Inayos niya ang mask na nakatakip sa mukha niya at kumatok na sa kwarto.
Kagat kagat ang loob ng pisngi niyang hinintay ang pagbukas ng pinto. Hindi halata sa sexy niyang pulang damit ang kaba niya. Hindi na rin niya napansin ang pailalim na tingin ng chambermaid na dumaan sa likod.
Dinig sa labas ang tugtog at hiyawan ng mga kalalakihan sa loob ng kwartong iyon. Kaya kinatok niya ulit ang pinto ng mas lakas sa pangalawang pagkakataon.
Isang lalaking may ngiti at nakasuot din ng kalahati ng maskara ang nagbukas ng pinto sa wakas. Hinagod sya nito ng may paghangang tingin mula ulo hanggang paa bago nito iminuwestra ang kamay paloob ng kwartong iyon.
Hiyawan ang sumalubong sa kanya pagpasok niya sa loob ng makita sya ng mga tao doon. Maliban na lang sa isang lalaking may takip ang mata na nakatali sa isang silya.
“Pare, ang swerte mong gago ka,” sabi ng isang lalaking nakasuot ng gray na shirt.
Nang-aakit ang ngiti at tingin ang binigay niya sa mga kalalakihang nakamaskara din na naroon. Alam niyang hindi sya makikilala ng mga ito. Dahil sa suot at maskara niya.
Muling naghiyawan ang mga ito.
“Miss, kung tapos ka na sa kanya mamaya, call me. I promise you I’m better than him,” sabay kindat at abot naman ng naka-maroon na shirt ng calling card nito sa kanya.
“Gago,” natatawang sabi ng karamihan doon sa lalaki.
May ngiti pa rin sa labing kinuha niya ang card.
“Oh, ha!” hiyaw ng lalaking nag abot ng card.
Nagtawanan at asaran na ang mga lalaki doon. Nginig at tumataas ang mga balahibong mabilis niyang nilagay ang card sa dala dala niyang pouch.
“Shall we start?” sabi nya sa mga ito.
“Sure, sure,” may ngiting sinumulan kaagad ng nakaputing shirt ang tugtog.
Soft music enveloped the room. The woman walked slowly to the man sitting tied to the chair. Ito lang ang walang suot na maskara sa kanilang lahat. Kahit may suot man ito makikilala’t makikilala niya pa rin ito. She memorized all of him after all. Ikaw ba naman ang halos araw-araw na nakikita ito at nakakasama sa loob ng limang taon makakabisado mo ito.
Dahan dahan nitong inalis ang takip sa mata ng binatang nakatali. Gamit ang labing kinulayan ng pula ngumiti siya dito ng pagkatamis-tamis.
“Hi.”
With squinted eyes the man tried to identify the woman before him. She was wearing an intricate red mask that almost covered her whole face. He could see her luscious red lips though. Napalunok siya sa epekto ng babae sa kanya.
He inhaled and he was battered with the scent of the strawberry. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa mata ng dalaga.
“You.”
“Hi,” sabi uli ng babae.
Pilit na kinakalas niya ang mga nakatali sa kanya. He was tied by the ankle and his hands were tied to his back.
His struggling stopped when the woman moved between his legs and started dancing erotically. Damn. He couldn’t take his eyes off her. Ba’t ngayon lang ito uli nagpakita?
He doesn’t want to cheat to Pam. He tried again to move but, this time, away from the woman. Natigilan ang babae. He saw her eyes water and disappointment after.
“No, please,” he said immediately. “Please, baby.”
Napakurap siya sa tinuran ng lalaki. He called her baby. Again.
She missed that.
“It’s not what you think. I respect my fiancΓ©e.”
Ngumiti ng may kahulugan ang babae at umupo sa kandungan niya. Gone...
exsited