๐—•๐—˜๐—›๐—œ๐—ก๐—— ๐—ง๐—›๐—˜ ๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—– ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ž


๐–๐‘๐ˆ๐“๐“๐„๐ ๐๐˜: ๐๐‘๐ˆ๐๐‚๐„๐’๐’ ๐‹๐˜๐ ๐‘๐Ž๐ ๐–๐‘๐ˆ๐“๐„๐‘๐’
โ€ข๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐ŸŽ๐Ÿโ€ข
๐ŸŒฟ๐ŸŒฟ๐ŸŒฟ
เผบ๐”ธโ„•๐”พ๐”ผ๐•ƒ๐•€โ„‚๐”ธ’๐•Š โ„™.๐•†.๐•เผป
IT’S saturday.
Andito lang ako sa loob ng bahay, dahil wala namang pasok sa school.
“Anak, aalis muna ako wala na tayong mga gulay kaya bibili muna ako.” Ang paalam sakin ni mama kaya tumango na lamang ako bilang sagot.
Ayuko lang kasi yung daldal ng daldal, bihira akong mag salita at hindi namamansin, pero mabait naman ako.
Ang boreng nang buhay ko, dahil minsan ay hindi ako maka labas ng bahay dahil lagi rin lang akong nasasaktan, kaya mas pipiliin kona lamang na manatili sa loob ng bahay, mag basa ng libro at kung ano ano pa na pwede kung pag ka abalahan.
Agad akong napatingin sa labas ng bintana ng may dumaan na lalaking sakay ng isang bisiklita.
Ang lalaking crush ko simula pa lang nung tumapak ako ng high school, kilala siya sa aming paaralan dahil matalino siya, gwapo, dancer, basketball player, at cold.
Ang daming nag hahabol na babae sa kanya pero hindi ako kabilang roon, humahanga lamang ako sa kanya.
By the way he’s Lester Blake Mondragon 18 years old and hes grade 12, habang ako ay grade 10 pa lamang.
Lumingon siya sa bintana kung nasaan ako, kaya nagulat ako dahil dun at hindi maka galaw.
“Anak, kanina pa ako dumating pero hindi mo man lang namalayan may problema ba?” Ang takang sambit ni mama na nasa harapan ko na pala.
“Ay pasyensya na ma, may iniisip lang po ako.” Ang sabi ko at saka tinulungan siyang mag ayus ng mga pinamili niya.
“Anak, kung may problema ka sabihin mo lang sakin, ayukong nag lilihim ka sakin.” Ang sabi ni mama at seryoso ang mga mata niyang nakatingin sakin.
“Oo naman po.” Ang sabi ko na lamang at saka tinapos na ang ginagawa ko.
Pag katapos ay pumunta na ako sa kwarto ko para magbasa nang mga libro. I love books, kasi nakakawala ng stress, bigla akong natigilan ng makita ang isang libro sa lalagyan, fantasy ang genre niya at sa tingin ko ay magugustuhan ko ito.
‘BEHIND THE MAGIC MASK’
Yun ang title ng libro, pero agad nangunot ang noo ko ng makitang wala itong sulat kahit isa.
Anong klaseng libro to?
Itinago ko na lamang ito dahil wala naman sulat. Iba ang pakiramdam ko sa librong yun, sobrang weird lang kasi.
“Angelica, may bisita ka!” Ang sabi ni mama kaya naman nangunot ang noo ko dahil dun.
Anong bisita? Ei wala naman akong kaibigan or ka close kundi siya lang naman.
Agad nanlaki ang mga mata ko ng makita si Lester, nakaupo siya sa sofa at nakatingin sa TV.
Anong ginagawa niya rito?
“Lester, what are you doing here?” Ang mahinang sabi ko, sobrang nagulat ako dahil sa biglaan niyang pag punta sa amin.
Ang daming babaeng nag papapansin sa kanya pero ni isa ay wala siyang natipohan, kaya anong ginagawa niya sa bahay namin.
“I’m sorry, I just want to give this to you.” Ang cold na sabi nito at ibinigay sa akin ang I.D ko, shuta…
Agad ko iyong hinablot dahil sa kahihiyan, sobrang pangit ko sa picture na yun at parang hindi na ako tao dahil sa hitsura ko doon.
“I have to go.” Ang sabi niya pa at saka nag lakad na papalabas, hindi ako makagalaw dahil dun.
I don’t know why, pero napangiti na lamang ako ng...


