𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 1: 𝗝𝘂𝘀𝘁 𝗔 𝗙𝗮𝗻 𝗢𝗳 𝗬𝗼𝘂𝗿𝘀
SAMANTHA’S POV
Hanggang ngayon na nakasakay na ako sa bus ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Kumakabog din ang puso ko habang papalapit nang papalapit na kami sa kumpanya. Can I really make it?
Medyo may kalayuan pa naman kaya naisipan ko munang makinig sa earphones. Wala sa sariling napili kong playlist ay ang kanta ng OT7s. Marinig ko pa lang ang boses ni Harvin ay talaga namang hindi ko maiwasang mamula. Ang ganda talaga ng boses niya!
Nasisiyahan na akong nagsa-soundtrip nang biglang may tumatawag sa ‘kin sa Messenger. Group chat call pa pala ito.
𝒀𝒐𝒘𝒂𝒏𝒂 𝒘𝒂𝒏𝒕𝒔 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒐 𝒋𝒐𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒗𝒊𝒅𝒆𝒐 𝒄𝒂𝒍𝒍.
Imbes na mainis ako dahil sa naudlot kong pagsa-sound trip ay himalang hindi ko iyon naramdaman. Iba talaga ang hatid na good vibes ng OT7s, especially ng boses pa lang ni Harvin. Kaya maging sa pagsagot ng tawag ay malapad pa rin ang ngiti ko.
“Wow, lapad ng ngiti ah? Natanggap ka na siguro sa trabaho ‘no, Ate Sam?” masayang saad ni Yowana. Ang cute at maalaga naming bunso.
“Hi, Ate Sam! Ay bongga, magkano sahod every month? Hehe” pabiro namang ani ni Livana, isa pa rin sa kapatid ko. Siya ang ikatatlo sa aming magkakapatid. At kagaya ko ay fan rin siya ng OT7s. Kung hindi ninyo naitatanong, magaling na mananayaw ang isang ‘to.
“What’s with the sudden call? Good thing we’re now on our lunch break. Kumusta, Sam?” si Ate Winter naman na pansin kong kumakain ng lasagna. Nakasuot pa rin siya ng uniporme pang opisina. Always the serious one but she’s a sweet Ate too.
Hindi ako agad nakasagot sa kanila. Ngayong naalala ko na naman ang tatlong kumpanya na tumanggi sa ‘kin ay bahagya akong nalungkot.
“What’s with the face, Sam? Kanina lang, kung makangiti ka e parang wala nang bukas.” tumawa si Ate Winter sa kabilang linya.
“I got rejected by three consecutive companies, Ate.” Pag-amin ko.
Nabakas ko sa mukha nina Yowana at Livana ang malungkot na ekspresyon. Ngunit si Ate Winter lang ang nakataas ang kilay.
“Hayaan mo sila, Sam. For sure there are still many good companies out there who are much deserving of you. Okay lang ‘yan, we know you did your best.” Ate smiled proudly at me.
“Subok lang ng subok, Ate Sam. Alam kong may mas magandang plano sa inyo si Bro.” Si Yowana naman.
“Yeah, we’re always proud of you, Ate Sam!” saad naman ni Livana.
Hindi ko na napigilang bumulalas ng tawa dahil sa nagawa pa ni Livana na mag-finger heart sa screen. Makal*kohan talagang babae.
“Hala, anong nakakatawa sa sinabi ko, Ate? Wrong grammar ba ang aking english? Sorry na me in advance” nahihiyang tumawa si Livana.
“Liv, tama ang grammar mo. Naks naman.” anang Ate Winter.
“Syempre, Ate Winter iba talaga ‘pag inspired. Sino nga ulit ‘yon, Ate Liv?” segway naman ni Yowana.
Pabirong umirap si Livana sa sinabi ni Yowana. Ayaw kasi nito ang binabalikan ang mga dati niyang crush. E, sa nakikita ko naman ay doon siya muling iniinis ni Yowana. Ang mga bata talagang ‘to…
“Pauwi ka na ba, Sam?” tanong sa ‘kin ni Ate Winter.
“Hindi pa, Ate kasi may isa pa akong pag-a-apply-an. Susubok uli, coz why not coconut?” tawa ko.
“Ah, right that’s the spirit! Good luck, sis.” kinindatan pa ako ni Ate Winter bago siya nagpaalam dahil tapos na ang lunch break nila.
Kaya naman ay sina Livana at Yowana na lang ang naiwan para kausapin ako.
“Beke nemen, Ate Sam malaman namin next destination mo?” tanong ni Livana nang nakangisi.
“Dito lang sa tabi tabi, Liv. Mga ilang minuto nasa bahay na ako niyan.” tugon ko naman. Binelatan na lang ako nito.
“Good luck, Ate Sam! Papaalam na ‘ko kasi magsisimula na class namin. Bye po at ingat ka.” tipid na lang akong kumaway rito dahil mukhang nagmamadali na si Yowana.
Akmang ibababa ko na rin ang video call nang biglang tumili si Livana. Jusme, buti na lang naka-earphones ako kundi tawag-pansin ako rito sa bus kung nagkataon.
