunod nya habang naka pasok sa bulsa ang parehong kamay nya.
“nagulat ka ba?” maangas na tanong ni Jiro ng lingunin nya si Alexa.
“Hindi, bago ko pumunta sa mansyon nyo ay alam ko nang may limang mall na pag aari ang pamilya nyo, anim na five Star hotels mga yate sa palawan at...