𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄, 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐁𝐑𝐎𝐊𝐄
Ang sabi nila’y, kapag nagmahal ka raw ay iyon ang pinakamasayang pakiramdam.
Pero parang hindi naman. Sabagay, kaya ko lang siguro nasasabi ang mga bagay na iyan dahil wala pa naman akong experience sa mga ganiyan-ganiyan.
Pero totoo nga kaya?
Pero kahit na. Ayaw ko pa ring subukan. Saka na ako magmamahal ‘pag natapos ko na ang aking pag-aaral. Puwede namang ipagpaliban ang mga bagay na iyan basta ‘wag lang ang pag-aaral dahil syempre hindi mo naman hawak ang ‘yong kinabukasan, kaya kailangan kung magsipag para balang araw makakamit ko ang mga pinapangarap ko.
Kailangan kung tutukan ang aking pag-aaral.
Ngunit sa paglipas ng buwan tila ba’y kinain ko ang aking mga sinabi.
May isang lalaking bigla na lamang na dumating sa buhay ko sa hindi inaasahang pagkataon.
—
Nanggaling ako sa cafeteria para bumili ng pagkain at ngayo’y pabalik na ako sa room.
Habang naglalakad ay bigla akong natigilan. Para kasing may tumatawag sa akin.
At hindi nga ako nagkamali, paglingon ko sa likuran ko, may nakita akong lalaking tumatakbo papunta sa aking direksyon.
“Miss ang wallet mo nahulog!”
Hinihingal itong huminto sa harapan ko at napahawak sa tuhod.
“Akin na.” inilahad ko ang aking kamay
“Wala man lang bang thank you?” mapang-asar nitong tanong sabay na inabot sa akin ang wallet kung..wala namang laman.
May 4×4 na picture ko pa sa loob .Sana’y ‘di niya na lang sinuli. Remembrance niya sa kagandahan ko.
Mabilis kung hinablot ang wallet at inilipit sa kanang kili-kili. Hirap kasi ako sa pagbit-bit nitong mga dala ko. Hindi lang naman kasi sa akin ‘to lahat. Napag-utusan lang ako.
Akmang tatalikod na ako nang magsalita ulit ito.
“Gusto mo tulungan kita?”
Tinapunan ko siya ng tingin saka tinaasan ng kilay “Alam mo kung totoo kang maginoo hindi mo na dapat iyon tinatanong pa!”
“S-Sorry naman. Akin na nga”
Inabot ko sa kaniya ang dalawang paper bags na ang laman ay pagkain at ang dalawang plastic naman ay hawak-hawak ko.
“Ang suwerte ko naman. May aso na akong tagadala, hindi na ako mahihirapan pa” parinig ko
“Grabi naman ‘to. Sa gwapo kung ito, sasabihan mo lang ako ng aso?”
Aba mahangin din!
“Teka lang, alam mo ba saan ang room namin?” pag-iiba ko ng topic kasi ang hangin niya kabonding
“Malay ko ba! Dapat ko pa bang alamin eh nakasunod lang naman ako sa’yo?” sinagot niya ng tanong ang tanong ko
Napairap na lang ako sa kawalan. Para siyang tanga!
Maya-Maya lang ay nakarating ako sa room namin na nangungunsumisyon. Paano ba naman, eh ang ingay nitong lalaking ‘to. Kahit anu-ano na lang ang pinagsasabi, parang ginutom ng isang buwan.
“Puwede ba akong pumasok sa room niyo?” tanong ulit nito sabay abot sa akin ng mga pinabitbit ko sa kaniya
“Ano naman ang gagawin mo sa loob? Malapit na ang time kaya malamang maya-maya lang magbebell na”
“Sige na. Sisilip lang naman ako, saglit lang”
Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay pumasok na ito. Nagfefeeling close ang gago, ang kapal pa ng mukha.
Agad naman akong sumunod sa kaniya.
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang nagsitilian ang mga tao sa loob. Halos lahat sila’y sa aming dalawa nakatingin nitong lalaking ‘to. Ang iba nama’y mapanukso akong tiningnan.
“Bumalik ka na kasi sa room niyo!” bulong ko tama lang upang marinig niya
Nagtungo na rin ako sa upuan ko. Ngunit bago pa man ako makaupo ay biglang may tumulak sa akin dahilan ng aking pagkatumba.
Hanep ang sakit niyon.
“Hoy sino ‘yon?? Ikaw ha, napakasinunggaling mong babae ka! Bf mo ‘yon ano? Ang sabi mo magtatapos ka muna pero ano itong—”
Mabilis kung tinakpan ng kamay ko ang bibig ni Yeja.
“Ano’ng pinagsasabi mo diyan? Tinulungan lang naman ako ng tao”
“Tinulungan ha? Alam mo hindi talaga maiiwasang mapagkamalan kayong may relasyon ‘pag magkasama kayo kasi naman bagay na bagay kayo sis” sandali itong humito saka pumadyak-padyak “New transferee ba ‘yon? Ngayon ko lang siya nakita. At sa tingin ko ka batch lang natin. Kaya ano pa’ng hinihintay mo sis”
“Tigil-tigilan mo akong babae ka! Tatlong buwan na lang at gagraduate na tayo kaya ‘wag kang ano!” sita ko rito
—
Gaya ng kahapon ay nagkita ulit kami niyong hunghang na lalaki. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya, hindi naman ako interesadong malaaman.
Hindi sa nag-aassume ako pero parang inaabangan niya talaga ako dito sa gate. Nakasandal kasi ito sa poste habang nakatutok sa cellphone niya.
May mga dumadaan at nagpapapansin sa kaniya ngunit kahit tingin lang hindi niya pinukulan ang mga ‘to. Pero no’ng dumaan ako, umalis siya sa posisyon niya at sumunod sa akin.
Hindi na ako mabibigla kung bakit habulin siya ng babae, ganoon talaga siguro kapag mahitsura.
“Good Morning, Trazy!”
Mabilis pa sa mabilis akong napalingon sa kaniya.
“P-Papaanong—papaano mo nalaman ang pangalan ko?! Stalker ka ano?!” dinuro-duro ko siya sa mukha
Wala naman akong naaalalang nasabi ko sa kaniya ang pangalan ko kahapon ah!
“Tanga! Syempre tiningnan ko ang loob ng wallet mo kahapon”
Napatingin ako sa ibang deriksyon. I-Ibig sabihin pala, nakita niya..nakita niyang walang laman yung wallet ko?
Mabilis akong naglakad at iniwan ito. Sobrang nakakahiya!
“Hoy...
I wanted to thank you for this great read!! I definitely enjoying every little bit of it I have you bookmarked to check out new stuff you post…