“Huy, ikalma mo Liv. Bakit ka ba tumitili-tili diyan?” mahina kong singhal sa kanya.
Sumenyas lang siya ng peace sabay tawa ulit. Napakunot noo na lang ako sa reaskyon ng kapatid ko. Nab*liw na ata.
“Oh my gosh, Ate! Alam mo na ba iyong hiring sa Up: Lift Lab under Vybe Labels?! Masyadong viral sa twitter. Omo!” punong-puno ng energy na saad ni Livana sa ‘kin.
“Yeah. Kanina ko pa nalaman. Huli ka na sa balita, Liv. Look oh.” ipinakita ko sa kanya iyong flyer na nabasa ko kanina.
“Kyaaaah!” tili niya ulit. Mabibingi na ata ako.
“Galingan mo, Ate Sam! Dapat matanggap ka. Jusme, minsan ka lang makalapit ng libre sa OT7s. Kung qualified lang ako, itabi mo na Ate, ako na gagawa para sa ‘yo.”
“L*ka ka talaga, Liv! Papatalo ba naman ako? Syempre, hindi! Lalo pa’t nando’n si Harvin, ‘no.” buong kumpyansa kong pahayag rito.
“Yes, yes. Basta Ate Sam, ‘wag mo akong kalimutang ipakilala sa bias ko. Kahit isang autograph lang ni Kenzo Reign Park, oks na talaga ako.”
Panaka-naka ang tingin ko rito sa malawak at malinis na lobby ng Vybe Labels Entertainment. Nanlalamig na rin ang mga palad ko hindi dahil sa aircon kundi sa kaba. Mahigit sa dalawampu na kaming nandirito at naghihintay sa lobby na matawag.
Inasahan ko na rin naman ang biglaang interview na magaganap. Pero ang isang nakapagpawindang sa ‘kin ay ang sunod-sunod na pagpasok sa building ng pitong lalaki. Matatangkad at mapuputi sila. At kahit pa naka-face mask sila ay hindi nagawang itago ang angkin nilang kakisigan.
I am very certain that they are the OT7s. Especially that one guy, wearing a black hoodie, track pants and black cap. Siguradong sigurado akong si Harvin Lee iyon!
Epekto ata ito ng pagiging certified OTceans ko o sadyang mahal na mahal ko lang talaga si Harvin, kaya kabisadong kabisado ko na ang lahat sa kanya. Basta mahal kita so much talaga, Harvin!
“Is it true? OT7s will also be the one to personally interview the make-up artists and stylists that they will be hiring?” pakinig kong usapan ng dalawang babae na katabi ko.
“Hmm, that’s what I heard, Tanya. Gosh, I’m quite nervous but at the same time really excited on meeting them.”
“I hope I could be one of the selected. Simula pa man noon pangarap ko nang maging stylist ni Harvin Lee!”
Agad namang nagpanting ang tainga ko matapos mabanggit ang pangalan ni Harvin. Ano kamo pangarap niyang maging stylist ni Harvin? Huh, good luck na lang girl dahil nandito na iyong fiancee. Charot nandito na ang hinahanap ni Harvin na stylist!
Inayos ko ang medyo gusot ko nang gray long sleeve dress. At pagkatapos ay eksaherada akong tumikhim. Hindi naman ako nagkamali dahil naagaw ko nga ang atensyon ng dalawang babae. Pinaghalong nagtataka at naiirita ang titig nila sa ‘kin. Papayag ba naman ako ro’n? Syempre, hindi. Kaya maarte kong hinawi ang mahaba kong buhok sa harapan nila sabay taas kilay.
“Yes? Do I owe you girls something?” seryoso kong tanong sa dalawa.
Sabi nila maamo naman ang aking mukha lalo na kapag nakangiti. Ngunit kapag hindi naman ay madalas napagkakamalang mataray ako. Iyong tipo na walang magkakamaling tumitig pang muli sa akin ng pangalawang beses. Kaya hindi na rin ako nagtaka nang sabay sabay silang umiwas sa ‘kin ng tingin.
Now, I love that impression I gave to others. It became my advantage at this moment.
Kay bilis talaga ng oras at heto na ako nakasalang na sa hotseat. Pakiramdam ko bumalik ako sa senior high, kung saan ngayon ang araw ng defense sa research. Ang buhay nga naman parang life.
“Hi, good morning po.” bati ko sa kanila matapos kong ibigay ang resume ko kay Miss Mclaine, ang Head of Human Resource Department.
Iminuwestra naman ng isa sa kasamahan ni Miss Mclaine ang isang high stool na nandoon sa harapan nila. Sinunod ko ang gusto nilang mangyari. Naupo ako roon habang hinihintay ang kanilang mga katanungan.
“Good morning, I am Mclaine Miranda the Head of the HR Department. This is Trevor Dominguez and Charity Saavedra. We are the assigned interviewers of Vybe Labels. Are you now ready for the interview?”
Wala sa sariling napalunok ako. This is it, Sam. You can do it!
“Good morning, I...
nice