ᎷᎽ ᎠᏒᎬᎯᎷᏰᎾᎽ ᏨᎻᎯᏢᎿᎬᏒ 1


Simula na sa pag tatrabaho si Rosemarie bilang yaya. Tinuturuan sya ng mga kasamahan nya. Sa kusina. Kung paano gamitin ang lahat… Mabilis naman sya natuto..
Lanie ok ka lang ba?? Mukhang malalim iniisip mo ahh. Ano yan sa office ba??..
Hindi Jonathan. Iniisip ko lang yung bagong maid natin. Ang ganda ni Rosemarie pero yung pinasok nya ay maid lang.
Diba sabi nya taga bundok sya?. Tiyak inosente sya sa lahat ng bagay!
Oo sinabi mo pa kailangan maturuan sya Jonathan. Mukhang mabait naman si Marie.. at mukhang bagay sila ng anak natin…
Ang tanong kung sakaling ano eh boto ka??
Of course Jonathan.. kahit taga bundok lang sya.. ehh pwede narin.. hindi naman batayan ang pera diba.. alam mo yan.
Sumapit ang gabi. At si Nathaniel ayy nanood movie.. dahil dati na nya itong gawain…
Habang nag snack!
Ate grace ano yang nasa plastick na itim?? Saan mo dadalhin yan??
Basura to Marie. At ilalabas ko to sa May garahe.. dahil bukas. Darating yung truck at kukuha ng basura..
Pwedeng ako nalang gumawa nyan ate grace??
Ako na Marie. Mabigat bigat ito..
Kaya ko yan ate grace. Tignan mo braso ko.
Ikaw Marie puro ka kalokohan..
Ako na kasi Jan ate grace kaya ko yan..
Ohh sige na nga pagka kulit kulit mo lang din naman..
Dire-diretso na sana ko sa pag labas ng makita ko si Nathaniel. May tinitignan ito diko alam kung ano yun… Kaya tinignan ko nalang din..
Hala bakit Nanjan sila sa loob?? Ano ginagawa nila Jan…
Nilapit ko mukha ko dito at saka kinausap ko yung nandun.. hello bakit Nanjan kayo..
Tinignan ko ang likod nito. Pero wala naman butas. Pero paano Naka pasok doon yung mga tao.!
Yaya umalis ka nga Jan! Nanonood ako!!
Mahal kong senyorito bakit Nanjan sila? Paano sila nag kasya Jan?..
Yaya umalis ka Jan sabi!!
Imbis na umalis si Marie ay humarang pa ito…
Ano ginagawa mo? Bakit Naka tingin ka dito??
.Sabing umalis ka Jan!! Teka ano yung mabahong naaamoy ko.??
Kinuha ni Marie ang itim na plastick na nag lalaman ng basura. At nilapit nya ito kay Nathaniel..
Eto yung naaamoy mong mabaho oh. Yung basura.
Halos masuka suka si. Nathaniel sa sobrang sang sang ng amoy… Nag takip ito ng ilong…. At saka nag salita… Hindi ito naintindihan ni marie…
Ano sabi mo?? Diko maintindihan tanggalin mo kasi kamay mo sa ilong..
Ayaw tanggalin ni Nathaniel ang kamay dahil masangsang ang amoy ng basura kaya ginawa ni Marie ay sya nag tanggal ng kamay ni Nathaniel sa ilong…
Pahawak nga muna sa ilong ang pogi mo talaga!
Halos ma suka-suka si Nathaniel sa amoy ng kamay nya… Nag tatakbo sa kusina si Nathaniel…
Ano nangyari dun?? Matapon na nga itong basura…
Biglang nadikit ni Marie ang kamay sa ilong nya kaya nabahuan ito…
Ang baho!! Makapag hugas na nga ng kamay…
Pag punta ko sa kusina nakita ko si Nathaniel.. nag mumumog. Kaya nag dahan dahan ako para gulatin sya…
Bulagaaaaaaaa……. HAHAHAHAHA gulat ka nohh..
