” Bakit ganyan ka kung makatingin sakin?” Nainis man si Yssa pero hindi na lamang niya pinahalata kay Rodney. Baka kasi akalain nito na hindi totoo ang lahat ng sinabi niya sa huli noong isang araw. Kinalimutan na nga raw niya ito.
” Bigla ko lang naisip.”
” Ang alin?”
” Na kung ok pa sana tayo ngayon,hindi malabong masundan ang anak natin.”
” Sira ulo ka!” Pero hindi rin niya napigilan ang damdamin. Nagalit siya ng bahagya sa lalaking kasama nya ngayon nang magkahiwa hiwalay sila. Kung sana si Larry ang nakasama niya,komportable sana siya.
” Yssabel. Pinaalala mo sakin kagabi ang nangyari sa atin noon. ” Hayag ni Rodney.
” Tigilan mo ko,Jr. ” Ito ang tawag ni Yssa sa kanya.
” Ganoon na ganoon ka rin noon kung natutulog. Maamo ang mukha. Natukso tuloy akong halikan ka kagabi.” Pag amin ni Rodney. Hindi niya kasi napigilan ang sariling damdamin kagabi nang isinandal niya sa kanyang balikat ang ulo ni Yssa upang alalayan sa pagtulog.
” Ano?! Ginawa mo yon nang hindi ko alam?! Sira ulo ka talaga!” Kumilos si Yssa. Pinaghahampas hampas niya si Rodney gamit ang kanyang mga kamay.” Walang hiya ka! Sa kabila ng mga ginawa mo sakin,nagagawa mo pa rin akong paglaruan!”
” Aray!! Ano ba?! Sandali naman! Aray!” Panay sangga naman si Rodney sa mga kamay ni Yssa na para walang balak na tigilan siya sa paghampas.
” Walang hiya!”
” Teka lang!” Nahawakan ni Rodney ang magkabilang braso ni Yssa. ” Kung sinabi ko sayo,papayagan mo ba ako?! Alam kong mali ang ginawa kong paghalik sayo kagabi,Yssabel. Pero patawarin mo ko kung hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko. Mahal kita. Mahal kita noon at hanggang ngayon. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko kahit na alam kong abot langit ang galit mo sakin dahil iniwan kita sa ere. Iniwan kita sa mga panahong nahihirapan ka. Pero Yssabel..nahirapan rin ako. Alam kong buntis ka noon pero mas nangibabaw sakin yung pagkaduwag ko at takot. ”
Unti unti nang ibinaba ni Yssabel ang kanyang mga braso at kamay. Umiwas ng tingin kay Rodney.
” Yssabel. Kahit naman iniwan kita,sinigurado ko pa rin na may malaman man lang tungkol sayo. Pero kahit na si Leslie,hindi niya alam kung nasaan ka. Hindi kita masisisi kung kamuhian mo ko. Pero sana…sana man lang…ipakilala mo sakin ang anak natin. Kahit na…kahit na makita ko lang siya buhat sa malayo. Kahit na..kahit na…hindi na kita maaaring mabawi pa.”
Panay ang pagsasalita ni Rodney. Pero panay rin ang pagluha ni Yssa. Bumalik yata ang lahat ng sakit na naramdaman niya noon sa mga sandaling iyon.
” Yssabel …..” Mahinang sambit ni Rodney. ” Ayusin natin to. Pakiusap…”
Tiningnan ni Yssa si Rodney. Nakikita niyang nagsisisi na nga naman ito sa lahat ng ginawa niya.
” Yssabel..hindi ko pinagsisihan na hinalikan kita kagabi. Na miss kita. Hindi ko nga akalain na magkita pa tayong muli gayong napakatagal na ng panahong nakalipas. ”
” Mahal mo pa ba ako?” Diretsong tanong ni Yssa sa kanya.
” Kasasabi ko lang,Yssabel. Oo. Mahal pa kita. Mahal na mahal kita.”
” Pwes….hayaan mo na ako,Jr. Ayokong masaktan mo pa ako ulit. Tama ng binigo mo ko noon. Ayoko ng maulit pa iyon.” Pakiusap ni Yssa na nag uunahan sa pagtulo ang kanyang mga luha sa mga mata.
” Yssabel….” Pagsusumamo naman ni Rodney.
” Masaya nako na wala ka sa tabi ng anak natin. Ayokong isumbat sayo ang lahat ng sakripisyo ko sa anak ko. Bilang ina niya,obligasyon kong palakihin siya ng tama. Hindi mo na kailangan ipagpilitan ang sarili mo sa anak natin.”
” Hindi! ” Kinuyom ni Rodney ang kanyang mga kamao. ” Hindi ako papayag na hindi niya ko makilala. Yssabel naman. Pakiusap…kung kailangan kong lumuhod sa harapan mo,gagawin ko. Mali ako,alam ko yon! At pinagsisihan ko na iyon ng buong buhay ko!”
” Ayoko! Ayokong makilala ka niya....