“Good am mr.Mcgregor!”bungad ng isang malaking lalaki na mahaba ang buhok ..
Nasa pintuan ito ng mansyon ni Demon..
Habang ang lalaki ay kalmanteng nakaupo sa sofa at ang mga tauhan nito ay nasa likod lamang nya..
Lima ang lahat ng iyon at may hawak ng matataas na kalibre ng baril…
Habang ang mga bodyguards ni drake ay naroon sa kabilang bahagi ng upuan..
Dalawa ang nakaupo at tatlo naman ang nakatayo..
Ngunit ng makita nila ang lalaking nasa pintuan ay bigla silang nagulat ng saglit …
Ngunit bigla ring nakabawi ng..
“Nasaan si young master?”sabay titig ng matalim sa kanilang lima…
Ngunit hindi na hinayaan pang sumagot pa ni Demon ang mga kalalakihan dahil tumayo ito at naglakad palapit sa lalaking kararating lamang..
“Who are you???”may seryusong mukha kinuha nya ang baril na nasa gilid lamang niyong sofa..
“Im Moris,at sinusundo kuna ang young master,”nakipag titigan ito sa lalaki..
“Si rodolfo ang nagpadala sa inyo??”
“Yes sir!!”seryuso nyang sagot..
“Anung meron rito??”si sellina iyon nakakalabas lamang galing sa kusina…
Kinuha nya ang bata kay demon at tumabi sa asawa na ang mata ay naroon kay moris..
“Mrs.Mcgregor!si young master po ang hinahanap namin!”
“Bakit hindi ba kayo pwedeng maghintay?naroon lang sila sa taas….
Ng marinig iyon ni moris ay bigla itong gumalaw at nagsalita..
“Anu pang hinihintay nyo?sundan sa taas si young master!!”sigaw nito
Utos nya sa mga tauhan sa labas..at tauhang nasa tabi lamang nito..
May sampo ang lahat ng iyon…
Akmang hahakbang ang lahat…
Ng..
“Hanggang dyan lang kayo!wala kayong karapatang pasukin ang bahay ko…!”kalmadong boses ni Demon ngunit nakakasa ang baril at nakatotok kay moris..
Seryuso ang mukha nito…
Maging ang mga tauhan ni demon ay naka handa naring paputukan ang mga taong sasalungat sa nais ng kanilang boss..
“Hindi na natin kailangang umabot pa sa ganito mr.Mcgregor!”saad ng leader
“Oo,kaya umalis na kayo kung ayaw nyong dito kayo mismo ilibing ..”
“Hon!”humawak si sellina sa braso ng asawa dahil sa takot sa maaaring mangyari…
“Umakyat ka sa kwarto ng mga bata..wag kayong lalabas doon…hanggat hindi ko sinasabi!”utos nito habang ang mata ay hindi inaalis sa lalaking tinututukan nito ng baril
“Pero..ho…
“Makinig ka sakin!para sa kaligtasan ng mga bata ito at sayo narin…”bulong nito kaya hindi na sumagot pa si sellina,
Sumunod na lamang ito sa utos ng lalaki..
Tama nga naman kasi ang asawa nya..
Mabilis itong tumalikod at patakbong umakyat ng hagdanan,ngunit bago mawala sa paningin nito ang asawa ay lumingon muna sya at ngumite…
Kahit hindi iyon nakita ng asawa dahil ang buong tingin ni Demon ay naroon lamang sa lalaking kaharap…
“Pero manang,si kiel po,paano na ang anak ko!”garalgal ang boses nya habang pababa ng terrece ng mansyong iyon…
“Iha,dito muna ang anak ninyo ni drake ..si sellina ang bahala maghatid sa inyo ng bata kapag nakatakas kayo rito!”may pangamba at pag aalala sa mukha nito..
“Pero man….
“Mahal makinig ka nalang muna kay manang!babalikan natin si kiel…
Hindi sya pababayaan ni Demon at Sellina..
..
“Utos ito ni sir Demon iha,kaya sumunod kanalang…
Napaiyak na lamang si melodia habang nakakapit sa tali na umabot sa pinakababa niyong terrece..
Nauna si mel at nakasunod lang din si drake sa may taas nito..
“Mag iingat kayo,tumawag kayo kapag nakarating kayo sa probinsya ha mel?”mahinang saad ni manang eding sa babaeng marahang bumababa at nakahawak sa tali…
Hindi na nag abalang sumagot ang dalawa ,
Dahil baka marinig sila at may makapansin pa sa pagtakas ng dalawang tao na pinag kaitan ng kapalaran na maging masaya sa nais nilang makasama at mahalin..
Pagkababa ng dalawa ay suminyas lang ng”paalam”si melodia at mabilis itong hinawakan ni drake sa kamay at tumakbo ng hindi manlamang lumilingon…
Sa bandang likoran ng mansyon sila dumaan upang walang makahalata na nakaalis na sila ng lugar…
“Sandali!!”hingal na hingal na tumigil si mel at bumitaw sa kamay ng binata..
Natigil ang lalaki sa pagtakbo..
“Bakit??”mahinahon nyang tanong habang tagaktak ang pawis sa nuo..
“Pahinga muna tayo,pagud na pagud na ako !”habol parin nito ang hininga habang nakayuko at nakahawak sa magkabilang tuhod..
“Okay kalang?sorry mahal kong kailangan pa nating gawin ito mahinang saad ng binata habang nakatayo sa paanan ng kasama
“Wala kang kasalanan,kasalaman ito ng ama mo…”tumayo sya at pinunasan ang pawis sa pamamagitan ng braso..
“Im sorry!!”lumapit si drake at hinubad ang damit..
“Wooohh wooh…wag dito!”bigla syang lumayo dahil sa ginawa ng binata
“Sira!”sabay tawa nito ng mahina,lumapit sya sa babae at ginamit nyang pamunas ang damit sa pawis ng dalaga..
“Anung akala mo?dito natin itutuloy??”habang nakatawa ng mahina..
Nayuko tuloy si mel dahil sa hiya nitong naramdaman..namula din sya dahil sa naisip…at reaksyon nito sa ginawa ng lalaki..
“Tama nanga!”bulong nito ng hindi parin tumitigil ang binata sa tawa nito
“Sorry …ito na titigil na po!”tumigil sya sa pagpunas sa pawis ni mel…
“Tara na,baka maabutan tayo rito!”
Muling banggit ni drake,sabay hawak sa kamay ng babae…
….
Habang tumatakbo ay di maiwasang pakatitigan ni mel ang likorang bahagi ng binata..
Ramdam nya kasing safe sya sa tuwing kasama nya ito…
Hindi tulad noong mga panahong walang nagtatanggol sa kanila ng kanyang anak…
Kundi sya lamang…..
……………………………………….. . . . .
“Anak!nandyan na si mama,sandali lang hu!”saad nya sa baby boy na nakalagay sa crib nito..may isang taon at kalahati na si kiel ng mga panahong iyon..
Humihingi kasi ng dede ang bata kaya tinimplahan nya ito…
Ngunit ng palapit na ito sa kuna…
“Tok!”
“Tok!”
“Tok!”
Katok mula sa pintuan ng inuupahan nilang apartment…
Lumipat na kasi sila ng tinitirhan...