LEXIE ERA
“KUMUSTA na ang buhay may asawa? mapanudyong tanong ni lizel sa kanya habang nasa kabilang linya.
hindi niya alam kung anung nakain nito at tinawagan siya.
“diko alam… mahina niyang tugon dahil nasa malapit lang si axil.
“anu bang sagot yan? ni hindi ka nangimbita sa kasal mo parang wala tayong pinag samahan. nag tatampo ang boses nito.
bumuntong hininga siya.
“pasinsya kana lizel biglaan kasi.. nga pala si manager kim kumusta? tanong niya.
“hayon malongkot simula nang mawala ka. ayaw mo naba talagang bumalik jewel? tanong nito.
maya maya nakita niyang palapit si axil sa kanya. naramdaman siguro nitong may kinalaman sa dati niyang career ang topic nila ni lizel. umupo ito sa tabi niya.
“baka hindi na.. tawag nalang ulit ako ha bye..!! hindi niya na hinintay ang sagot nito. pinutol niya na kaagad ang linya.
inilapag niya ang phone saka akmang tatayo nang hawakan siya ni axil sa kamay.
“babe galit kaba sakin? malongkot nitong tanong.
dalawang araw niya na itong hindi kina kausap. naiinis siya sa paninigaw nito sa kanya nung huling araw. tinalikuran din agad siya nito kahit nag uusap pa sila.
mukang naging pabor naman ito kay axil dahil sa dalawang araw na iyon hating gabi na ito nakaka uwi. sumasabay nalang siya sa ama. at himalang naka uwi ito ng maaga ngayon..
“bakit naman ako magagalit sayo axil.. utang ko sayo ang buhay ko at kailangan kung pag bayaran iyon. masama ang loob niyang tugon.
dama niya ang paninikip nang dibdib niya. sa pag papakasal niya dito parang nawalan na siya nang karapatan mag disisyon para sa sarili niya at naka dipendi na lahat kay axil.
“babe hindi totoo yan. gusto lang kita ilayo sa kapahamakan. saka Yung nangyari to satin isa ito sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
siryosong tugon nito.
“hindi ako masaya sa sitwasyon nating dalawa axil.. at kahit pilitin ko man gampanan ang lahat bilang asawa mo nararamdaman kung hinahanap ko parin kung anung naka sanayan ko. tukuyan nang tumulo ang luha niya.
nasaktan si axil sa binitiwang salita ni jewel. buong akala niya pagkatapos nang lahat matutunan siya nitong mahalin.
alam niyang Mali ang bagay na plinano nila nang ama nito subalit nagawa lamang niya iyon para sa kaligtasan ng babae. ngunit sa nakikita niya gusto niyang pag sisihan iyon.
naging makasarili siya at hindi inisip ang kahahantunan nang lahat.
kinabig niya ito upang yakapin. mahal niya si jewel pero nasasaktan din siyang makita itong malungkot sa piling niya. sa pagsasama hindi sapat lang na mahal mo siya kundi dapat mahal Karin niya. at hindi niya nararamdamang mahal siya nito dahil hindi mangyayari yun.
“palalayain na kita jewel.. Alam kung iyon ang makakabuti para sayo. tinanggal niya sa harapan nito ang wedding ring nila. nakapag desisyon na siyat ayaw niyang gawing mesirable ang buhay ng babaeng mahal niya.
nakita niyang nagulat ito sa ginawa niya pero Alam niyang bandang huli magiging masaya ito. hindi si jewel ang babae para sa kanya. at kahit ipag pilitan pa niya ang sarili niya impossibling mahalin siya nito.
nakatanga si jewel habang tinitingnan ang likod ng asawa papalayo. matapos siyang yakapin ay kumawala ito at tumalikud.
halatang nag tatampo ito sa kanya inakala lang niyang nag bibiro ito. ang gusto lang naman niya suportahan siya nang asawa hindi ang iwanan nito, sunod niyang tiningnan ang wedding ring nila na hinubad nito.. nakikipag hiwalay na ito sa kanya. napakabilis.
Malaya na siya.. gustong mag umapaw ang kaligayahan sa puso niya pero sa kabilang bahagi nito parang may kung anung mabigat na naka dagan dun.
bumuntong hininga siya saka sinundan ito sa kwarto.
“anung ginagawa mo? napamulagat siya nang makita itong nag e impaki.
“tatawagan ko nalang...