Embracing The Darkness
πKABANATA 4π
Isang masamang panaginip na naman ang tumakot sa akin pagkagising ko. Kumakabog pa ang puso ko na parang tumakbo ako ng ilang kilometro. Minsan naalala ko ang napanaginipan ko ngunit may pagkakataong nakakalimutan ko din ang iba, tulad ngayon. Ang alam ko lang takot na takot ako at parang may tinatakasan na siyang ipinagtataka ko. Saan ba napupulot ng utak ko ang mga ganoong klaseng panaginip na may kakayahang balotin ako sa takot kahit sa pagtulog.
Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mumunting paghikbi, may multo ba dito? Nagpaparamdam ba sila Nanay, naku wag naman. Tatlong taon na din ang lumipas ng sila ay sumakabilang buhay ni Itay. Nabangga ang sinasakyan nilang motor ng isang malaking truck at naging sanhi ng tuloyang pang-iiwan nila sa akin. Mahirap noong una, pero kalaunan ay pilit kong tinanggap ang masakit na katotohanan at pinagpatuloy ang buhay ng mag-isa. Muli ko na namang narinig ang pag-iyak ng kung sino man. Nang maalala ko na baka si Maalindog iyon ay dali dali ko na siyang pinuntahan sa kaniyang silid. Naabotan ko siyang nasa isang sulok, umiiyak, magulo ang buhok, may galos at pasa sa braso at maging sa mukha. Agad ko siyang dinaluhan, yumakap naman ito sa akin ng mahigpit nang makita niya ako.
“Sssshhh..anong nangyari? Sabihin mo sa akin at bakit may mga galos ka? Saan ka ba nagpunta?” nagaalala kong tanong dito habang hinahaplos ang magulong buhok niya.
“A-ate a-ayoko na…A-yoko na A-ate.” Umiiyak nitong sabi sa akin. Biglang sumakit ang ulo ko ng marinig ko ang hirap ni Maalindog, parang may mga malabong imahe gustong kumawala sa isipan ko. Napapikit ako ng mariin at napadiin din ang yakap ko kay Maalindog. Parang minamartilyo ang ulo ko, kaya naman huminga ako ng malalim baka sakaling maibsan ang pananakit nito. Naging epektibo naman ang ginawa ko.
“Bakit? Hihintayin sana kita kaso sabi nila sa akin, inuwi ka daw ng costumer mo. Anong nangyari Marie?” tinawag ko na siya sa pangalan niya at mukhang hindi tamang tawagin ko siyang Maalindog ngayong may pinagdaanan siyang hirap dahil sa trabaho namin.
“A-ate please ayoko na…M-may binigay sa akin si Madam na c-costumer, malaking lalaki. G-gusto daw niya kong itake out a-ayoko n-nagmakaawa a-ako h-habang nasa table k-kami. P-pero wala din akong nagawa noong lumapit siya kay M-madam sa c-counter. N-nagmakaawa a-ako sa kanila kahit k-kay Madam p-pero pinabuhat niya ko sa bouncer A-ate.” putol-putol na pagkukwento niya sa akin habang humagulhol na ng iyak. Kahit ako ay naluluha na habang yakap siya at pinapatahan.
“T-tapos dinala ako noong lalaki sa parang barracks doon niya ko p-pinagsamatalahan. N-nanlaban ako pero s-sinaktan niya ko..b-binugbog niya ko..K-kaya wala akong n-nagawa, akala ko matatapos na ang bangungot ko p-pero h-hindi A-ate. M-may d-dumating p-pang limang lalaking kasamahan niya. P-pinagtulongan n-nila ako, b-binaboy nila ako…” Nagulat at naawa ako sa kaniya sa mga sumunod niyang sinabi.
“P-paanong nangyari iyon? Sinabi mo ba ito kay Madam?”
“Oo. Pero sabi niya wala daw na siyang magagawa, malaki daw ang binayad pero wala sa u-usapan iyon. W-wala daw a-akong h-habol kasi ‘di ko kilala iyong mga iyon. T-tsaka baka daw t-tawanan lang ako nang mga pulis kapag nagsumbong ako kasi nga p-pokpok a-ako…A-ate anong g-gagawin ko?” tumingin ito sa akin na may mga luha pa sa mata, bakas sa mukha niya ang hirap at takot na pinagdaanan. Wala talagang maitutulong ang pulis sa mga ganitong kaso. Aaasa pa ba sila eh, bukod sa uri ng trabaho nila, sila pa mismong alagad ng batas ay gumagamit din ng bayaring babae tulad nila.
Wala akong maisip na paraan para matulungan siya, wala akong ganoong kalaking halaga para mabayaran ang utang niya at makatakas siya sa kamay ni Madam.
“Wala pa akong maisip na solusyon sa ngayon Marie, maging matatag ka. Hahanap tayo ng paraan pero magpalakas ka muna. At kakausapin ko si Madam hinggil dito kung hindi man tayo makakuha ng hustisya at least mabawas man lamang sa utang mo ang paggamit sa iyong ng apat na lalaki pa. Sa ngayon kumain at matulog ka muna para makapagisip tayo ng paraan. Kumain ka na ba?” Umiling ito kaya naman inakay ko siya sa kusina at pinaghanda ng pagkain sa lamesa. Nanonood lang ako sa kaniya habang umiiyak na kumakain. Gusto ko mang sabihing magiging ayos din ang lahat na matatapos din ito ngunit hindi ko iyon masabi. Dahil alam naming hindi pa dito nagtatapos, nagsisimula pa lang ang kalbaryo na susuongin niya. Matapos iyon ay ginamot ko ang mga galos at sugat niya sa katawan.
“Marie…saan mo nilagay iyong gamot na binigay ko sa iyo? Uminom ka ng isa para hindi magbunga ang kahayopang ginawa nila sa iyo. Baka maging problema pa iyan kapag hindi agad natin inagapan.” Nanlalaki ang...