π‡πˆπ’ 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓𝐋𝐄𝐒𝐒 π‹πŽπ•π„ 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 -1


(𝐏𝐀𝐔𝐋 π’π€ππ“πˆππ€π )
π™π™‘π™–π™¨π™π˜½π™–π™˜π™  !!!
“Boss nasa Mindoro po ngayon si Jeppy Dalgan . At isa sa Kasyoso niya sa iligal na Droga Ang mayor rito na si Altur Kamekazi ” tawag sa kaniya ng Privite imbistigator niya.
” Okey Good ,wag kang aalis dyan . Bantayan mo baka maka wala . Pupunta na kami dyan ” madiing sagot ni Paul sa kausap bago ibaba ang tawag.
Ng matapos ay kaagad naman niya tinawagan ang isa sa pinag kakatiwalaan niya . Dalawang ring palang ay sinagot na kaagad ang tawag
“Marco ihanda mo ang mga Tauhan . Sabihan mona rin sina Jayson at Rayan ” sabi niya sa kausap
πŸ“žMasusunod boss
ng matapos sa pag uusap ay kaagad niyang tinungo ang isang silid kung saan . Lahat ng ibat ibang klaseng Armas ay naroon na
at ng matapos maihanda ang sarili at ng mga iba pang tauhan ay kaagad na nila nilisan ang Hideout at tingu ang lugar kung nasaan si Jeppy Dalgan isa sa Mortal niyang kaaway .

“Sherin . Samahan mo ako mamaya ha sa monisipyo meron ksi ipina pakuha si Tiya . ” sabi ng Bestfriend ni Sherin na si Elma sabay yakap sa kabilang Braso niya
” mag Gagabi na Elma , hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang yan. Saka hindi ako naka pag paalam kina nanay at ate baka hanapin nila ako pag ginabi ako ” sagot niya sa kaibigan pauwi na sila galing paaralan 3rd Year Highschool palamang siya.
” sandali lang naman tayo . Uuwi rin tayo kaagad at hindi pwedeng ipag pa bukas pa dahil mapapagalitan nanaman ako ni Tiya Rona kaya please samahan mona ako . Pramis mabilis lang tayo ” sabi naman ni Elma
” oo na basta mabilis lang tayu ha . Kapag pinagalitan ako lagot ka saakin ” sagot niya sa kaibigan at hinakbayan na ito
magka edad lamang sila Ni Elma , wala narin itong mga magulang dahil namatay sa sunog ang mga magulang ng kaibigan . Simula pagka bata ay palagi na silang magka sama. At bawal angsecret sa kanilang dalawa. Ngunit naawa siya sa kalagayan ng kaibigan dahil para itong si Cenderella . Palaging inaapi ng Tiyahin at Dalawang pinsan na maldita.
“Yiiiiee sabi na e hindi mo talaga ako matitiis ” naka ngiting sabi ng kaniyang kaibigan.
” ewan koba sayo. Bakit hindi mopa kasi layasan Yang mga demoniyeta mong tiya at mga pinsan. . Haayst saamin ka nalang kaya tumira. Matutuwa si nanay pag saamin ka tumira ” sabi niya sa kaibigan habang nilalakad nila ang sakayan . At ng maka rating ay kaagad rin silang sumakay ng Motor siklo papunta ng bayan.
ilang minutong biyahe ay naka rating narin sila napa tingin siya sa kaniyang maliit na Relo. Mahigit 6PM na.
“Elma. Mukhang sirado na” mahinang sabi niya sa kaibigan.
” hindi yan Best. Open payan nandyan Pa si Maam Reyez 7pm out nun. Halikana bilisan na natin ” sagot ng kaibigan at sabay hila sa kaniya. Papasok ng munisipiyo.
“Haaayst salamat naman at nakuha na natin. Halikana umuwi na tayo bukas nalang kita e lilibre nag mamadali ka e. ” sabi ni Elma sa kniya.
” he duon muna tayo. Bumili muna tayu ng maiinom. Kanina Pa ako nauuhaw. ” Sabi ni Sherin sabay hila sa kamay ng kaibigan.
Ngunit papalapit palamang sila ng Tindahan ng maka rinig sila ng sunod sunod na putukan ng baril. Kaya mabilis nagsi takbuhan ang mga tao. Maging sila Ni Elma. Ngunit sa Sobrang pagka taranta ng Kaibigan ay napalayo ito sa kaniya
Alam niyang may Phobia ng Putok ng Baril si Elma dahil sa nasaksihan nito ang pag Tadtad ng bala ng Baril ang Kuya nito. .
“Elmaaaaaa, elma nasaan ka?! ” sigaw niya at patuloy parin siya sa pag hahanap sa kaibigan.
bang *
Bang *
Bang *
Bang* sunod sunod na putok ng baril ang...