Ang minumumog ni Nathaniel ayy nalunok nya.. dahil sa gulat nya kay Marie… At inubo pa ito…
Naawa si Marie kaya hinimas nya ang likod nito…
Ng matapos ayy galit na galit si Nathaniel..
Ikaw babae ka kanina kapa!!!
Oo kanina pa talaga ko dito ikaw naman..
Sabay walk out nalang si Nathaniel… Hinabol ni Marie si Nathaniel at hinawakan ito sa damit…
Don’t touch me!!.
Huh?? Ano yun diko alam yun ahh.
Bigla nalang Umalis si Nathaniel at umakyat sa taas para pumunta sa room nya…
Pesteng babae na yun!!! Kay daming dami pwedeng mapunta dito na katulong bakit sya pa! Hampas lupa!! Dito na nga lang maka panood ng tv.!
Habang busy ang lahat umakyat si marie… At tumungo sa room ni Nathaniel.. Naka sarado ito kaya ginawa ayy..
Tok! Tok! Tok!
Bukas yan paki bukas nalang..
Tok! Tok! Tok!
Sabing bukas yan eh..!!!
Tok! Tok! Tok!
Ay ang kulit. Binuksan ko nalang ang pinto kaya pag bukas ko wala naman tao.. kaya sinara ko ulit…
Tok! tok! tok!
Hay nako naman!!! Storbo!
Nag madali akong bumaba ng hagdan baka mahuli ako ni Nathaniel…
Manang Lilia ano Pong ginagawa mo??
Ano paba edi inaayos mga labahin ng amo natin.. para bukas ng umaga…
Sobrang dami po nyan kaya mo po ba yan??
Oo naman Marie May washing machine naman.
Ano po yung machine machine?? Manang Lilia??
Washing machine marie. Hindi machine machine!
ah ok po manang…. Pasensya na Ho kayo taong bundok po kasi ako…
Oh ok na lahat.. pwede na tayo mag si tulog.. kailangan maagang gumising marami pa tayong gagawin bukas..


/> Nag puntahan na ang lahat sa kwarto. At tamang kwentuhan muna ang mga katulong bago matulog… Tatlong katulong lang sila. Si manang Lilia, si yaya grace at si Rosemarie
Ang hirap naman matulog palibhasa bago lang kasi ko dito teka anong oras naba??
Aba 12am na. Puyat na ako. Ano ba yan..
Nakaka gutom pa. Ngayon lang ng yari to sa akin ah.. maka punta nga ng kusina..
Mahilig kumain si Nathaniel sa hating gabi kaya nag punta ito sa kusina upang buksan ang ref… ng maka rinig ng yapak si Marie ayy nataranta ito hindi alam kung saan magtatago . Nag tago ito sa ilalim ng mesa..
Nathaniel Po’v
Ano kaya makakain dito? Ano kaya makuha?? Hmmmmmm maka inom muna ng juice…
nag salin ito ng juice at uminom.. nag salin ulit sya ng isang basong juice at kumuha ng pang snack nya… Pag baling nya sa baso ayy wala na itong laman.. inangat ang baso at tinignan kung May butas. Tinignan ang mesa baka naman tumApon ito… Pag lingap nya sa pang snAck nya ay nawala rin ito.
Nathaniel Po’v
Huh alam ko kinuha ko na yun ahh bakit nawala??? Ano to minu multo ako??
Ang hindi alam ni Nathaniel ayy nasa ilalim si Marie…. Dahan dahan lumabas si Marie ng lamesa para hindi sya makita ni Nathaniel…
Kinabukasan:
Gising na.. kayo Marie at grace
manang baka pwede mamaya na po ako… Inaantok pa po ako…
P
Aba Marie puyat ka yata diba sabi ko walang magpupuyat..
Bumangon ako at pinunasan ko muta ko.
Eh kasi manang hirap maka gawa ng tulog namamahay po ako..
