𝗕𝗘𝗧𝗥𝗔𝗬𝗔𝗟❞
All the machines and other such that I needed are all set and ready. Magaan ang pakiramdam at animo‘y lumilipad ako sa himapapawid na tulad ng isang ibon. I‘m too happy right now‚ dahil sa wakas ay matutupad na rin ang pinakaaasam-asam ko.
I‘m clouded with the feeling of excitement and at the same time nervousness. The purpose of this project of mine is to make Elle mine again.
“Bro‚ this freaking thing is disgusting!” Usal ni Marvin. Hindi ko naman siya pinagtuunan ng pansin. Bagkus pinagpatuloy ko ang pagkalikot sa phone ko na siyang magiging device and also way to came to past. Naka-ayos na ang frequency nitong phone ko pati na rin ang date.
All I need to do is focus.
“Bro! Stop this! Hindi niya magugustuhan itong ginagawa mo.” Utas nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para matigilan siya‘t mapalunok.
“You‘re crazy‚ Klaus!” Dagdag pa nito. Lalo namang sumama ang timpla ko.
“What did you say?” Galit kung tanong sa kaniya. Umiling naman ito.
“Bro—”
“You know nothing about being crazy… hindi mo alam ang pakiramdam ko at mas lalong hindi mo alam ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa!” Sigaw ko na siyang umalingawngaw rito sa buong basement.
“You must stop this shit! Hindi mo alam kung ano ang magiging epekto nito sa‘yo at kay Elle!” Sigaw nito pabalik. Mas lalo namang tumalim ang tingin ko sa kaniya. Ang mga palad nito‘y naka-kuyom na. So‚ this is how this things will go huh. Crazy‚ Marvin.
“Wha—” nabitin sa eri ang salita ko ng putulin ako nito.
“You are a coward! Masiyado kang duwag para harapin ang katotohanan!” Sigaw nito. Ang mata nito ay matiim na nakatitig sa akin habang ang palad nito ay kuyom na kuyom.
Hindi naman ako natinag o kinilabutan man lang sa ekspresyon niya kahit ngayon ko pa lang siya makitang ganito kaseryoso. Madalas ay kalmado lang ito at hindi komokontra.
“Yeah‚ I am a coward man.” Mahinang usal ko sapat na para umabot sa pandinig nito. Nakita ko naman ang biglang paglaki ng mata nito. Tanda na nagulat ito sa sinabi ko. Kumalma na rin ang madilim kung ekspresyon. Ang pintig ng puso kong nagrerebelde kanina‚ ngayon ay unti-unti ng bumabalik sa normal nitong tibok. Ang ekspresyon sa mukha ni Marvin ay biglang nanlambot.
Nakaayos na ang lahat. Hindi na rin umimik pa si Marvin kaya naman pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Sa petsang January 8‚ 1994 ko itinapat at sa oras ng alas tres ng hapon. Bago...