naririnig ni Sherin napapatakip lamang sya ng kaniyang Tainga.
Habang tumatakbo si Sherin ay nakita niya ang mga Aapat na armadong Lalake. Nag papalitan ng putok ng Baril. Sa Sobrang Takot niya na baka matamaan siya ay mabilis siyang nag Tago sa likod ng Sasakiyan na Kulay itim na Toyota Hilux .
Panay sumiksik ni Sherin sa likod ng sasakiyan napapayakap na lamang siya sa Kaniyang Tuhod sa sobrang takot ay hindi na niya napigilang mapa iyak. . Hanggang sa Tuluyan ng Tumigil ang putukan.
“Wala na? ” mahinang bulong niya sa sarili.
Ngunit tatayo na sana siya para bumaba ng Sasakiyan. Ay mabilis siyang napaka tago ulit dahil nakita nanaman niya ang Tatlong Lalakeng may dalang mahabang baril
” boss naka takas nanaman si Jeppy pero si Altur napatay na. ” sabi ng isang lalake. Napa takip ng sariling bibig si Sherin dahil sa narinig. .
‘Si mayor patay na ‘ sabi ng kaniyang isipan.
” damn sige bumalik na tayo ” sabi naman ng Baritonong Boses.
ilang minuto ay wala ng narinig si Sherin . Narinig niya lang ang mga yabag na paalis kaya nag simula na siyang tumayo. Para maka alis . Ngunit ang siyang pag tayo niya ay siya ring pag alis ng sasakiyan na kinatataguan niya.
“Aaaay ” malakas na tili ni Sherin ng malakas siyang matumba dahil sa mabilis na pag start ng sasakiyan.
” nako hindi to pwede. Luh saan ako makaka punta nito “. Pag wawala ng isip ni Sherin habang takot na takot.
” nako hindi pwede to. Hoy itigil mo ang sasakiyan . Hoy may tao rito sa likod ” sigaw ni Sherin sabay pukpok sa gilid ng sasakiyan.
“Boss tanong ingay yun. ?” Sabi ni Marco habang, nag mamaneho. Ngunit kumunot na lamang ang nuo ni Paul
“What?! ” seryoso niyang tanong ni paul
” may ingay akong naririnig boss boses babae. ” sagot ni Marco.
” nako namimiss mulang mga babae mo Marco ayan fuckboy Pa more ” kantiyaw ni Rayan . Ang pinaka Palabiro sa tatlo
” babae talaga unang pumapasok sa isip ni Marco pagka tapos ng Laban. ” sabat naman ni Jayson.
Kaya nag tawanan ang dalawa. Ngunit napaka tagil rin sa pag Tawa ng maka rinig sila ng. Boses ng babae.
” boss ano yun? ” gulat na sabi ni Rayan.
” nako baka nasundan tayo ng ligaw na kaluluwa. ” sabat naman ni Marco
“Ano may multo sa lugar na yun ” gulat namang sabat ni Jayson.
“Marco. STOP THE CAR!! seryosong utos ni Paul.
Na kaagad naman itinigil ni Marco ang sasakiyan .
” boss baka may multo. Bababa ba tayo? ” sabi ni Rayan.
“Tsk tignan niyo kung tanong ingay yun ” utos ni Paul sa Tatlo.
Nanginginig namang sumunod ang tatlo.
Dahan dahan lumapit ang Tatlo para tignan ang nasa likod. Pag silip palang nila ay nakita na nila ang isang babaeng dumadaing sa sakit.
“Aray ang balakang ag pwet ko ” daing ni Sherin dahil sa malakas na pagkakabagsak niya dahil sa biglaang pag preno ng sasakiyan.
“Tao kaba o multo ” tanong ni Marco
Ngunit hindi sumagot si Sherin. Patuloy parin ito sa pag daing. Hanggat sa mapa angat ito ng Ulo at madako ang tingin sa Tatlong lalakeng naka tingin rin sa kaniya.
“AHHHHHHHHHHHHH!!! ” magka sabay na Sigaw ng tatlong lalaki pati ni Sherin.
” Ahhhhh may Dyosang Multo ” sigaw naman ni Rayan.
” ahhhh white lady ” sigaw naman ni Jayson.
” boss may White lady ditooooo
“Boss may magandang Multo ritoooo.
Magka sabay na sigaw nina Rayan at Marco.
Napa kunot nuo naman si Sherin dahil sa style ng tatlong lalake.
Maya Maya ay napaka baling siya ng Tingin sa lalakeng papalapit sa tatlo.
” why! ” seryosong tanong nito sa Tatlo.
Magka sabay naman itinuro ng tatlong lalake si Sherin kaya napaka tingin sa Gawi niya si Paul.
//up next Chapter 2
“CONTINUE FLASHBACK ” FIRSTMEET “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top