FALLING IN LOVE WITH CHEF VANNI”
continue,,,,,,
chapter 1
“pare, alam mo ang gawin mo riyan kay madi, ngitian mo lang, sabay kindat. use your charm,” suhestiyon sa kanya ni victor.
“gusto mo bang ma uppercut na naman ‘yan? kaya nga nasapak ‘yan dahil nginitian niya si… Ano nga uli ang pangalan ng pinsang ‘yon ni olay?” tanong ni justin.
“madi,” sagot ni victor.
“ayos, ahh, alam mo agad ang pangalan,” sabi ni jared.
“siyempre!”
“hoy! teka, may sinasabi pa ‘ko,” saway ni justin at saka siya tiningnan nito. “kaya ka nasapak ay dahil nginitian mo si madi. kaya huwag kang basta basta ngingiti kung kani kanino. mabuti sana kung kagaya ka ni victor na inoos
rasyunan ang sarili bago lumabas ng bahay.”
“kailangan sa buhay yan, pare. how can we attract girls kung walang ganoon?” depensa ni victor.
“fine. wala na akong sinabe,” ani justin.
“ang gulo nyo! lalong rumakit ang ulo ko!” reklamo niya. tinawag niya ang isa sa mga crew niya. nakatambay pa rin...