Masayang masaya na ang magkakaibigan dahil sa wakas ay natapos na din ang problema.
Magkakasama sila ngayon papunta sa surprise wedding nina Lance at Sab.
Surprise dahil ang alam ni Sab ay binyag lang ng anak nila na si Baby Renz ang magaganap.
Alam nilang dalawa ni Cassy ang plano ni Lance dahil sila ang nagdesign ng gown ni Sab.
Napag usapan lang nilang magkakaibigan na kung ikakasal sila ay sina Cassy at Xandie ang gagawa.
Kaya wala ng naging problema dahil alam na nila ang gusto ng bawat isa matagal na.
Kumpleto silang magkakaibigan.
Natupad ang kahilingan ni Lance na kapag ikinasal sila ay bati na ang dalawa.
Matapos ang garden wedding ay si Xandie ang nakasalo ng bouquet ni Sab.Kaya kantyawan sila na ito na ang susunod.Kaya naman binato na lang ni Lance sa kaibigang si Markus ang garter.
Walang pagsidlan ang saya ng mga naroroon sa kasalan lalo pa’t panay biruan ang maririnig mo sa kanila.
“Uy alam na this kung sino na ang susunod.”
“Oo nga kaya bilis bilisan nyo na ang kilos nyo.”
“Dapat gayahin nyo itong dalawang ikinasal,mamaya binyag naman ang isi celebrate natin.”
“Hahaha…๐”
Kakatapos lang ng problema nilang magkasintahan,ready na ba syang mag asawa.Tsaka wala pa namang pinapahiwatig ang nobyo nya na gusto na nga nitong magpakasal.
Isa pa gusto nya pang makapunta ng Paris,para magpakadalubhasa sa pagdesinyo ng damit.Isa ito sa pangarap nya na magkaroon ng clothing line at makilalang isang sikat na fashion designer sa buong mundo.
Kaya habang nasa sasakyan sila pauwi ay nasabi nya ito sa nobyo.
“Love papayagan mo ba akong umalis ng bansa para mag aral ulit.”
“Bakit pa...