HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 4
Linggo ngayon kaya walang pasok si Keziah pero ang aga aga ay katok ng katok sa pintuan niya ang mama niya.
“Anak bumangon ka na diyan!!!” sigaw nito sa kanya pero sa malambing na boses.
“Ma wala akong pasok ngayon ang sarap pang matulog, mamaya na po ako babangon” paliwanag niya sa mama niya.
“Anak hindi naman kita gustong gisingin pero may bisita ka sa baba at kanina pa naghihintay sayo, di mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala” natatawang sabi ng mama NI Keziah kaya bigla siyang bumangon at binuksan ang pintuan.
“Ma sino po yung nasa baba?”
“Sabi nito boyfriend mo siya kaya ayun kausap ng tatay mo, kanina pa yan nag-iintay” sabi ng mama niya. Malamang ang boss niya ito, bakit ba kasi siya pumayag na maging fake girlfriend nito.
“Sige ma bababa na po ako, magbibihis lang po” sabi niya sa mama niya.
“Nak, nagtatampo ako sayo may boyfriend ka na pala, di ko manlang sinabi sa amin ng tatay mo.” kunyaring nagtatampo ang mama niya.
“Kwento ko sayo mamaya ma” sinirado niya ulit ang pintuan.
“Ahhh nakakainis ka boss Drake mababalatan kita ng buhay!!!” sigaw niya.
Dali dali siyang nagpunta sa C. R at nag-ayos ng mukha niya. Di siya pwedeng mukhang ewan sa harapan ng boss niya/fake boyfriend niya dahil sa pangungulit nito.
Pagbaba niya nakarinig siya ng tawanan.
” Di ka ba nagkamali na pinili mo ang anak namin, walang makatagal sa katarayan niyan” natatawang sabi ng papa niya habang kausap ang boss niyang si Drake.
“Mabait naman po ang anak niyo and she’s a good secretary of mine” sabi ng boss niya.
“So ikaw din ang boss ng anak namin?” tanong naman ng mama niya.
“Ako nga rin po” magalang na sagot ng boss niyang si Drake. Baka saan pa mauwi ang usapan kaya lumabas na Si Keziah at hinarap ang mga ito.
“Keziah naandito ang boyfriend, bakit di ko sinabi sa akin ng mama na may boyfriend ka na pala?” maawtoridad na sabi ng tatay niya pero hindi naman galit.
“Pa magpapaliwanag po ako” gustong sabihin ni Keziah ang totoo sa mga magulang niya dahil hindi naman talaga totoo ang pagiging girlfriend niya rito at masama ang magsinungaling.
“OK na anak, nasabi na lahat sa akin ng boyfriend mo at mukhang hindi naman niya naman gagawin na lokohin ka, diba Iho?” tanong ng tatay niya sa boss Drake niya.
“Oo naman po, di ko po paiiyakin ang anak niyo, diba ba babe?” sabi nito sa kanya. Kung pwede niya lang sanang sakalin ito sa harap ng magulang niya ay ginawa na niya.
“Pa, Ma kakausapin ko lang po ang boyfriend ko, labas lang po kami” sabi ng Keziah sa mga magulang niya at hinigit ang boss niya palabas ng bahay.
“Boss naman, ano ba itong ginagawa mo ha?!” sigaw NI Keziah pero tinawanan lang sya nito..
“Dinadalaw ang girlfriend ko” sabi nito at ngumisi. Hinampas niya naman ito pero tinawatawanan lang siya.
“Diba sa harapan lang naman ng mommy mo tayo magpapanggap?! Anong trip mo at ginagawa mo ito ha?! Aasa na naman sila papa at mama niyan!!! Bwisit ka kasi!!! Dapat di na ako pumayag na magpanggap na girlfriend mo!!! Kainis ka!!!”nailabas niya na ang iritasyon niya. Ayaw niya kasing umasa na naman ang mga magulang niya na may lalaking na talagang seseryoso sa kanya.
” Aasa na ano? “tanong ng boss Drake niya.
” Wala ka na don”sagot niya dito.
“Aasa na naman sila na may lalaki ng seseryoso sa akin at hindi ako iiwan!!! Lalaki na mamahalin ako at hindi ipagpapalit!!! Lalaki na para sa akin!!! Lalaki na panghabangbuhay ko ng makakasama...