Author: Ren Salazar
Araw ng pagbalik ni Schiyev sa maynila. Tapos na kasi ang isang linggong bakasyon niya kasama ang kanyang ina.
” Nay, ano kaya kung doon ka na po kina Rhea tumira. Magkalapit naman po yung pamilya natin sa pamilya nila.” Saad niya habang patuloy niyang iniimpake. Tumigil saglit at hinarap ang ina.” Eh…nag aalala po kasi ako sa inyo. Matanda na po kayo at nag iisa lang dito. Baka kung may mangyaring masama sa inyo ,hindi ko malalaman agad. Mas mabuti nang kina Rhea ka po para may titingin po kayo at para may kasama na rin po tatay niya’t mga kapatid.”
” Hay Naku anak. Ano bang balak mo? Gawing love team kaming dalawa pati nung tatay ni Rhea? ” Biro ng kanyang ina.
” Hindi naman po sa ganoon. Saka matanda na po kayo para sa mga ganyan. Ang sakin lang ay para may kasama ka po.”
” Anak..” lumapit ang kanyang ina sa kanya.” Hindi ko kailangang lumipat ng bahay. Dito lang ako. At saka…binibisita naman ako ng kaibigan mo lagi. Kaya,huwag ka ng mag alala.”
” Oo nga naman,Aning! Nandito ako para tulungan ka kay nanay.” Sabat ni Rhea. Hindi nila namalayan na pumasok na pala ito sa kanilang bahay.
” O! Bakit nandito ka?” Pagtatakang turan ni Schiyev. ” May trabaho ka diba?”
” Nagpaalam akong mag halfday. Gusto ko kasing maihatid ka.”
” Mabuti naman,Rheang. May kasama akong iiyak kapag aalis na ang kaibigan mo.”
” Nay naman. Huwag nyo naman po akong baunan ng iyak. Babalik rin naman ako kapag libre po uli ako. ”
” Alam ko naman yon. Hindi mo talaga maiaalis sakin na umiyak kasi malalayo ka na naman sakin. Mag ingat ka ha. ”
” Opo..”
” Tara na nga. Para hindi ka gabihin sa byahe.” Sabat ni Rhea. Ito pa ang nagbitbit ng dala niyang bag na maliit.
Matapos maihatid ng ina at ni Rhea si Schiyev,hinatid muna ni Rhea pauwi ang ina ng kaibigan. Habang si Schiyev,nakasakay na at pabalik na sa Maynila. Medyo malayo ang byahe kaya umidlip muna siya. Maya maya ay nag stop over ang bus na sinasakyan upang bigyang daan ang mga pasahero na umihi at bumili ng ilang pagkain para sa byahe.
Tiningnan ni Schiyev ang kanyang relo,naalala niya na ala una ng hapon ang sinasabing blind date ng lalaking kausap niya nung isang araw. Hindi na muli ito tumawag sa kanya pagkatapos non.
Ilang oras pa naman kaya umidlip uli siya. Hindi kasi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa hindi maalis alis ang kanyang pag aalala sa ina.
Alas dose na ng marating ni Schiyev ang Maynila. Isang oras bago ang takdang blind date kuno.
Dahil sa kapos ang oras,dumiretso ang dalaga sa lugar kung saan niya tatagpuin kuno ang ka blind date ng lalaki. Kasi yun ang nasa isip niya. Inisip niya na kailangan siya para ipaliwanang ang nangyari.
Nag aalangang pumasok ang dalaga nang marating ang lugar na iyon. Napakalaki at sa tingin niya ay pawang mayayaman at kilalang tao lang ang dumadayo sa lugar nato.
” Tama ba ako ng pinuntahan?” Tanong niya sa sarili.
Pero dahil sa naka oo siya sa lalaki,pumasok na rin siya. Hindi nga siya nagkamali. Marami siyang nakitang tao na disente at maayos kung manamit.
Ano nga ba ang suot niya? Isang fitted black jeans at maluwag na t shirt. May dalang bagpack sa likod maliban sa maliit na maletang bitbit. Nakalugay na buhok at simpleng lipstick lang ang gamit. Pero wala na siyang salamin na suot ngayon di gaya dati.
