𝐔𝐌𝐈𝐁𝐈𝐆 𝐀𝐊𝐎 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐑𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘 𝐊𝐀 𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐁𝐎𝐒𝐄𝐒.


𝐔𝐌𝐈𝐁𝐈𝐆 𝐀𝐊𝐎 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐑𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘 𝐊𝐀 𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐁𝐎𝐒𝐄𝐒.
Nag iisa lang akong pumunta sa malayong isla. Ito ang islang makakapag-isip ka talaga ng maayos dahil walang ingay.
Malinaw na tubig at sariwang hangin ang sasalubong sayo dito”Sge manong sa susunod na araw nyo na po ako kunin dito”sabi ko dito at tumango naman ito.
Napabuntong hinga ako at dinama ang buong kapaligiran at ang lamig ng simoy ng hangin. Nandito ako upang makapagisipisip dahil may problema ako sa pamilya ko.
Dati ay nakapunta na ako dito nong kasama ko pa ang lola ko. Kinukwento nya sakin ang mga serinang nakatira dito ngunit wala naman akong nakikita kahit isa.
Bumungad sakin ang lumang kubo namin dati”Nakabalik narin ako sa wakas dito”pumasok na ako at inilagay ang bag ko sa upoan.
“Ang dumi ang tagal nadin hindi ko ito binibisita”
Nong namatay ang lola ko hindi na kame pumupunta dito pero hito ako ngayon, lumayas dahil sa away na ayukong pakinggan.
Tumingin ako sa kusina at sa loob ng kwarto ko. Pumunta ako sa isang cr na may bath tub. Nag taka ako kung bakit may kandila?
Binaliwala kona lang ito at lumabas mona. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa lugar nato. Gusto kung mamalagi seguro dito.
Marami kang maiisip pag ganito ang buhay mo.
“Tulong! Tulong! Tulongan nyo ko”mahinhin na boses na narinig ko. Agad kung hinanap kung sino ang nag salita.
Napaatras...


agad ako nong makita ito”Tulongan mo ko, maawa ka ginoo”nabalot ito ng isang lumbo. Seguro nahuli sya at nakatakas.
Nilapitan ko ito at tinulungan na makaalis. Nakita kung may sugat ang buntot nito”Salamat”mahinang sabi nito at agad nawalan ng malay.
Nag dalawang isip pa ako kung tutulongan koba ito or iwan nalang. Hindi ako naniniwala sa serina pero ito may nakita na ako.
Agad ko itong kinarga, ang bigat nya. Ang kulay ng kanyang buntot at buhok ay napaka ganda.
Nakarating ako sa kubo ay agad ko itong inalagay sa bath tub. Pinono ko ito ng tubig maalat”Ayan sana magising kana”
Iniwanan ko mona ito baka sakaling pag balik ko gising na sya. Sinampal sampal ko ang sarili ko dahil hindi parin ako makapaniwala sa nangyare.
Ng may narinig akong magandang boses”Ohhh ohhhhh, ahhh, aahhhhhhh”unang kanta nito.
Walang alinlangan na pinuntuhan ko ito at tinabihan. Nakangiti akong tumingin sa kanya hindi ko namalayan na may ilaw na pala sa kandila.
“Naaakit kaba sa kagandahan ko ginoo?”tumango ako nang tumango”Ngayon pwede mo ba akong halikan?”
Nalito na ako sa mga nangyayare sakin. Anyare sakin?
Lumapit ang mukha nito sakin at dahan dahan na idinikit ang labi nito sa labi ko. Ang lambot at medjo maalat ng dahil sa tubig alat.
“Ngayon akin kana magpakailanman. Sa susunod mawawala karin at hindi na mabubuhay. Salamat sa pag tulong sakin ginoo”bulong nito at nawalan ako ng malay.
𝙴𝙽𝙳.
@𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈𝒎𝒂𝒓𝒖𝒇𝒐𝒌❤︎





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top