MAY PAG-ASA PA BA?π
BY:Sheπ
CHAPTER THREE
Authorπ
Walong buwan na ang nakalipas simula nang lisanin ni Jasper at Yana ang Pilipinas.Si Jhazz naman pilit na bumabangon at pinatatag ang sarili.Ika nga niya “it takes time to heal the pain but i’m deadly sure i can move on”.Sunod-sunod na ang photoshoot na ginagawa niya…my mga consumer at producer na rin siyang mga nakaka-sama…. minsan sa mga malalayong lugar na events or merong commercial photoshoot siyang gagawin nandoon rin ang mga kaibigan na ipinagpasasalamat niya na supportado siya ng mga kaibigan at sobrang ikinatutuwa din ng kanyang Ina ito.Aniya pa nga, mas oki na daw na busy siya para mabilis niyang makalimutan ang dating nobyo.Minsan umiiyak pa rin siya naguguluhan kung bakit bigla nalng nawala ang tatlong taon na relasyon nila.
Iniwan niya kay Ella ang kanyang photoshoot para sa mag dedebut dahil nagyaya ang dalawang kaibigan na mag beach daw sila.At sobrang thankful siya dito dahil gaya niya minomotivate din ni Ella ang kanyang sarili na magaya niya one day ang kanyang ate Jhazz.Ayaw niya sana sumama sa mga kaibigan kaso lang panay dakdak nina Precy at Ana na lagi nlng daw sila nirereject ng kaibigan kaya ayon pinagbigyan niya nalang ang mga ito.
Pagdating Palang nila sa Gate ng “Blue Moon Resort”gusto nang umuwi ni Jhazz.Pakiramdam niya nanginginig ang kanyang buong katawan nanlalamig na rin ang kanyang mga kamay.Hinawakan ng dalawang kaibigan ang kamay nito at nginiti-an siya ng mga ‘to ng may kahulugan.
For once Friend, kailangan mong bumalik sa realidad na kahit anong gawin mong pag iwas sa mga lugar na nag papaalala sayo ky Jasper ay hindi mo ito kayang tagu-an kailan man…pero naniniwala kami na kaya mo itong palitan ng mas maganda pang memories na “ikaw lang… na tayo lang”.Nawala ang gagong Jasper kasi tapos na siya sa pahina ng buhay mo.Pangangaral ng mga kaibigan.Ngumiti siya sa mga ito at nagyakapan at saka tuluyan na silang pumasok sa Resort.
“I PROMISE! FROM NOW ON I SET YOU FREE FROM MY MIND”bulong ni Jhazz saka pinanindigan nga ang kanyang sinabi.
Pagkatapos nilang mag enjoy kaka swiming umupo sila sa buhangin na nasa ilalim ng niyog.At doon ya napagdesisyunang edelet lahat ng photos at videos nila ni Jasper.
AKOY NAKALUTANG NA SA LANGIT.πΆπ€Pagkanta ni Ana ng makitang tulala ang kaibigan sa photo ni Jasper na nakangiti at labas ang maliit na dimple.
NGUNIT NALULUNOD SAYONG MGA NGITIπΆπ€Pagdugtong ni Precy na nagpahagikhik sa sarili nilang mga kanta.Inirapan sila ni Jhazz at blinock si Jasper sa fb.
Ayooon oh!We proud of you friend!!! sabay sabi ng mga kaibigan sa kanya ng makita kung ano ginawa nito.Lihim na natuwa ang mga kaibigan sa ginawang desisyon nito…alam kasi nila na kahit gaano ito nagpapagod sa work,kahit pinapakita nito na ang saya niya,na ang tapang-tapang niya,alam ng mga kaibigan ang sakit na dala-dala sa puso nito.Mahal na mahal nito si Jasper kaya nga hinahayaan nila...