My sweet surrender
Chapter 1
“Go on now go, walk out the door. Just turn around now, ‘couse you’re not welcome anymore… ”
“Naku, Margaret, maghunusdili ka, anak. Huwag kang kumanta sa harap ng kalan. ”
Nilingon ni Margaret ang sumaway sa knya na c manang thess. Matagal na nila itong cook sa restaurant. Ibinaba nya sa kawaling pinaglulutuan nya ng kalderetang baka ang sandok na kanina ay ikinukumpas-kumpas Pa nya habang kumakanta.
Tumaas ang isang kilay nya. Ipinagbabawal na rin ba ng tita Lolita nya na kumanta kapag nsa kusina?
Sobrang estrikta ang madrasta nya. Kahit sya mismo ay hndi nito pinapayagan na hndi magsuot ng net sa buhok kpag nsa restaurant. Kunsabagay, para din naman sa kalinisan at kaayusan ng restaurant iyon.
Pero ang pagkanta? Ano ang konek?
“Bakit na naman, manang? “Nakakunot – noong tanong nya.
Alam nyang hndi kagandahan ang boses nya pero nakagawian na nyang pantanggal ng inip ang pagkanta, lalo na kpag hinihintay nya na kumulo ang sinasaing nya o kaya ay nagpapalambot sya ng karne. Ngunit ngaun, pakanta-kanta sya ung kahit paano ay aliwin ang sarili.
Sa kasamaang-palad kasi, nawalan sya ng trabaho. Huling araw na ng pasok nya noong biyernes. Binili ng isang mas malaking kompanya ang pinapasukan nyang food and beverage company. OK na sana ang sahod nya roon bilang administrative assistant, pero sa kasamaang palad, isa sya sa mga minalas na hndi na- retain. But just like the song, she will definitely survive. Pasasaan ba at makakahanap uli sya ng trbho. Pero sa ngaun, habang tambay sya, kailangan muna nyang tumulong sa restaurant nila na pinamamahalaan ni tita Lolita.
“Makkapag asawa ka ng matanda, “ani manang thess.
Lumabi sya. “Sus, pamahiin na naman, “aniya. Paano sya makakapag aswa ng matanda, Wala naman syang boyfriend na matanda? Besides, sa edad...