Nasa palengke ako nang lumapit sakin si Manang Flor.
Chuchay muzta kana iha,bungad nitong tanung sakin.
Ok lang po ako manang,kayo po kamuzta?
Ito namiss ka ngiti nitong sabi,dalawang linggo na kasi kitang hindi nakikita dito sa palengke at nalaman ko rin ang nangyari sa inay mo.
Nalulungkot ako para sayo.
Salamat po manang flor, sigurado masaya na po ngayon si inay na nakikitang maraming nag aalala sakin kagaya niyo, ngiti kung sabi kay manang flor.
Tama yun iha,kung kailangan mo nang ina na makakausap nandito lang ako.
Natigil ang usapan naming iyun ni manang flor,nang may lumapit sa amin na apat na lalaki ang isa ay napakalaking tao.
Kinuha agad ang paninda kung kakanin at itinapon.
Teka,teka ano problema niyo bayaran niyo yang paninda ko,galit kung sabi.
Anong bayaran,may kasalanan ka pa nga samin.
Anong kasalanan ko sa inyo,taas noo kung sinabi..
Bigla ako kwenelyuhan at inangat,ang tapang tapang mo ha,maganda ka sana kaso pakialamera ka.
Dahil sayo nakulong ang isa naming kasama,sabi nito at akma akong sasampalin.
Nang biglang may bumato sa malaking tao nang isda.
Paglingon namin si Ondo,dala dala ang malaking bilo bilong kutsilyo na lumapit samin.
Subukan mo lang saktan ang babaeng mahal ko babalatan kita nang buhay,sabi nito habang itinutok ang dala dalang kutsilyo.
Na halatang may takot itong naramdaman kasi nanginginig pa ang mga kamay nito.
Kaso mabilis kumilos ang malaking tao at binali ang kamay ni ondo,kinuha ang dala dalang nitong kutsilyo,at pinagsusuntok si ondo.
Lumapit ako para pigilan sila,pero mabilis ako itinulak nang malaking tao dahilan nang pagkakabagsak ko nang upo sa sahig..
Lalapitan pa sana ako nang malaking tao,kaso biglang lumapit ang ibang mga tindero nang isda dala dala ang mga kutsilyo nila.
Kaya napahinto ang mga ito.
Hindi kayo aalis dito o pagtutulungan namin kayong kaliskisan nang buhay,sigaw nang isang tindero.
Dumating naman si Cynthia sa palengke,at agad sumigaw.
May pulis,may pulis!
Hindi pa tayo tapos,sabi nang malaking tao bago nagmamadaling umalis.
Mabilis ko agad nilapitan si ondo para alalayang tumayo,na duguan ang bibig.
Ok ka lang ba chuchay,agad na tanung ni cynthia..
Oo ok lang ako,si ondo ang nabugbog..
Sandali lang kuha ako ng yelo at bimpo,agad na sabi ni Cynthia.
Inabot agad sakin ni Cynthia ang dala niyang yelo at bimpo,nilagay ko naman agad sa mga pasa ni Ondo.
Chuchay nag aalala ako sayo,panu kung balikan ka nang mga yun,agad na sabi ni manang flor.
O di kaya doon ka muna sa pinagtatrabahuan ko chuchay,tamang tama kakaalis lang nang tagalinis doon dagdag pa nitong sabi..
Oo nga chuchay sabat...