kusa, hindi ko alam ang dahilan pero gusto ko lang naman ngumiti, napatampal na lamang ako sa noo ko dahil hindi man lang ako nakapag thank you sa kanya. But it’s okay, sa lunes na lang ako sa kanya mag t-thank you.
“Ikaw anak huh, crush mo yon noh?” Ang biglang sabi ni mama na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.
Agad namula ang pisngi ko dahil dun, yes I have a crush with him at sa tingin ko ay wala naman masama kong humanga ako sa kanya.
Isang tango lamang ang itinugon ko kay mama, ngumiti naman siya at lumapit sakin.
“Pero anak wag masyadong pairalin ang puso mo, ayukong masaktan ka dahil lang sa pag ibig.” Ang makahulugan na sabi niya, hindi ko na lamang pinansin at tumango.
“I know ma, dahil pag hanga lang ang nararamdaman ko sa kanya, hindi na yun lalagpas pa roon dahil hindi ko hahayaan na mahulog ang loob ko sa kanya. Ayukong masaktan lang ma.” Ang mahinang sabi ko, niyakap niya naman ako pag katapos noon.
“Good yan anak, oh siya maligo kana ang baho mo na.” Ang sabi ni mama dahilan para mapasimangot ako.
“Mama naman…” Ang maktol kung sabi, tumawa naman siya.
“Joke lang anak, sige na at may gagawin pa ako.” Ang sabi niya kaya tumango na lamang ako.
Bumalik ako sa kwarto ko at saka humiga sa kama, pero agad din akong napatingin sa mesa kung saan naroroon ang weird na libro na yon, tumayo ako para tingnan kong may iba pa akong makikita, binuklat ko iyon at saka tumingin sa unang pahina.
Pero nagulat ako ng may nakita akong sulat sa unang pahina.
“A cursed princess is now inlove, she’s half mortal and half fairy.”
Yun ang nakasulat doon, kaya nag taka ako dahil don.
Impossible naman na totoo ang mga ganitong kwento dahil hindi naman totoo ang fairy.
Itiniklop kung muli ang libro at saka inilagay sa mesa at tumingin sa labas ng bintana. Ang simoy ng hangin ay kakaiba dahil parang meron itong ibig sabihin.
Isang ibon ang dumapo sa labas ng bintana ko, kakaiba ang kulay ng kanyang balahibo dahil para itong ginto dahil sa kulay. Ang kanyang mga mata ay parang tao, kulay dark blue iyon at nakatingin lamang sakin.
Binuksan ko ang bintana ko para sana hawakan ito pero lumipad na ito papalayo papasok sa madilim na gubat.
Ang gubat na kung saan ay hindi ko pa napuntahan, dahil laging sinasabi ni mama na bawal akong pumunta roon dahil maraming panganib ang mangyayari saakin kapag ginawa ko yun.
Ang sabi pa ni mama ay wala nang nag tangkang pumasok sa gubat na yun simula ng ipinanganak ako, maraming kababalaghan ang nangyayari sa tao kapag papasok sa gubat na yun.
Ang dami daw nagalit sakin dahil iniisip nila na ako ang dahilan kung bakit nangyayari yun, pero ang sabi ni mama ay wag daw akong papaapekto sa mga sinasabi ng iba, bumuntong hininga ako at saka naupo sa kama.
I wish, I have a beautiful face like them. I wish, I have a perfect body like others, pero alam kung hanggang pangarap na lang ako, malabo nang mangyari pa ang lahat ng gusto ko.
โ€ข๐„๐๐ƒ ๐Ž๐… ๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐ŸŽ๐Ÿโ€ข
๐Ÿ…๐Ÿ…ค๐Ÿ…ฃ๐Ÿ…—๐Ÿ…ž๐Ÿ…ก๐Ÿ…ข ๐Ÿ…๐Ÿ…ž๐Ÿ…ฃ๐Ÿ…”๐Ÿ…ข: HI TO ALL READERS, SHORT UPDATE LANG MUNA… KUNTING KAALAMAN HAHA NAWALA UTAK NG AUTHOR NYO.๐ŸŒฟ
โฎโ„™โ„๐•€โ„•โ„‚๐”ผ๐•Š๐•Š ๐•ƒ๐•โ„• โ„๐•†๐”น ๐•Žโ„๐•€๐•‹๐”ผโ„๐•Šโฏ






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top