Hinayaan ko nalang abalahin ang sarili kong panuorin ang dinadaanan namin. Ang lupa ay natatakpan ng berde dahil sa malawak na taniman ng mga palay, sumusunod ang katawan nila sa ihip ng hangin.
Kumaliwa ng daan si Travis, mahaba at sementadong daan muli ngunit mukhang pribado itong kasalukuyan tinatahak namin. Sa magkabilang gilid nito ay walang katapusan mga matayog na puno ng niyog. Ilang sandali pa ay hindi na patag ang dinadaanan namin kundi paitaas na iyon.
I took a second look at the hill, hindi ko ito napansin kanina dahil natatakpan ng mga puno. But right now with full of view at the hillside, there’s a spanish style home.
“Ano ang ginagawa natin dito? Are we trespassing?” tanong ko nang may nakita akong tabla na nakapako sa katawan ng puno at may nakasulat doon na ‘private property’ sa bungad.
Baka hindi niya nakita?
Alam kong parte pa rin ito ng Santa Alicia. Pagpasok palang namin sa lupang ito, hindi na nawala sa paningin ko ang mga puno ng prutas. Iba’t-ibang variety ng prutas. And some of them weren’t familiar to me. Hindi kaya hacienda itong pinasukan namin?
Kung tutuusin wala kaming ganito kalawak na lupain. Yes, we have businesses, at nagkaroon iyon ng sangay sa iba’t ibang lugar. But a land like this, wala kaming pagmamay-aring ganito.
“You’ll see. Sigurado magugustuhan mo dito.” His lips twitched.
Nanlaki ang mata kong sumulyap sa kanya. Tila may nahulog na niyog at tumama iyon sa ulo ko kasama ang pagkatanto.
“You own this whole land? You kidding me!”
Humalakhak siya sa reaksyon ko. Napako ang tingin ko sa kanya kahit huminto na ang sasakyan. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt, sinunod niya ang akin. Malalim niya akong tinitigan habang nasa sandalan ng kinauupuan ko ang kanan niyang braso.
“I inherited this whole land from my mother.”
“Why I didn’t know about this? You didn’t tell me,” maanghang na tanong ko. I looked around. Namamangha pa rin talaga ako.
“I’m telling you now,” punto niya.
“Palagi kayo dito?” Ibinalik ko muli sa kanya ang tingin ko, only to find out that she was deeply staring at my lips.
“Just in weekends. Lola wants to stay here but Mama didn’t allowed. Mag-isa lang kasi siya dito.” sabi niyang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa labi ko.
“Bakit? Wala ba kayong tauhan na makakasama ni Lola Tinay dito?” wala na ata akong ibang masabi kundi puro mga tanong.
Umangat ang tingin niya sa akin, at bahagyang tumagilid ito. Amusement flickered on his face. “We have, baby. Pero hindi sila nag-i-stay dito. Darating sila ng umaga at uuwi din ng hapon sa pamilya nila.”
“Balak sana kitang isama dito noon but we’re both busy in school stuff. At nagbalak na naman ako noong nagtra-trabaho ako sa’yo, kahit wala na tayo, gusto pa rin kitang dalhin dito.”
Lumipat muli ang tingin niya sa labi ko, at doon na kumawala ang kanina ko pa pinipigilang tawa. “You want to kiss me, don’t you?”
His tongue playfully slide to his lower lip. “I’m really glad you noticed that,”
Hahalikan niya na sana ako nang may kumatok sa bintana, sa banda ko. Mabuti na lang tinted ang bintana. Pilya ko siyang nginisihan. Marahas naman siyang bumulong ng mura.
“Candace!” Sigaw ni Keith sa labas habang patuloy pa rin ito sa pagkatok.
Hindi ko muna siya pinansin.
Mabilis kong hinila ang batok ni Travis, at inatake ko ang labi niya.
It was a quick light kissed but it made my heart’s somersaulted inside my chest.
“Fuck,” Mura niya when I ended the kissed.
Binuksan ko ang pinto, at alistong lumabas.
What a nice moved you did there, Candace. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil mahusay akong umarteng parang walang nangyari sa harap ni Keith kahit pa nanlalambot pa rin ang tuhod ko.