Ang laki naman ng eyebags mo Marie. Anong oras kanaba Naka tulog..
Manang 1 am po namamahay po kasi ako..
Oh bangon na di pwede bumalik sa tulog
Marami pa tayong gagawin..
Opo manang babangon na po…
Kanya kanya na itong gawain… Mag luluto na sana si yaya grace ngunit.. nakiusap si Marie na sya na mag sangag.. maagang nagising si Nathaniel. Dahil Naka ramdam ito ng gutom.
Yaya.. yaya grace May nAiluto kanaba.?
Mag luluto palang po si Marie senyorito.
Bakit sya ang magluluto marunong ba yun??
Marunong daw po sya senyorito..
Ahh sige yaya..
Tumungo ako sa kusina at nakita kong nag hihiwa ng bawang si Marie.
Hoy bilisan mo Jan! Gutom na ako. Pag luto mo ako ng hotdog at itlog..
Ok teka pahawak muna sa dalawang pisngi mo.. ang pogi-pogi talaga hmmm
Arayyy arayyy bitawan mo nga ko!!
Mahal kong senyorito tara dito..
Saan mo ko dadalhin?? Mag luto ka nga doon.
Oo senyorito mag luluto ako.. pero halika dito yan maupo ka Jan Hintayin mo luto ko. Ahh
Bago ako tumalikod hinawakan ko muna ang matangos na ilong ni Nathaniel..
Binuksan ko na yung kalan. Una kong niluto ang hotdog sunod ang itlog. Pagka tapos ang sinunod ko ay ang isasangag ko. Habang nag sasangag ako kumanta ako… Naka gawian ko yun kahit sa bundok.. pa.
AKALA KO IKAW AY AKIN. 🎶🎵 TOTOO SA AKIN PANINGIN NGUNIT NA IKA’Y YAKAPIN. 🎵🎵🎵 NAGLALAHO SA DILIM. 🎶🎶🎶
tinginan sila manang Lilia at yaya grace kay Marie.. dahil ang taas ng boses nito at maganda pa. Ginawang microphone ang bote ng mantika pati si Nathaniel ay pumunta doon.
Hoyy! bilisan mo!
Ayy kalabaw!! Nakaka gulat ka naman eto na luto na!
Dinala ko sa mesa ang sinangag.. ang bango ng amoy nito. Nakakatakam..
Teka timpla muna rin ako ng coffee bilis!
Mag hintay ka naman dalawa lang kamay at Paa ko!
Nagrereklamo ka!
Oo bakit lalaban ka? Nakikita mo ba tong braso ko!
Hindi nalang ako kumibo. Sumandok nalang ako ng sinangag at tinikman ito..
Wow masarap ang lasa ah. Kahit wala ng ulam pwede na. Masarap pala mag luto ang baliw na yun..
oh eto yung coffee mo!!
Wag mo ko madabugan Jan! Galit ka!
Hindi Naka ngiti nga ohh!!
Nasaan ang ulam ko!!
Ayy oo nga pala teka nga!
Marie Po’v
Kung di lang ikaw ang nasa panaginip ko. Diko to gagawin ehh..
DALA ko na ang ulam ni Nathaniel. Nakita kong humihigop ito ng coffee.
Ohh eto na hotdog at itlog mo..
Biglang napa buga si Nathaniel.
Oh bakit?? Bakit mo binuga?
Wala!! Lapag mo Jan ulam ko..!
Ok.. hindi ako Umalis doon dahil natatakam aKo. gusto ko rin kumain..
Bakit Nanjan kapa? Balik sa trabaho!
Agad-agad baka pwede naman makA hingi ng hotdog. Patikim ng hotdog mo.
Tumayo ako sa kinauupuan ko.
Pwede ba Rosemarie santos!! Umalis ka sa harapan ko!
Parang titikman ko lang hotdog mo galit na galit Kana!!
Umalis akong mangiyak-ngiyak…
Abangan..
Enjoy reading guys..sana magustohan nyo.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top