The Broken Wife
Chapter 16
Serenity
Paggising ko ay tanghali na at wala na si Ryker sa aking tabi. Nag-inat-inat na muna ako bago ako bumangon ng kama. Pumasok ako sa banyo upang magmumog nang mapansin ko na may nakalagay nanaman sa ibabaw ng sink. Kinuha ko ito at singsing ito ni Ryker. Nagtaka naman ako bigla dahil naalala ko kagabi na isinuot ko ito sa kanyang daliri. Siguro ay nakalimutan niya nanaman ito dahil sa kamamadali niya.
Ibinulsa ko na lang ito ulit at saka nagsipilyo bago ako pumanhik sa baba. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Linda na abalang nagluluto.
“Good morning ho ma’am,” bati niya sa akin.
Binati ko rin siya pabalik sabay dumiretso ako sa may ref upang kumuha ng tubig nang may nakita akong note rito. Ang nakalagay doon ay isang note galing kay Ryker sabay nakasulat ang salitang Dinner @8 pm. See you later. Kinikilig naman akong kinuha ito saka napangiti.
“Ma’am ang sweet naman ho ni Sir.” Napatingin ako kay Maria na nasa likuran ko lang pala.
“Hoy! Huwag kang tsismosa at nakakahiya kay Ma’am!” sita naman ni Linda sa kanya.
“Ayos lang ho iyon,” sabi ko naman.
Agad ko namang binilin si Linda at Maria na bantayan mamaya ang mga bata habang wala kami ni Ryker.
Pagdating ng alas-sais ay naghahanda na ako para sa dinner date namin ni Ryker. Pumili lang ako ng simpleng floral dress. Pagkatapos ay nag-apply ako ng kunting make-up nang makita ako ng aking mga anak.
“Wow! Mommy why are you dressed like that?” tanong ni Ryder.
“Because me and your Daddy are going to have a date later.”
“Sama ako,” sabi naman ni Ryleigh pero umiling ako. “Hindi pwede anak e pero next time promise ay isasama ko kayo.” Lumabi naman si Ryleigh at agad naman siyang pinatahan ni Ryder.
“You can’t go nga. Mom and Dad needs their alone time.” Napataas naman ang aking kilay sa sinabi ni Ryder. Kailan niya pa nalaman ang salitang alone time? “Hindi ba mommy?” Tumango na lang ako para hindi na umiyak pa si Ryleigh.
“Okay, but promise mommy kasama na kami da susunod ha?” lumuluhang sabi ng aking anak.
Pinahid ko naman ang kanyang luha at hinalikan siya sa kanyang mga pisngi. “Yes baby, I promise.”
Tumakbo sila palabas ng kwarto at tamang-tama namang narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Ryker. Nagbilin ako sa kanila Linda at nagpaalam sa dalawang anak ko. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Ryker na gwapong-gwapo sa suot niyang Americana. Pagkakita sa akin ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang magtama ang aming mga mata ay kita ko ang malagkit niyang tingin kaya napakagat ako sa aking labi.
Paglapit ko sa kanya ay binigyan niya ako ng halik sa aking mga labi sabay may binulong.
“You look so hot, my love. I want to ravish you here.” Natawa naman ako at mahinang pinalo siya sa kanyang dibdib.
“Tara na at malapit na ang alas-otso,” yaya ko kaya sumakay na kami sa kanyang sasakyan.
Pagdating namin sa resto ay akmang bubuksan ko ja sana iyong pinto ng kotse nang bigla itong mag-lock. Napatingin ako sa kanya at napalunok ako ng medyo kalasin niya ang kanyang necktie.
“R-Ryker, please don’t tell me gusto mong gawin dito?”
“We’ll not go all the way. I just can’t wait until we get home. Kahit saglit lang, my love. Please?” Napamaang akong napatingin sa kanya.
Hindi ko alam kung matatawa o kakabahan ako kay Ryker. Habang tumatagal ay lumalabas ang pagiging mahilig niya. Hindi naman ako nagrereklamo dahil asawa ko naman siya kaso dito niya talaga gustong gawin? Napailing na lang ako at nagpaubaya sa kanya. Malanding doctor!
Nang matapos kaming mag-loving-loving ay inayos namin ang aming sarili at late na kami sa scheduled time namin. Buti na lang at hindi gano’n karami ang tao kaya pinapasok pa rin kami.
Masaya kaming kumakain at nagkwekwentuhan nang may lumapit sa aming isang babae at nakangiti ito kay Ryker.
“Good evening sa inyo. Good eve, Sir Ryker. Siya ho ba iyong asawa niyo?” tanong nito at napatingin ako kay Ryker.
Kita ko ang inis at galit sa mukha ni Ryker nang makita ang babaeng ito.
“What the hell are you doing here, Laila?” tanong ng aking asawa.
“Oh please wala akong balak na manggulo. Gusto ko lang naman sanang makita...