“Sabi ko na nga eh,” Si Keith sabay yakap sa akin. “You’ll end up with each other.” nakangiting aniya.
“Ayaw na akong pakawalan ng Kuya mo eh.” nakangising sabi ko na ikinatawa niya.
“Candace, apo,” Si Lola Tinay, nakangiti ito habang palapit sa’min.
Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Hinalikan ko siya sa pisngi. “Hi, Lola. I miss you.”
“Miss na din kita. Matagal ka ng ‘di dumadalaw sa bahay.”
“Ahm. Busy po eh.”
“O, siya, halika na kayo sa loob. Nagluto ako ng paborito mo.” Nakangiting saad niya.
“Marami na naman akong kakainin, Lola.”
“Aba, dapat lang. Tignan mo ikaw, pumayat ka na.” Umiiling sabi pa niya.
“Ihahanda ko na, Lola.” ani Keith at naunang pumasok.
Nilingon ko saglit si Travis. Nakatanaw siya sa akin habang nakasandal sa kotse at naka-krus ang mga braso sa dibdib. Bahagyang tinagilid ang ulo at kinindatan ako.
I smiled. Gwapo talaga!
Umikot ang tingin ko sa paligid at huminto iyon sa malaking bahay. I think it was built noong dalaga pa si Ma’am Elyneia but it was well maintained. Maraming uri ng bulaklak ang nakatanim sa paligid. Namumulaklak ito sa ganda.
Pakiwari ko’y dinaya ako ng labas nito. Kung gaano katanda ang labas ng bahay ay moderno naman ang nasa loob nito. Their house were filled with rare antiques, and it definitely cost an arm and a leg. I even saw an old painting of a couple in their mid-thirties, at hindi mahirap hulaan kung sino ang isa doon. It was Lola Tinay. I guess, the other one is her husband. Ang palagi niyang kini-kwento sa akin. Si Lolo Eliseo.
The floor was made of cream granite. Ang tila pamaypay na hagdan ay kumikinang dahil sa araw-araw atang pinupunasan. Dumiretso kami sa kusina habang patuloy pa rin si Lola Tinay sa pagkwe-kwento. Gaya ng dati, nasa likod namin si Travis, at pinabayaang nag-uusap kami ng Lola niya.
“Gusto mo ‘to?” Travis asked me while his forefinger pointed at the grilled fish.
Tumaas ang kilay ko sa kanya. Seriously, kanina niya pa nilalagyan ng ulam ang plato ko. Pinipigilan ko siya pero sige pa rin siya sa pagkuha at idagdag sa pinggan ko.
“My plate was already full, Trav.” I whispered.
Bahagya niyang tinagilid ang ulo para matitigan ako. Pilyong bumaba ang tingin niya sa dibdib ko, at marahang gumalaw ang sulok ng labi niya.
“No, you’re not,” he whispered back.
Uminit ata ang buong mukha ko. I know we are talking about my food here, pero hindi mapigilan ng isip kong mag-isip ng ibang kahulugan no’n gayo’y sa dibdib ko siya nakatingin. I’m not that slow when it comes to that matter. O baka ako lang itong nahahaluan ng berdeng pag-iisip?
Oh, God. Si Travis ang may kasalanan nito!
Inirapan ko siya. “Tumingin ka sa plato ko. Huwag diyan.”
He chuckled. “Why, what’s on your mind?I’m just feeding my baby,”
“Hmm. Your breast is fine though.” he softly whispered, again.
Siniko ko nga bago pa kami mahalata nila Lola Tinay na naglalandian dito sa hapag. Nang-iwan muna siya ng pilyong kindat sa akin bago siya tumahimik.
Ang landi talaga!
Pagkatapos namin kumain, hinila ako ni Keith sa balcony.
Inilapit niya ang mukha sa tainga ko at bumulong. “Sino ang nag-proposed?” tunog pang-aasar niya.
Nang makuha ko ang ibig niyang sabihin, “Sira! Of course him.”
“Hindi mo ako masisisi. Ikaw ang nanligaw sa kanya. Kaya kako baka ikaw din ang nag-proposed.” she laughed.
“Gaga. Ako na nga ang nanligaw, dapat siya naman sa proposal.” We both laughed because of what I’ve said.
Nasa...