Nalungkot ako ng maalala ko muli ang aking papa.
“Sa ibang bansa? Eh, ano naman ang ginagawa Niya dun?I mean bat ka niya iniwan at maging isang kutserera?” may pagtatakang tanong nito.
“Nandun sila kasama ang mom. Ko and besides sanay na din ako na wala sila.” may lungkot sa aking tinig.
“Eh, ba’t hindi ka sumama?”
“Mas gustuhin ko lang manatili dito kesa sa sumama sa kanila dun and besides dito na din ang nakasanayan ko ang simple lang ang pamumuhay.”
“anyway, wala ka bang kapatid na lalaki na PUWEDENG umako ngbtrabahong ito?”
“Only child ako. Unica hija.”
“Hija’?Oh, `akala ko, hijo ka,” pang-aasar ni khen.
“patawa ba `yon? `Akala ko masama ang loob mo, ba’t ka nagjo-joke?”
“Kaya nga ako nagjo-joke, para makalimutan ko ang Sama ng loob ko.”
“Ah, may problema ka nga pala talaga.” Natahimik ito. Kapagkuwan ay humugot ng malalim na hininga. “Si… Bianca..”
“Ah,`yong babaeng ayaw magpabola sa`Yo?”
“Exactly. She won’t believe anything I say.”
“Aba! Dapat siyang...