” Ahmm…excuse me,Miss…”alanganin niyang saad.
” Miss Schiyev Lopez?” Hula sa kanya nung waitress.
” O! Alam mo pangalan ko?”
” Yes ,maam. Tumawag po si Mr. Bekket Choi kani kanina lang. Tinatanong po kung dumating na po kayo.”
” Ah…ganoon ba? Hindi ba nakakahiya tong porma ko? I mean. Karamihan kasi na nandito,halatang mayayaman.”
” Sinabi na rin po sa amin ni Mr. Choi yan kaya sumunod po kayo sakin sa itaas. ”
(” Ano bang alam ng lalaking iyon tungkol sa kin,eh hindi naman kami magkaibigan.” Bulong niya )
” Po? Bakit po?”
” May binili pong damit si Mr. Choi kahapon at idinaan po rito. Ibinilin rin po na ipasuot po sa inyo,maam.”
” Ha?!” Gulat na gulat si Schiyev sa nangyayari. Tila naguguluhan. Bakit niya kailangang magbihis eh,nandito lang naman siya para magpaliwanag. ” Nagkakamali po yata kayo ,Miss. Hindi naman ako yung ka blind date ng Mr. Choi na sinasabi mo.”
” Ikaw si Miss Schiyev Lopez diba ? Sabi mo pa nga kanina.”
” Opo,pero…..”
” Well,then. Sumunod po kayo sakin para hindi po ako masisante sa trabaho.”
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa waitress. Nagtatrabaho rin siya kaya naiintindihan niya na ginagawa lamang nito ang nakaatang na trabaho.
Nasa second floor na sila ngayon. Sunod sunod lang si Shiyev sa waitress hanggang sa pumasok sila sa isang kwarto. Dala niya pa rin ang kanyang gamit.
” Heto po,maam. ” Binigay sa kanya ang kulay pulang whole dress na hapit na hapit sa kanyang katawan.
” Sigurado ka bang susuotin ko to? Eh,sa tingin ko ,hindi ako makakahinga ng mabuti dahil sa tingin ko pa lang,fit na fit na.”
” Isukat nyo lang po,maam. Pero sa tingin ko,kasya naman po sa inyo dahil sa payat po kayo.”
” Ah…..sige.” tumango tango na lang si Schiyev sa kausap.
” Maiwan ko na po kayo dito sa loob. Nasa labas lang po ako at maghihintay.”
” Salamat.”
Lumabas na ang waitres. Si Schiyev naman ay itinaas sa ere ang hawak na damit. Tinititigan ng mabuti at nagpa iling iling.
Hindi siya sanay sa magsuot ng ganitong klaseng damit na hapit sa kanya. Hanggang ngayon nga ay nalilito pa rin siya sa biglaang nangyayari. Pero para matapos na,sinuot niya na lamang ito.
Iniwan ng dalaga ang kanyang gamit at lumabas pagkatapos magbihis.
” Bagay naman po sa inyo ,maam.” Puri ng waitress na nasa labas lang nga talaga at hinihintay siyang matapos.
” Salamat. ” Tipid niyang sagot.
” Tara na po sa baba. Tumawag po si Mr. Choi,on the way na raw po siya. ”
Sumunod muli si Schiyev sa babae. Para siyang star of the night sa mga oras na iyon kahit na tirik ang araw. Lahat nagsitinginan sa simple niyang kagandahan. Nahihiya man pero pinatatag ang sarili para hindi naman siya mahahahalatang galing lang sa simpleng buhay.
Hinatid siya ng waitress sa kanyang upuan.
” Maghintay ka na lang po dito,maam.”
” Sandali. Huwag mo na kong tawaging maam. Sa tingin ko,magka edad lang tayo.”
” Sorry po. Kailangan eh. Trabaho lang.”
” O..ok. salamat ulit.”
Madaling nainip si Schiyev kahit na wala pa sa kinse minutos siyang nakaupo.
” Nasan na kaya ang lalaking iyon. Hu….nakakahiya na ang ayos ko rito. Ayokong magkunwari na...