(MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
Hindi mapakali si Sanny sa kanyang mga nalaman tungkol kay Misale. Hindi niya maisip na sa masayahing mukha niya ay ganun ka lupit ang kanyang mga naranasan na.
“Hon, bakit hindi pa natin kunin si Misale? Karapatan ng bata ang mamuhay ng masaya hindi sa ganoong buhay!” hindi napigilan ang inis at napasigaw na siya habang turan a g salitang iyon.
Walang reaction ang asawa sa kanyang sudden burst out. Prente lamang itong nakaupo at nilalaro ang sariling daliri. “Hindi pwede, we need her. Eros need her, to track Condrado’s boss.” walang emosyon na sabi nito.
“What? Ipapahamak niyo nanaman yung bata dahil lang sa kagustuhan niyong ma dakip ang inutil na sindekatong iyon!” gulantang niyang sigaw. Hindi makapaniwala na ganun pala ang inisip ng kanyang asawa.
“Stop shouting, will you? We’re are not using her, for petty sake. Cut that thought in your mind!” iritang sabi ni Franklin kay Sanny na ngayon ay hindi na maguhit ang mukha sa subrang busangot nito.
“Hindi pa ba yun ganon? You use her as your bait and now you’re telling me that I’m wrong? God Franklin! Are out of your mind?” palakad lakad na pangaral sa asawa habang ang mga mata ay nanlaki.
Nangunot ang noo ni Franklin habang naka tanaw sa kanya. ” As what I’ve said. Im NOT USING HER.” madiing sabi ni Franklin saka tinalikuran si Sanny na tuliro lamang sa kanyang kinatatayuan.
Sa kabilang banda, hindi maka boo ng desisyon si Misale. Nagdadalawang isip kung tatawagan ba ang babaeng nagbigay sa kanya ng calling card at tanggapin ang alok nitong maging modelo sa mga gown na dinisenyo.
Sa isip niya ay, paano kung hindi na siya tatanggapin dahil may nahanap na? Mapapahiya lamang siya.
Naputol ang kanyang pag-iisip ng may kumatok sa silid na kanyang inukupa. Walang gana niyang binuksan ito at tumambad ang mukha ni manang Edna na Naka ngiti.
“Maari ba akong pumasok, iha?” tanong ng ginang. Tumango lamang siya at niluwagan ang pagkabukas ng pintuan.
Mataman na tinitigan ni manang Edna ang hawak ni Misale at nang mapansin ni Misale na titig na titig ang ginang sa kanyang kamay ay tiningnan niya din ito at doon niya napagtanto na calling card pala na hawak niya ang tinignan nito.
“Alam mo Misale, sa buhay maraming pagpipilian, may mahirap at may madali lang. At sa tingin ko ay isa ka sa mga taong naguguluhan at hindi maka buo ng pinal na desisyon. Isa lang ang masasabi ko, gawin mo ang nasa iyong puso at ibalanse ito sa iyong isip. Huwag kang magdesisyon na isa lang ang iyong ang sinunod dapat magkasabay ang iyong isip at puso para ikaw makabuo ng mas magandang desisyon na tiyak ay hindi mo pagsisihan.” Mahabang litanya ni manang Edna na nag pagising sa kanyang diwa.
“Pero paano po yun?” Litong tanong niya sa ginang.
“Kunsultahin mo ang iyong isip at puso kung ano ang nararapat gawin. Timbangin ang isinisigaw ng dalawa. Alam ko na ang nasa iyong isip at hindi magkatugma sa nasa iyong puso. Gawin mong magkatugma ang dalawa. Linawin mo kung ano nga ba talaga ang iyong gusto. Pero kung ako sayo, iha. Tatawagan ko na yan, sayang ang opportunidad na ibinigay sayo at sasayangin mo lang. Hindi lahat ay maswerteng tulad mo na ang trabaho na ang lumapit yung iba nagkandarapa sa kahahanap ng trabaho.” paliwanag ni Edna kay Misale na mataman namang nakikinig.
Sa mga sinabi ng ginang kamakailan lang ay nakabuo siya desisyon. Desisyon na alam niya ikabubuti niya.
“Salamat, mama Edna. Buti nalang andito kayo.” Naluluhang sabi niya. She really appreciate it.
“Walang anuman iha. Ito ang tandaan...